Chapter 17

762 57 1
                                    

CHAPTER 17

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 17

Good Bye My Friend

* * * * *

Care Billones

Nakapag-almusal na kami rito nina Jen at Yarsi sa dorm. Si Jen pa ang nagluto kahit na alam naman niyang hindi siya biniyayaan ng talento roon. Naging tahimik din ang alumsal namin dito kanina. Ang tunog lang na nabuo ay ang pagtama ng mga kutsara sa plato at ang mga mabibigat naming paghinga.

Biglang parang may sinalong malaking bato ang aking katawan kaya pinasan ko iyon. Kanina pa lumuluha si Yarsi sa harap ko kahit tapos na siyang mag-almusal. Punas siya nang punas pero walang katapusang luha ang lumalabas sa kaniyang mga mata.

Nakaimpake na ang lahat ng gamit niya. Kagabi pa 'yon nakaayos at buong magdamag kaming nag-iyakan kaya mugtung-mugto na ang aking mata. Hirap ako sa pagdilat. Hirap din akong tanggapin ang sitwasyon namin ngayon. Matamlay ang timbang ng hanging namumuo rito sa unit ng dorm namin.

Kahapon, naganap ang anunsyo ni Papa tungkol sa pagpapaalis sa lahat ng mga Muslim na naninirahan dito sa lungsod ng La Cota. Wala akong nagawa noong kinompronta ko siya dahil pinatawag niya ang mga guwardiya at ako'y pinalayas sa city hall. Nakaabang naman si Kuya Ben sa labas at inihatid niya ako rito sa LCU.

Sirang-sira na ang La Cota.

Wala nang buhay ang lungsod.

Madilim. Malungkot. Mabigat.

Tila ayaw ko na ring manirahan dito.

"This will not be the last time na makikita ko pa kayo, right?" tanong ni Yarsi habang hawak-hawak ang handle ng kaniyang puting maleta. Nakasuot siya ng itim na hijab, itim na damit at itim na pants. Dama ko ang kalungkutang bumabalot sa kaniya.

Narito na kami sa sala ng unit at naghahanda na si Yarsi para umalis.

May sumilay na ngiti sa pagod niyang mukha at kahit nababakas ang mga tuyong luha roon, hindi pa rin mapagkakaila ang kaniyang kagandahan.

Jen let out a deep sigh. Katabi ko siya ngayon at bigla na lang siyang tumingala sa kisame. Pinaypay niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang kamay.

"Ayaw kong umiyak," matigas niyang sabi.

Napatingin muli ako kay Yarsi at binigyan ko siya ng isang taos na ngiti. "Yes, Yarsi. We will meet again. Pupunta kami sa Dalampa, ha!"

"Hihintayin ko kayo ro'n."

Walang anu-ano'y bigla na lang naglakad at sumunggab ng yakap si Jen kay Yarsi. Humagulgol na ang kasama namin. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa. Mula naman sa reaksyon ni Yarsi, bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkasaya.

Inihakbang ko na lang din ang aking paa at nakisama sa mainit nilang pagyayakapan.

Parang batang pinalo sa puwet si Jen. Walang tigil ang pag-agos ng mga luha mula sa kaniyang mata. Kagabi, kaming dalawa ni Yarsi ang tumangis. Ngayon, ang tikasin naman naming kaibigan na si Jen.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon