Chapter 18

797 65 10
                                    

CHAPTER 18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 18

The Other Woman

* * * * *

Nur Ali Ibrahim

Tatlong araw na ang lumipas simula noong bumalik ako rito sa Maculay. Mabilis din naman akong nakapag-adjust sa paligid dahil na-miss ko rin ang simpleng pamumuhay rito-ang buhay probinsya na malasiyudad.

May kalakihan din ang aming bahay at may sarili kaming lupa rito. Ngunit dahil na rin sa pagdaan ng ilang pagsubok sa buhay namin, isa-isa itong nawawala. Ang van naming hindi man lang napaayos dahil kukulangin kami sa pera ay minabuti na lang na maging gan'on na iyon. Ang pagmamay-ari naming lupa ay hindi na sa amin ngayon. Nalulungkot lang ako dahil katabi lang ng aming bahay ang lupang iyon. Sakahan na ito ngayon at isa si Abi sa mga magsasaka roon.

Ngayon ay Biyernes kaya araw ng pagsimba ng mga Muslim. Narito kami sa isa sa pinakamagandang masjid na matatagpuan sa buong Maculay-ang Masjid Maculay. Kulay asul, puti at ginto ang pintura nito. Napakaaliwalas at napakalawak ng buong masjid. Ang dami ring tao at kita ko sa kani-kanilang mukha ang ang mga ngiting tila kumikinang sa tuwing tumatama ang sinag ng araw. Napagaan nito ang mabigat kong kalooban.

Hiwalay ang lalaki at babae kaya kami ni Abi ang magkasama at si Umi naman at ang kapatid kong si Aliya ang magkasama. Umupo na kami sa sahig na nilapatan ng asul na carpet at nagsimulang makinig sa sermon ng Imam. Maraming taimtim na nakikinig sa sermon ng Imam na nakapuwesto sa pinakaunahan at nakatayo sa isang maliit na entablado.

Nang matapos ang buong sermon ay nagsimula na ang pagsasambayang. Mabilis din itong natapos kaya nakipagkamay na rin ako sa mga ilang taong nandirito. Bigla na lang may tumapik sa braso ko habang nakikipagkamay sa ilang sumimba. Nilingon ko ang taong iyon at may malaking ngiti ang naipinta sa kaniyang mukha.

"Assalamu alaikum, Nur," bati niya at nakipagkamay sa akin saka itinapat sa kaniyang dibdib ang kaniyang kamay.

Napangiti rin ako dahil ito pala ang kababata kong si Faisal. Mas matangkad na siya sa akin ngayon.

"Uy, kumusta?" masigla kong tanong.

"Okay lang ako. Ikaw... kumusta sa La Cota?" Unti-unting naglalaho ang ngiti sa mukha niya pero ako naman ang nagbigay ng malaking ngiti para mapaalam sa kaniya na ayos lang naman.

"Okay lang din," tipid kong sagot.

"Wala ka namang naranasan na... masama doon?"

"Wala. Wala, Faisal," sabi ko habang iniiling-iling ang ulo at winawagayway ang kamay.

Napatango na lang siya. "Welcome back dito sa Maculay!" Sumilay muli ang masigla niyang anyo at binuksan ang kaniyang mga braso saka niya ako niyakap. Tinapik-tapik pa niya ang aking likuran. "Na-miss kita. Ang tagal na nating 'di nag-uusap. Simula noong nag-college ka sa La Cota, wala na tayong contact."

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon