Chapter 31

753 47 4
                                    

CHAPTER 31

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 31

First and Last Kiss

* * * * *

Nur Ali Ibrahim

Hapon na nang marating namin ang Montana.

Lulan ng isang puting van mula sa kuta, kasama ko ngayon si Omerah upang ihatid sa Port Montana para makauwi na sa kanila. Sa tulong ni Kelsey, nakapag-book siya ng ferry papuntang Cagayan De Oro para makauwi na si Omerah. Kaya nakahinga na rin ako nang maluwag dahil magiging ligtas at malayo na si Omerah mula rito sa La Cota.

Tatlong tao lang ang narito sa van: ako, si Omerah at ang driver. Kailangan namin maging maingat dito sa daan dahil kahit hindi naman alam ng mga tao na kabilang kami sa LACOFRA, hindi rin namin alam na baka bigla na lang may susulpot na sundalo at hulihin kami. Hindi rin kasi namin alam na baka may taksil na pala sa grupo.

Nakasilip lang ako sa bintana ng sasakyang ito dahil tahimik lang si Omerah buong byahe. Hindi man lang niya ako kinausap kahit simpleng, "Kumusta?"

Ang suot ngayon ni Omerah ay mga pinamili ni Kelsey dahil wala siyang nadala noon nang dalhin kami ng LACOFRA sa kuta. Nag-aalala kasi si Kelsey sa babaeng ito. Mabuti na lang talaga, may ginintuang puso ang palaban na babaeng iyon.

Habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan, napagtanto ko na totoo nga talaga ang mga nababasa ko sa mga libro. Napakaganda ng Montana at pinalilibutan lang ng mga bundok. Masagana rin ang mga punong nakatayo sa lupa at makisig ang tindig. Ilang zigzag roads na rin ang aming dinaaran kaya medyo nahilo ako sa byahe kaya baka gano'n din ang nararamdaman ni Omerah kaya't hindi siya nagsasalita.

Mula naman sa bulubunduking tanawin sa labas, ibinaling ko ang tingin ko kay Omerah na mahimbing ang pagkakatulog. Nakasandal siya sa upuan dito sa van habang ang kaniyang ulo ay bahagyang nakahilig. Gusto ko sana siyang kumustahin o alamin kung ano ang nararamdaman niyang lilisanin na niya ang islang ito.

Napabuntonghininga na lamang ako habang tinititigan ang kaniyang natutulog na mukha saka naibagsak ko ang aking balikat.

Ang laki rin ng kasalanan ko sa 'yo, Omerah. Patawad talaga dahil hindi kita kayang mahalin. Pero nagpapasalamat naman ako't nagkapalagayan na tayo ng loob. Ipinapanalangin ko na lang sa Allah na maibigay nito sa 'yo ang lalaking tunay na magpapatibok ng iyong puso at mamahalin ka ng lubos.

Makalipas pa ang ilang minuto, natanaw ko na ang dagat at ang pier ng Montana. Tinapik-tapik ko na ang balikat ni Omerah at agad din naman siyang nagising.

"Nandito na tayo," panimula ko sa humihikab niyang postura. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang tela ng kaniyang puting hijab na tila pinanghihilamos na rin niya sa kaniyang mukha.

"Nakatulog pala ako," sambit niya.

"Ah, oo. Hindi na kita ginising para makapagpahinga ka rin."

Huminto na ang van sa main entrance ng pier. Hindi mayaman ang munisipalidad ng Montana 'di gaya ng La Cota City kaya tila isang outpost lang ang main entrance dito na tumitingin at nagkokompirma ng mga tickets. May mga upuan namang nakahilera sa may gilid para sa mga pasaherong naghihintay.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon