"Ang ganda," bulong ko habang tinitingnan ang sketch ng bahay na ipapagawa ko para kay Mama. "Ang ganda, Kyra!" masaya akong tumingin sa kaniya.
"Binase ko lang 'yan sa mga sinabi mo." Nginitian niya ako at tumingin sa sketch na hawak ko.
I asked her to design my dream house for Mama. Sinabi ko sa kaniya na gusto kong simple lang pero maganda at maaliwalas. And she really did a good job.
"Ang ganda talaga, swear!" pag-uulit ko pa. Sobrang ganda talaga!
"Siyempre, best Architect." Pagyayabang niya kaya nagtawanan kami.
"Bali masisimulan na 'to," nakangiting sabi ko. Nakabili na rin ako ng lupa malapit sa dati naming bahay. Ang gusto kasi ni Mama ay sa Marikina pa rin.
"Oo, may Engineer na rin." Ngumisi si Kyra.
"Sino?" nagtataka ko namang tanong.
Kyra managed herself all alone. Hindi siya nagtatrabaho sa isang firm, siya lang ang mag-isa. Hindi rin naman niya kailangan dahil magaling talaga siya at kliyente na mismo ang lumalapit sa kaniya.
"Secret." Tumawa siya. "Si Tallie nag-suggest, eh."
"Na sinuggest sa akin ni Ryle." Parehas kaming napalingon ni Kyra nang dumating na si Tallie. Nasa isang restaurant kami at umupo siya sa tabi ko.
"Magaling 'yon." Ngumiti si Kyra.
"Eh kung sabihin niyo na lang kaya kung sino. Paligoy-ligoy pa kayo, eh." Reklamo ko sa kanila.
"Ang alin?" Lahat kami napangiti nang dumating si Aliyah. Niyakap siya kaagad ni Tallie. "Blooming ka, ah," puna niya kay Tallie.
"Nako, mukhang luma-love life na ulit." Pang-aasar ni Kyra.
"Sino ba 'yan?" sumali na rin ako sa pang-aasar.
"Wala, ah! Issue kayo diyan." Umirap si Tallie na namumula na ang mukha.
"Oh, ano ba 'yung sasabihin?" tanong ni Aliyah. She's a Flight Attendant. Wala syang flight ngayon kaya inaya namin siya.
"Ewan ko sa dalawang 'yan." Tumingin ako kay Kyra at Tallie. "Ayaw sabihin kung sino ang Engineer na magtatayo ng bahay ko!" asik ko. Para kasing mga ewan, eh, hindi na lang sabihin kung sino. Para sana makausap ko na kaagad.
"Bukas na nga lang. Para surprise!" nagtawanan sina Tallie at Kyra. Bukas kasi kami pupunta sa lupang tatayuan ng bahay ko kasama si Kyra at ang Engineer na sinasabi nila.
"Zari, ano naman say mo na bumalik na ang ex mo?" Napaawang ang bibig ko sa tanong ni Aliyah. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to. Wala man lang preno sa mga sinasabi!
"Syempre si ate mo girl, na-confuse." Pang-aasar ni Tallie. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nagtawanan pa silang tatlo talaga.
"Anong na-confuse ka diyan. Hindi 'no!" depensa ko. Imbento kasi 'tong si Tallie, eh.
"Eh, ano lang? Imposibleng wala kang naramdaman." Tanong ni Kyra.
"Wala nga. Ano pa ba'ng mararamdaman ko? Kung nakita ko siya ulit, edi okay. Wala naman akong pakialam. I moved on already." Maarte kong hinawi ang buhok ko kaya natawa kaming lahat.
"Oy, ang gwapo ngayon ni River, ah." Tinusok ni Tallie ang tagiliran ko. "Hindi ka na-shook? Kung ako, baka mahimatay ako sa kilig. Like, tangina, ex ko 'yun!" Kumunot ang noo ko nang umarte siyang kinikilig.
BINABASA MO ANG
Changes of Tomorrow (Serendipity series #1)
RomanceLiving for the present, letting go of the past, no pressure for the future. These are Zaria's definitions of life. Learning through the present, staying in the past, living for the future. These are River's summaries of life. Two people with differe...