Chapter 16

765 56 3
                                    

CHAPTER 16

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 16

Kicked Out

* * * * *

Nur Ali Ibrahim

Mabigat sa aking damdamin na isa-isa ko nang inilalagay ang mga gamit kong ito sa maleta ko. Naitupi ko na rin ang ilan sa mga damit ko kaya paglalatag na lang aking ginawa.

Kahapon, inanunsyo na ni Mayor Billones na lahat ng mga estudyante sa buong LCU na kasama sa protesta ay hindi na tatanggapin sa unibersidad at ipinag-utos niya rin na wala nang puwedeng makapasok na Muslim, gaya ko, sa buong syudad.

"So, ano na?" tanong ni Tim na nakasandal sa pader dito sa kwarto ko. Nakapamulsa siya sa kaniyang kulay pulang shorts.

Huminga na lang ako nang malalim saka ko sinara ang zipper ng maleta. Umupo ako sa malambot na kama at hinayaang ibinagsak ang aking likuran doon. Tinitigan ko ang kisame na may ngiting-lungkot na nakapinta sa aking labi.

"Hindi ko rin alam, Tim. Pero life goes on lang. Babalik na lang ako sa Maculay para tulungan ang pamilya ko."

"I am really sorry sa kung anumang nangyayari sa iyo at sa inyo." Dama ko ang lungkot sa tono ng boses ni Tim na tila tumawid papunta sa akin.

"Don't be sorry. Hindi naman ako mawawala talaga," sabi ko saka bahagyang humagikhik.

"Gago ka ba? Mawawala ka na as vice-president ng org."

"Eh, maghanap na lang kayo ng bago." Bumangon ako sa kama at inayos ang upo. Nanlaki na lang ang aking mga mata nang makitang nakatungo si Tim saka pinupunasan ang kaniyang mga mata. Nakarinig na rin ako ng sunud-sunod na pagsinghot mula sa kaniya. "Hoy!"

Inangat niya ang tingin at nakatiklop ang kaniyang labi. "I will miss you Mr. Vice President. Pasensya na, medyo naging emosyonal lang ako nang saglit."

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o malulungkot dahil ngayon ko lang nakita si Tim na ganito.

Naubo pa siya bago magsalita muli. "Mag-isa na lang ako rito sa unit na 'to. Wala na akong kukulitin. Wala nang kakain ng mga niluluto ko. Wala na." Bumuga nang malakas na hininga si Tim saka winagwag-wagwag ang kaniyang mga kamay. "Ano ba 'to? Hindi naman talaga ako naglalabas ng emosyon."

Napangiti na lang din ako sa ikinikilos niya. Itinuring ko na rin kasi siyang kuya kaya alam kong, mahihirapan siyang makapag-adjust kung mawawala na ako rito.

Tumayo ako at nilapitan siya. Pinadapo ko ang aking palad sa kaniyang balikat at tinapik-tapik ito. "Chat tayo! Magiging in-touch pa naman ako sa inyo lagi. At saka, 'yong project natin sa Palayan, kailangan kasama pa rin ako ro'n, ha! Hindi naman ako banned doon," natatawa kong sabi.

"Ewan ko sa 'yo." Nakangiwi ang kaniyang mukha habang inalis ang aking kamay sa kaniyang balikat.

Napabuntonghininga ako kasabay ng pag-angat ng aking balikat at ngumiti.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon