18

373 9 0
                                    

"Fight, fight, green and white! Fight, fight, green and white! Fight, fight, La Salle!" sigaw ko.


"Huy, taksil 'to, oh!" sigaw sa akin ni Tallie kaya tumawa ako.


"Tapos naman na tayo, ah!" sabi ko. Sinabayan ko ang mga taga-La Salle sa pag-cheer.


Today is the first game of River as part of the De La Salle Green Archers. Kanina pa ako nanonood ng UAAP game dahil naglaro kanina ang UST versus Ateneo. Nanalo ang Ateneo. Ngayon naman ay De La Salle at FEU ang maglalaban for elimination round.


I smiled as I watch River play. Lumapad ang ngiti ko nang makita ang numero sa likod ng jersey niya. '28', my birthday. Ang sabi niya ay dapat daw '00' pero dahil dumating daw ako sa buhay niya, nagkaroon na raw bigla ng meaning ang number na ginamit niya.


"Hoy! Pasok! Ang galing!" sigaw ni Tallie at pumalakpak nang ma-shoot ni Ryle ang bola. Lamang sila ng sampu sa FEU.


"Tangina ni Yniguez, halimaw!" sabi ni Leon na nasa tabi ko. Lumipat kami ni Tallie sa pwesto ng mga Lasallian dahil sila naman ang sinusuportahan namin ngayon.


Ang galing nga ni Cedric Yniguez, ang current captain ng Green Archers. Siya rin 'yung kumausap sa akin noon kaya natatandaan ko siya. Nakaka-tatlong three points na siya.


"GO MY BEBE RIVER! I LOVE YOU BABE!" malakas na sigaw ko nang ma-shoot niya ang bola.


Bigla namang napatingin sa akin ang mga tao nang mag-flash ang mukha ko sa screen. Hala ka!


Nagtawanan kami nina Tallie. Nag-finger heart pa sina Leon at ang iba niyang kasamang lalaki sa camera.


"Ayan na, exposed na ang girlfriend ng Rookie of the Year," tumatawang sabi ni Tallie.


"Ang haba ng hair, ah," tumawa si Leon.


Ano ba 'yan! Kinikilig tuloy ako sa mga pang-aasar nila! Ang saya kaya ipagmalaki na ang boyfriend ko lang naman ay ang iisang River Borjador, na maaring maging Rookie of the Year sa UAAP Basketball. Siya ang pinaka-maingay ang pangalan sa lahat ng mga bagong players sa buong universities.


Pinag-krus ko ang daliri ko habang nagdi-dribble si Ryle para maipasa kay River ang bola. Napahiyaw ako nang makuha 'yon ni River at na-shoot. Ilang oras na lang ang natitira ay matatapos na ang game at sure win naman na sila pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan.


"YES!" masayang sigaw ni Leon nang tumunog na ang buzzer, hudyat na natapos na ang laro at panalo ang La Salle.


"Ang galing ng boyfriend ko! Nakita mo 'yon?!" pagmamayabang ko kay Tallie.


Tumingin sa akin si River at ngumiti sa akin. He licked his lips and mouthed something. "I love you."


Ngumiti ako at nag-flying kiss sa kaniya. "I love you." I mouthed.


Nagkaroon ng interview sa Green Archers dahil nanalo sila. Ganoon din ang ginawa kanina sa team ng Ateneo. Nanonood lang ako sa may screen at nakatitig kay River na nasa tabi ni Cedric Yniguez na may hawak na microphone.


"How do you feel that you're going to the semi-finals?" nakangiting tanong ng courtside reporter from UST.


"We didn't expect because we knew," tumawa si Cedric. "Joke lang. Hindi ko rin alam ang dapat kong maramdaman. Kasi ang alam ko lang, masaya ako. Ito na ang huling taon ko bilang captain ng Green Archers," naghiyawan ang mga ka-team niya. "Kaya gusto ko talagang manalo para memorable ang huling taon, 'di ba?" tumawa si Cedric.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon