09

390 8 0
                                    

"Kinakabahan ako, puta." Kinakabahang sabi ni Tallie na nag-sign of the cross pa. Katatapos lang kasi namin mag-entrance exam sa UST.


Kasama ko sina Kyra, Benj, Leon at Tallie. Kami kasi ang magkakaparehas ng schedule. Kasama rin namin si Jayce pero hindi siya nag-exam. Hindi ko alam kung saan siya mag-aaral. Palagi niya lang sinasabi na wala pa siyang naa-applyan.


"Hirap gago." Sambit ni Kyra. Sumang-ayon naman kaming lahat sa kaniya.


Sobrang hirap nga nung exam. Tapos bawat subject, 45 minutes lang ang meron bukod sa Math na isang oras. Kinaya naman namin dahil nag-review center kami pero mahirap pa rin dahil name-mental block talaga ako kapag nasa harap ko na 'yung mga sasagutan.


"'Hindi 'yan, tiwala lang." Sabi ni Jayce na simaan ko ng tingin.


"Palibhasa, hindi ka nag-exam, e!" asik ko sa kaniya, tumawa naman siya. "Saan ka ba kasi maga-apply?" tanong ko.


"Ewan ko pa, e. Basta magugulat ka na lang enrolled na ako." Tumawa siya.


Napagdesisyunan naming kumain na muna sa isang fast food bago umuwi. Sabi ni Jayce siya na lang daw ang magbabayad. Natuwa naman kaming lahat dahil bihira lang manlibre si Jayce. Mukhang marami siyang pera ngayon, ah!


"Ang dami mo namang order." Reklamo ni Jayce kay Tallie. "Noon, hiyang-hiya ka pa magpalibre sa akin pero ngayon, abuso ka na, ah." Pang-aasar niya kay Tallie kaya nagtawanan kaming lahat.


"Luh, past is past!" asik ni Tallie.


Tallie and Jayce had a mutual understanding before. Noong Grade 8 kami ay parehas silang nagkagusto sa isa't isa. 2 months din iyon pero hindi rin natuloy. Hindi rin naging sila. Okay na rin sila ngayon dahil inaamin nilang puppy love lang naman ang nangyari. Sobrang bata pa namin noon kaya tinatawanan na lang namin ngayon. Kahit ako naman noon ay naging ka-MU ko rin ang ilan sa mga kaibigan ko. Ewan ko rin ba kung paano nangyari 'yon. But we're okay now. We're all good friends.


"Okay na 'yan! Bilisan niyo na at umorder na kayo, nagugutom na ako." Tumatawang sagot naman ni Tallie.


"Lagi ka namang gutom!" pambabara sa kaniya ni Benj kaya nag-asaran na naman sila. Hinila ko na si Jayce dahil alam kong may bangayan na namang mangyayari roon at baka hindi pa kami makapag-order.


Inorder namin ni Jayce ang lahat ng order ng mga kaibigan namin. Marami talaga lalong-lalo na kay Tallie, Benj at Leon. Ang tatakaw ng mga 'yon, e. Marami rin naman ang sa akin pero hindi ko naman mauubos. Nag-order na lang din kami ng dalawang bucket ng chicken para mas tipid kasi marami kami.


Matapos naming umorder, gumilid muna kami para hintayin ang order namin. Kumapit ako sa braso ni Jayce at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Napabuntong hininga naman ako.


"Jayce, hindi ako sanay na magkahiwalay tayo ng school. Paano kapag nahihirapan ako? Kanino ako tatakbo?" malungkot na sabi ko sa kaniya.


"May River ka naman na." Sabi niya kaya sumama ang tingin ko sa kaniya.


"Sa La Salle 'yon! Hindi naman ako nag-apply doon dahil hindi ko naman afford." Tumawa siya sa sinabi ko. "Pero okay lang, tatawagan kita kapag nahihirapan na ako. Nursing din naman kukunin mo, e! Parehas pa rin tayo kahit magkaiba tayo ng school. Tsaka, malapit lang ang bahay mo sa akin kaya mas asahan mong bubulabugin kita roon, ah!" ngumiti ako sa kaniya. Tipid siyang ngumiti pero hindi na nagsalita.


Nang matapos na ang order namin, pumunta na kami sa table. "Oh, ayan na, mga hangal." Nilapag ni Jayce ang pagkain sa table namin. Nadatnan namin silang maingay, lalo na ang bunganga ni Tallie. Rinig sa buong fast food ang boses.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon