24

367 12 0
                                    

Trigger warning: Mentioned of drugs


"Ano'ng nangyari? Paano nangyari?" nag-aalalang tanong ko kay Riley pagkarating sa ospital. Niyakap niya kaagad ako.


"Hindi rin namin alam, Ate..." umiiyak na sabi niya. "Okay pa naman siya kagabi pero kinabukasan, hindi na siya nagising." Napapikit ako sa sinabi niya at muling naiyak.


Niyakap ko nang mahigpit si Riley nang humagulgol siya. Sinubukan kong pigilan ang pag-iyak ko para hindi ipakita kay Riley pero hindi ko rin nagawa.


Habang naririnig ko ang hagulgol niya parang dinudurog ang puso ko. Nadudurog ako sa katotohanang wala na si Lola Ingrid.


"Riley, hanap ka ni Mommy." Natigilan ako nang marinig ang boses ni River. Humiwalay na sa akin si Riley. Walang emosyon tumingin sa akin si River.


"Mauna na muna ako, Ate." paalam sa akin ni Riley. Hinaplos ko ang pisngi niya at tumango.


Pinanood kong umalis si Riley bago muling bumaling kay River. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko sinagot ang tawag niya. Pero nasasaktan ako dahil alam kong hindi na kami tulad ng dati. At mas nasasaktan ako dahil sa balitang natanggap ko ngayon.


Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Kahit na ang hirap hirap para sa akin gawin ang yakapin siya, ginawa ko. Mahirap dahil iba na ang pakiramdam. Hindi na ako nakakaramdam ng comfort sa yakap niya, dahil hindi ko na makita at maramdaman ang dating River. Ang River na mahal ko.


All I could think about was Lola Ingrid. Habang yakap ko si River, ini-imagine ko na nasa gitna namin si Lola tulad noon.


"I'm sorry..." bulong ko habang nakayakap sa kaniya.


Niyakap ko siya dahil gusto kong mag-sorry. I feel so sorry for not being with him and not answering his calls. Pero lahat ng sakit na nararamdaman ko, hindi nawala. Kung noon, nagagawa ng yakap namin pagaanin ang loob ko, ngayon hindi na. Everything was different.


Hindi siya sumagot kaya kumalas ako. Umiwas siya ng tingin nang magtama ang mata namin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sariling humagulgol.


Gustong-gusto ko siyang tanungin kung paano kami humantong sa ganito. Naiintindihan ko na mali ako dahil wala ako sa tabi niya pero kailangan niya ba akong tratuhin ng ganito? Ako ba talaga ang mali?


"Babe..." pagtawag ko sa kaniya. Nanghihina na ako. Kaagad niya akong sinalo nang mawalan ako ng balanse. Nakita ko ang pag-aalala sa itsura niya.


"Did you not eat?" tanong niya na hindi ko nasagot.


Inalalayan niya ako paupo sa may malapit na bench. Tinanggal niya ang jacket na suot niya at isinuot niya 'yon sa akin.


"Stay here. I'm going to get you some food." Malamig na sabi niya bago umalis.


Nang hindi ko na siya matanaw, napatakip ako sa mukha at muling umiyak. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Ang sakit-sakit ng puso ko dahil wala na si Lola. Hindi maganda ang huli naming pagkikita at iniwan ko lang siya roon dahil nag-away kami ni River. Hindi ko man lang natagalan ang yakap sa kaniya. Tapos hindi ko pa nagawang damayan si River. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat kaya nagkaganito kami ni River.


Kung sana nanatili na lang ako roon baka sakaling nasulit ko ang huling sandali ni Lola. Baka sakaling hindi kami humantong ni River a ganito. Baka sakaling hindi kami nasasaktan lahat ngayon.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon