"Wooooh! Go babe!" malakas akong sumigaw hawak-hawak ang jersey ni River.
Today's the UAAP basketball championship. Pangatlong season na ni River ito. Ngayon ang last game ng basketball. UP vs. La Salle. Last year's game made River breakdown. Pero ngayon, kahit ata matalo siya okay lang sa kaniya. Nakaabot na sila ulit sa championship like before when he was still a rookie.
In a few months, road to fourth year na kami. Third year college is not that easy. Sobrang mas nakakapagod, para bang kaunti na lang magiging isang Panda na ako dahil ilang araw na akong puyat. Sumigla lang ako ngayon dahil kailangan kong suportahan si River kahit medyo sa loob-loob ko ay pagod na pagod ako. Pero nawawala ang antok ko dahil sa sigaw ng mga tao at sa sobrang intense ng mga pangyayari. Natalo ng La Salle ang UST noong semi-finals kaya laglag na ang university namin.
"Waaah!" napasigaw ulit ako at napatalon nang maka-shoot ulit si River. Nag-apir sila nina Ryle at Leon. Nakapasok na si Leon, last year pa at dahil natalo sila noon, ganadong-ganado siya maglaro ngayon. Big three silang tatlo at sinisigaw ng mga Lasallian ang mga pangalan nila. Pati na rin ang ibang students sa ibang universities ay nakikisigaw. They are really popular. Mabuti na lang ay magaling si Leon maglaro dahil kundi tanggal na 'yan sa team. Hindi kasi umaattend ng practice.
Swerte nga lang talaga kami dahil kakilala namin silang tatlo kaya nasa VIP kami. Nanonood din ang mga kaibigan namin para sumuporta.
"Tanginang River 'yan, halimaw!" natawa ako sa sinabi ni Benj. Naka-shoot na naman kasi si River ng tres. Buhat na buhat niya ang buong team. Kasama rin niya sina Ryle at Leon. Halos silang tatlo ang nakaka-shoot kaya hindi na sila tinanggal dahil umiinit na ang laban at kailangan nilang mapanatili ang lamang nila. Bilang lang sa kamay ang lamang nila at kapag na-tyempuhan, mahahabol na sila ng UP.
"Hala sayang!" nawala ang ngiti ko nang sumigaw si Tallie. Nakuha ng kalaban ang bola kay Ryle. "Bobo, amputa! Ang tanga naman ni Ryle!" sigaw niya.
Nalusutan ng kalaban si Ryle kaya nakuha ang bola sa kaniya. Agad naman 'yun hinabol ni River at Leon habang nakabantay si Ryle sa ibang kalaban.
Ishu-shoot na dapat ng kalaban ang bola pero agad tumalon si River para mapigilan ang bola na mapasok sa ring. Napasigaw ulit ang lahat nang tuluyan nang makuha ni River ang bola.
"Inspired na inspired si River, ah!" Namula ata ako nang asarin ako nina Marge. Tinusok-tusok pa nila ang tagiliran ko.
Napangiti ako nang tumingin sa akin si River habang nagdi-dribble. Sa rami ng mga taong nandito ngayon, parang ako lang ang nakikita niya. Nagagawa niyang i-dribble ang bola nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Naol!" tinulak ako ni Tallie dahilan para matanggal ang tingin ko kay River.
"Ano ba!" tumawa ako at muling tumingin sa bebe ko. Nakita ko siyang tumatawa habang iniiwasan ang mga sumusubok na agawin ang bola sa kaniya. Nakita ko ring tumatawa na sina Leon at Ryle. Siraulo talaga 'tong tatlong 'to, mga mukhang nang-titrip, eh.
"WAAAH!" napasigaw kaming lahat nang ma-shoot ni River ang bola bago tumunog ang buzzer. Putangina! Panalo kami! Ay sila pala... Pero panalo ang bebe ko!
Dali-dali akong bumaba at tumakbo sa harap nang makita si River na papunta sa gawi ko. Agad niya akong niyakap nang makalapit siya. Bahagya pa niya akong binuhat.
"Congratulations, babe! I'm so proud of you!" hinalikan ko ang pisngi niya. Nararamdaman ko na ang mga photographers na pinipicturan kami pero wala na kaming pakialam.
BINABASA MO ANG
Changes of Tomorrow (Serendipity series #1)
RomanceLiving for the present, letting go of the past, no pressure for the future. These are Zaria's definitions of life. Learning through the present, staying in the past, living for the future. These are River's summaries of life. Two people with differe...