Chapter 22

770 49 3
                                    

CHAPTER 22

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 22

Let's Start a War

* * * * *

Care Billones

"Good morning, Care!" bati sa akin ni Jen na kalalabas lang sa banyo't balot na balot ng twalya.

Kumakain pa ako ng almusal na pritong itlog at tinapay dito sa may hapag. Nginitian ko na lamang siya dahil may laman pang pagkain ang aking bibig.

Isinara na ni Jen ang kaniyang kwarto nang siya'y makapasok na roon. Ipinagpatuloy ko naman ang pag-aalmusal ko rito.

Isang linggo na ang nakalipas nang matapos ang gift giving sa Palayan. Malungkot ako dahil iyon na lamang ang tanging paraan ko upang makausap si Nur muli pero nasaktan lang ako nang malaman kong ikakasal na pala siya. Hindi ko akalain na mararamdaman ko 'yon. Hindi rin ako maka-concentrate sa mga bagay-bagay dahil sa nangyari. Minsan, naninikip ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan at parang nanlalata ako.

Pero ngayong araw, gumising akong walang bigat sa aking kalooban (mayro'n ngunit kaunti na lang), kaya sana magpatuloy ito hanggang matapos ang araw na ito.

Pahirapan pa rin ang pag-contact namin kay Nur sa Maculay dahil lahat ng communication palabas at papasok sa La Cota at Maculay ay limitado lamang. Damay na rin ang internet communication gaya ng ilang social media sites.

Sayang nga lang dahil may naiisip muling proyeko si Tim sa aming organization ngunit baka i-postpone niya na lang muna iyon hanggang sa maging ayos na ang lahat.

Nang matapos ang aking morning routine sabay na kaming lumabas ni Jen ng dorm upang pumasok. Hawak-hawak ko ang aking cellphone at saglit na napatitig doon.

9:05 AM. Ilang minuto na lang ay simula na ng aming klase.

Eksaktong 9:30 AM naman kaming nakarating sa aming silid. Wala pa ang aming guro kaya maingay pa ang buong room.

Kahit college na ang mga ito, parang high scool pa rin umasta ang ilan sa mga kaklase ko. May nagbi-video games sa unahan, nagtsitsikahan sa may gilid, at mga tulog naman sa mga sulok.

"Care, kanina ka pa tahimik," pagputol ni Jen sa pagmamasid ko sa paligid.

Umupo na siya sa maitim na arm chair dito sa likod na nakasandal sa puting pader. Umupo na rin ako at inilabas ang ilan sa mga gamit ko't pinatong sa arm chair ko.

"Uy, wala ka ba talagang balak magsalita? Napipe ka na yata," komento pa ni Jen.

"I'm just not in my mood to talk, Jen. Pero, thank you. Thank you for being there kahit na medyo mabigat ang feelings ko these past few days."

"Pinagsasabi mo?" Nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay at nalukot ang kaniyang mukha.

"Wala." I fan out my palms bago ko tuluyang binagsak ang aking likuran sa matigas na upuan na ito.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon