"Oh," naglapag si Owen ng ice cream sa harap ko. "Ang arte mo, may dessert ka pa." Umirap siya kaya natawa ako. Umupo na rin siya sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa cafeteria ng ospital dahil ngayon lang kami natapos kumain ng lunch. Late lunch na nga, e, dahil 4 PM na nang makakain kami.
"Ganoon talaga kapag maganda." Tumawa ako nang ngumiwi siya.
"Akala mo talaga. Sabagay, ganoon talaga kapag gwapo, inuutusan bumili ng ice cream ng mga feeling maganda." Napaawang naman ang bibig ko sa sinagot niya. Sira ulo 'to.
"Wala kang libre sa akin, tangina ka." Kaagad sumama ang mukha niya sa sinabi ko.
"Joke lang! Oy, joke lang 'yon! Si Chanel talaga, nagbibiro lang ako, eh. Ang ganda-ganda mo kaya!" Inirapan ko naman siya.
"Bolero ka. Wala ka pa ring libre sa akin." Nilibre niya kasi ako kahapon ng dinner. Kaya ngayon ako naman dapat ang manlilibre sa kaniya.
"Oy! Napakadaya mo Zaria!" inis na sabi niya.
"Manahimik ka nga. Tanda-tanda mo na ang ingay-ingay mo pa rin." Reklamo ko sa kaniya. Napaawang naman ang bibig niya sa sinabi ko.
"Wow, ha! Wow! Akala mo hindi siya maingay." Natawa ako nang umirap na naman siya. Para talaga siyang bata.
"Nagbabangayan na naman kayo." Napangiti ako nang umupo sa harap namin si Zoey. Bumisita siya sa amin. She's taking Pediatric Residency. Sabi nga namin sa kaniya ay dito na siya magtrabaho pero hindi niya maiwan ang ospital kung nasaan siya ngayon.
"Kumusta naman?" I asked her. Ngumiti naman siya.
"Okay naman. Nage-enjoy naman ako kasama ang mga bata. Sabi ko sa 'yo, e, dapat itinuloy mo na rin." Reklamo niya sa akin. Sinasabihan niya kasi ako noon na ituloy na ang hanggang Fellowship ang pagdo-Doctor. "Ikaw din," sabi niya kay Owen.
"Masaya naman ako. Tsaka, malay natin after 2 years ituloy ko ulit." Nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Ako baka ituloy ko na rin next year. Basta hindi aalis si Zari sa tabi ko." Tumingin sa akin si Owen at kinindatan ako.
"Ano ka ba niyan? Buntot? Sunod ka ng sunod, e." tumatawang sabi ni Zoey sa kaniya.
"Oo!" sagot ni Owen. "Dapat nga ay rito ka na nagtrabaho. Para dalawa kayong alagad ko," tumango-tangong sabi niya. "Gusto mo ba ipasok kita?"
Owen and Zoey became close when I introduced the both of them. Magkakasabay kaming tatlo na nag-aral para sa board exams. Hindi rin agad pumasok sa med school si Zoey kahit na nakapasa siya noon. Sabi niya ay sasabayan niya ako. Hindi niya kailangang gawin 'yon pero buo na ang desisyon niya kaya wala akong nagawa. Minsan, hindi ko rin maintindihan ang tumatakbo sa utak ng babaeng 'to, e. Pero sobrang grateful ko na may kaibigan akong katulad niya.
"Ayoko nga. Knowing na ikaw ang may-ari?" tumatawang umiling si Zoey. "Huwag na lang, uy." Tumawa rin ako sabay subo ng ice cream.
"Napakasama ng ugali mo! Kaya wala kang jowa, eh." Napaawang ang bibig namin ni Zoey. Sabay naming hinampas si Owen kaya napadaing siya.
"Akala mo naman may jowa ka!" sabay naming sigaw. Sumama naman ang tingin ni Owen sa aming dalawa at nahihiyang tumingin sa paligid.
"Ang pangit niyong dalawa. Kaya kayo iniwan—"
"Foul ka na, ah!" hinampas ko ang bibig niya.
"Ay, mali pala. Ikaw lang pala ang iniwan, 'yung isa diyan, mang-iiwan." Pagpaparinig ni Owen kay Zoey. Tarantado talaga 'to.
BINABASA MO ANG
Changes of Tomorrow (Serendipity series #1)
RomanceLiving for the present, letting go of the past, no pressure for the future. These are Zaria's definitions of life. Learning through the present, staying in the past, living for the future. These are River's summaries of life. Two people with differe...