13

360 10 0
                                    

"Oh, saan galing?" pang-aasar na bungad sa amin ni Guillian nang makabalik kami ni River.


"Sa labas lang," tumawa ako nang bigyan nila ako nang mapang-asar na tingin.


"Kaya nga ako, diba? Hindi kita sinisisi, Tallie." Napatingin kaming lahat sa direksyon nina Ryle na papunta sa amin nang marinig siya.


"Ewan ko sa 'yo," iritang sagot ni Tallie at umupo sa tabi ni Kyra. Napabuntong hininga naman si Ryle.


"What's wrong, Cal?" tanong ni River kay Callum nang makalapit sa amin.


"Salamat sa regalo niyo, ah?" inis na tumayo si Ryle at sinamaan ng tingin si Callum bago kami talikuran lahat. Nagkatinginan kaming lahat at hindi inaasahan ang pag-walk out ni Ryle.


"I'm out," sabi ni Archer na kararating lang sa table namin. "Nice to meet you, guys." Ngumiti siya sa amin bago sumulyap kay Callum at sinamaan ng tingin. Party is ruined na nga.


"Babe, uwi na tayo." Bulong ko kay River. Napatingin naman siya sa akin bago tumango.


"I'll just check on Ryle," sabi niya at tumango ako. Tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay nina Ryle.


Tumingin ako kay Tallie at nakita siyang nakatulala. Napabuntong-hininga ako bago hinawakan ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.


"Sabay ka na sa amin ni River. Ihahatid ka na lang namin." Sabi ko sa kaniya. Umiling naman siya.


"Hindi na, nakakahiya. Mag-Grab na lang ako," sabi niya na hindi ko sinang-ayunan.


"Don't worry, I'll give her a ride." Napatingin ako kay Callum nang sumingit siya sa usapan namin. Tumango na lang ako.


We offered a ride to my friends pero wala ni isa sa kanila ang sumabay. Sina Kyra at ang ibang babae ay kila Guillian sasabay dahil kasya naman daw sila. Nag-uwian na rin ang iba pang kaibigan ni Ryle dahil hindi na namin mahagilap ang birthday boy.


Nagpaalam na kami sa kanila bago tuluyang umalis. Para akong nakahinga ng maluwag nang makarating na kami sa sasakyan.


"Grabe babe, parang ang daming issue ng tropa niyo 'no?" sabi ko sa kaniya. Ngumiti lang siya ng tipid.


"Yeah, I know right." Bumuntong hininga siya.


"Bakit ganoon? Alam kong it's not your story to tell pero paano kayo naging magkakaibigan kung may ganiyang problema?" tanong ko sa kaniya. Gustong-gusto ko na talaga malaman, e. Bumuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko habang ang isa ay nanatili sa pagma-maneho.


"We were friends since we were in Grade school. I think Ryle and I were in Grade 5 while Callum and Archer were in Grade 6. Gio was in first year high school." Pagkukuwento niya. "I got close with Archer and Gio because of Ryle. They were in a the same dance org with Gio. Ryle and I were classmates. Then a little introduction became a lifetime friendship." Napangiti siya sa huling sinabi niya.


"Mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa 'no?" tipid akong ngumiti. "Kasi kahit na dalawa sa inyo ay may problema, hindi niyo pa rin sila iniwan. Hindi kayo namili ng kakampihan."


I can't imagine the feeling of being in between. Sobrang hirap siguro ng ganoon. Hindi mo kayang iwanan ang dalawa mong kaibigan na magkaaway. You need to be matured enough to accept that you are the one who's in between. Kailangan din matured enough ang dalawang magkaaway para tanggapin na hindi nila pwedeng ipitin ang nasa gitna.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon