07

388 13 0
                                    

"PUTANGINA! KINIKILIG AKO!" masayang sigaw ko kay Tallie na ka-video call ko.


["Puta, gago, magkakajowa ka na ata."] sabi niya na mas nagpakilig sa akin.


"Tingin mo?" tanong ko at nagtawanan kami.


Tangina, umamin sa akin si River! Sinabi niyang gusto niya ako. Narito na ako ngayon sa kama at nakahiga, hindi na makatulog. Magu-umaga na nga, e.


Hindi ko pa rin siya mine-message kasi nahihiya ako. Nahihiya ako kahit hindi naman ako ang umamin. Pero gusto ko na rin naman siya. Halata naman sa sarili ko, hindi ko na itatanggi 'yon.


Hindi naman kasi siya mahirap magustuhan. Unang tingin pa lang, e. Ang gwapo niya kaya. Hindi pangkaraniwan 'yung mukha. Ang mapupungay niyang mga mata, matangos niyang ilong, natural na mapulang labi... lahat ng 'yon sobrang nakamamatay.


Pero its not just about his looks. He's deeper than that.


Hindi lang siya gwapo. Mabait siya, gentleman, simple lang siya kapag nakilala mo. Hindi siya pala-salita pero kapag nakausap mo na at naging ka-close, hindi na siya ganoon katahimik. Ang dami ko pang natutunan sa kaniya. Natutunan ko na hindi lang dapat puro saya, hindi ko dapat kalilimutan ang mga pwedeng mangyari kinabukasan. I can be happy without failing for the future. Dapat handa ako para sa mangyayari bukas. Dapat isipin ko ang kinabukasan ko.


["Paano 'yan, edi, kayo na?"] Napangiti naman ako sa tanong ni Tallie.


"Agad?" ngumisi ako. "Pwede naman."


["Malandi ka talaga!"] sabi niya na nagpatawa sa akin.


Nagkuwento pa ako kay Tallie tungkol kay River hanggang sa sinabi niyang matutulog na siya.


Tsaka ko lang napagtantong wala pang chat sa akin si River nang matapos naming mag-usap ni Tallie. Nakakunot noo kong pinagmasdan ang chat namin. Hindi na siya nag-message, baka natulog na?


Napabuntong-hininga na lang ako at pinatay na ang cellphone ko. Matutulog na lang ako dahil sumasakit na ang ulo ko. Siguro naman ay mag cha-chat siya sa akin bukas. Ay, mamaya pala. Mag-uumaga na pala ngayon.


Naghilamos na ako at nag-ayos. Hindi na muna ako naligo dahil hindi naman ako aalis. Kinuha ko ang cellphone ko at agad chineck kung may message na si River. Napanguso naman ako nang makitang wala pa rin. Ano ba 'yan. Umasa naman ako sa wala.


Tangina niya, walang paramdam? Matapos umamin, maglalaho? Ghosted na ba ako?


Dahil sa inis, hindi ko rin siya chinat. Bakit? Unang-una, nahihiya ako at hindi ko alam ang sasabihin. Pangalawa, baka isipin niya porket sinabi niyang gusto niya ako, kilig na kilig ako kahit totoong kilig na kilig nga ako. Pangatlo, siya ang lalaki siya naman ang mauna mag-chat! Oo, wala naman 'yan sa kasarian pero simula nang magsimula kaming mag-usap, ako palagi ang nauuna! Mukha lang na siya ang nauuna kasi nakakatulugan niya ako minsan o kaya ako ang nakakatulog.


Gumawa na lang ako ng mga kailangan kong gawin. Tiningnan ko ang orasan at nanlaki ang mata ko. Gago, 2 PM na. Buti hindi ako ginising nina Mama kanina kundi mas maba-badtrip ako kapag bitin ang tulog ko.


Nasa kalagitnaan ako nang pagliligpit ng gamit ko nang makitang tumatawag ang kaibigan kong si Guillian sa Messenger. Sinagot ko naman 'yon, video call pa nga.


"Ano?" tanong ko.


["Tara, milktea. Bilisan mo."] pag-aya niya sa akin.


"Ngayon? Sino-sino?" tanong ko naman.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon