25

458 10 0
                                    

"Kumusta si Kyra?" tanong ko kay Tallie nang makarating ng ospital malapit sa bahay nina Kyra. Umiiyak siyang lumapit sa akin. Kasama niya si Callum at si Archer na ikinagulat ko. He was wearing a cap and a mask so no one will recognize him.


"Hindi pa rin siya gumigising pero okay naman na raw at normal na ang breathing." Pinunasan niya ang luha niya.


"Ano ba'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ko.


"Hindi ko rin talaga alam. Tinawagan lang ako ni Tita kasi inatake nga raw ng hika. Nasobrahan ata sa kaiiyak at hindi ko alam kung bakit siya umiiyak." Muling tumingin si Tallie sa private room ni Kyra. Nasa labas kami at hindi muna pwedeng pumasok sa loob.


"Her family came out for awhile to buy food," sabi ni Callum.


"Nasaan si Gio?" tanong ko. Walang sumagot sa kanila. Napatingin naman sila sa isa't isa.


"Hindi rin namin ma-contact." Sabi ni Archer.


Napaupo ako sa malapit na upuan at napasapo sa noo. Tangina, hindi ko na alam ang gagawin ko. Punong-puno na ang isip ko ng mga tanong sa mga nangyayari. Gusto ko na lang maglaho dahil sobra-sobra na ang sakit. Sagad na sagad na ako.


"Ano nangyari?" Tumingin ako kay Tallie nang umupo siya sa tabi ko. Kaagad akong yumakap sa kaniya at nagsimulang umiyak ulit. Hindi ko na kaya. "Nandito lang ako." Hinaplos niya ang buhok ko. "Bumili muna kayo ng tubig, Callum..."


"Ako na ang bibili." narinig kong sabi ni Archer.


"I'll go with you," sabi ni Callum.


"Anong nangyari?" muling tanong ni Tallie.


Umiiyak kong kinuwento lahat-lahat sa kaniya. Ang nangyari kay Lola Ingrid, ang sigawan namin ni River sa ospital, ang paghihiwalay ng magulang ko, ang pag-alis ni Jairo, ang pagkawala ko sa trabaho, at ang litratong nakita ko na dumurog sa akin.


Niyakap lang ako ni Tallie habang nakikinig siya. Kahit na alam kong nandiyan si Tallie, hindi pa rin nababawasan lahat ng sakit. Ang dami kong tanong, ang dami kong gustong gawin pero masyado akong mahina para simulan lahat ng 'yon.


Kahit na mahirap, nagawa kong tumayo nang sabihin ng Doctor na pwede na kaming pumasok. Gusto ko lang makitang maayos ang lagay ni Kyra bago ako umuwi.


Natutulog si Kyra. Ang sabi ng Doctor ay nasobrahan sa alak si Kyra na nag-trigger ng hika niya. Kyra's allergic to too much alcohol. Mayroon siyang hika kaya hindi siya pwedeng uminom ng marami. Simula nang magkaroon siya ng hika noong second year college ay hindi na siya sumusobra ng inom. Kaya hindi namin alam kung bakit bigla siyang uminom ng marami ngayon.


"Ako na muna ang bahala, umuwi ka na muna. Archer, pakisabay na si Zari, please." Sabi ni Tallie. Gusto ko sanang manatili pero gusto na akong pauwiin ni Tallie para makapagpahinga. Sinabi niyang susunod siya sa bahay at sasamahan ako pero pinigilan ko siya. Ayoko na munang makita niya kung gaano ka-gulo ang bahay. Niyakap niya ako bago ako umalis at sinabing tatawagan niya ako mamaya. Tumango na lang ako para hindi na siya mag-alala pa.


Tulala lang ako habang naglalakad kami ni Archer papunta ng sasakyan niya. Tahimik lang kami buong biyahe.


"Salamat." Tipid kong sabi bago bumaba.


"Zari," lumingon ako sa kaniya nang tawagin niya ako. "River has reasons. Kung ano mang problema niyo, try to listen to him." Seryosong sabi niya.


"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Seryosong sagot ko sa kaniya.


Bumuntong hininga siya. "I don't know what happened to the both of you," sambit niya. Hs right. Wala siyang alam. Hindi niya alam na niloko ako ng kaibigan niya. "But if he did something wrong, I'm sure there's a reason behind it. Don't jump on conclusions."


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon