"Kaya pa?"
Kauupo ko lang nang magtanong si Owen. Umupo rin siya sa tabi ko at isinandal ang ulo sa balikat ko. Ang daming sinugod ngayon sa ospital kaya busy kami dahil sa dami ng pasyente. Nagkaroon kasi ng aksidente at marami ang nasugatan. Mabuti ay hindi masyadong delikado ang nangyaring car accident at hindi gaano kalalim ang mga sugat na natamo ng iba. Wala ring binawian ng buhay kaya laking pasasalamat ko 'yon.
"Kaya pa naman. Ang sakit lang ng buong katawan ko." Pumikit ako dahil nararamdaman ko nang sumasakit na rin ang ulo ko.
"Buti wala masyadong may malala na sugat. Grabe naman kasi ang mga lalaking 'yun, maglalasing tapos magmamaneho, eh, hindi na nga nila kaya." Pagrereklamo niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na ata akong lakas magsalita sa sobrang pagod.
Inalis ni Owen ang ulo niya sa balikat ko. Naramdaman kong hawakan niya ang ulo ko at sinandal sa balikat niya. Pinalit lang niya ang posisyon ng mga ulo namin kanina.
"Tulog ka muna."
Nakatulog naman ako kaagad. Halos buong araw akong nakatayo at panay asikaso sa mga pasyente. Kasama na roon ang mga rounds na ginagawa namin ni Owen.
Marami talagang nagpapa-confine rito sa ospital ng mga Vicente dahil kilala sila na may magagaling na Doctor.
Nagising ako na wala na si Owen sa tabi ko. Nakahiga na ako sa sofa at may kumot na. Nandito ako sa may kwarto niya sa pinakataas na floor. Mayroon siyang kwarto rito dahil binigyan siya ng magulang niya. Ayaw niya noong una pero wala naman siyang nagawa dahil pinipilit siya ng nanay niya na Doctor din sa ospital na 'to.
Lumabas na ako at bumaba. Nakapikit pa ako habang ang dalawang kamay ko ay nasa bulsa ng lab coat ko. Inaantok pa rin ako. Ang sakit pa rin talaga ng buong katawan ko.
"Zari!" napadilat ako nang marinig ang pangalan ko. Nakita ko si Ryle na nakangiting kumakaway sa akin. Nasa tabi naman niya ay si River kaya napaayos ako ng tayo.
Lumapit ako sa kanila. Tumikhim ako. "Oh, bakit kayo nandito?"
"Papacheck-up ako!" hinampas pa ni Ryle ang dibdib niya. "Hindi na ako magsasabi ng daw—Ouch!" Kumunot ang noo ko nang mapahawak na naman siya sa paa. Tumingin naman ako kay River.
"Sinamahan ko ulit." Sabi niya na parang nabasa ang iniisip ko. Bumuntong hininga ako at tumingin kay Ryle.
"Sa susunod, magpa-appointment ka." Tinawag ko muli si Lisa para dalhin ulit si Ryle sa office ko para sa check-up.
"Tara na, Nurse. Hindi na ako magpupumilit lumabas. Nasabihan na ako, eh." Kaagad na sumama si Ryle kay Lisa. Napailing na lang ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Owen. Papasalo na muna ako. Hindi ko na talaga kaya, para akong mahihimatay sa sobrang pagod. Hindi rin kasi ako nakakain ng breakfast at lunch. Tinapay pa lang ang lamay ng tiyan ko.
["Yes, boss? Gising ka na pala."] sabi niya pagkasagot ng tawag.
"Saluhin mo ako, please. Ang sakit talaga ng ulo ko." Sabi ko sa kaniya.
["Pagod din ako, Zaria!"] sigaw niya kaya bahagya kong inilayo sa tainga ang cellphone. ["Pero sige lang, nag-chocolate naman ako, eh. Sige, I got you boss!"] Napangiti naman ako. Papayag din naman pala, e.
Napatingin ako sa gilid ko nang may marinig na umubo. Nakita ko si River na tipid na ngumiti sa akin. Nakalimutan kong nandito pala siya.
"Salamat, Owen. Babawi ako." Binaba ko na ang tawag at bumaling kay River. "Ibang Doctor na lang ang titingin kay Ryle."
BINABASA MO ANG
Changes of Tomorrow (Serendipity series #1)
RomansLiving for the present, letting go of the past, no pressure for the future. These are Zaria's definitions of life. Learning through the present, staying in the past, living for the future. These are River's summaries of life. Two people with differe...