Chapter 7

1.4K 87 9
                                    

CHAPTER 7

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 7

Youth Organization

* * * * *

Care Billones

Nang maimulat ko ang aking mata, parang sinapak ako ng isang matinding liwanag kaya naipikit ko ang aking mata. Parang mabubulag yata ako nito. Hindi ko naman akalain na sinasalo ko na pala ang matinding sikat ng araw mula sa bintana ng kwartong ito-sa kwarto ni Jen. Itinalukbong ko ng kumot ang mukha ko at unti-unti ko rin iyon tinanggal para maka-adjust sa nakasisilaw na liwanag.

Magkatabi lang kasi ang kama ni Jen at ang bintana. Bahagya naman akong bumangon at inusod ang sarili palapit doon para hilahin ang maitim na kurtina para matakpan ang sinag ng araw.

Hay, sa wakas. Wala na ring liwanag. Naging dim na ang buong kuwartong ito.

Bumagsak muli ako sa malambot niyang kama at tiningnan ang digital clock sa may side table ng kamang ito.

8:34 AM ang nakalagay roon.

Habang nakatiya, pinagmasdan ko ang mga posters na nakadikit sa pader ng kwarto ni Jen. Punung-puno ito ng posters ng iba't ibang K-Pop Boy Group. Parehas kaming fan ng K-Pop. May mga poster dito mula pa sa Super Junior at Big Bang hanggang sa mga bagong grupo ngayon. Pero halos mapuno naman ng mukha ni Jin mula sa BTS ang kwarto niya.

Habang pinagmamasdan ang mga iyon, bigla na lang may bumukas sa pinto ng kwartomg ito. Nagulantang ako at agad kong iniakyat hanggang leeg ang kumot na ito.

Bakit siya nandito?

"Nakahanda na almusal mo. Gising ka na pala," walang emosyong wika ni Nur. He was wearing a black sweatshirt and a jogging pants. Mukhang nag-exercise pa siya dahil medyo pawisan ang kaniyang mukha't buhok.

"Bakit ka nandito?" tanong ko bago siya umalis at isara ang pinto.

"Para bantayan ka."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at tila uminit ang pisngi ko. Nagsalubong din ang aking dalawang maninipis na kilay. At para naman saan? Kagabi lang, muntik na siyang mabugbog ni Aleks, ah.

"Okay lang ako, Nur. 'Wag mo na ako bantayan."

"Your friends told me na huwag kitang iwanan dito o kung lalabas ka man, dapat kasama kita."

"Hello? Gusto mo bang tuluyan ka na talaga ni Aleks?" Bahagya na akong bumangon at umupo sa gitna ng kama. Medyo kumirot din ang pilay ko sa paa kaya napangiwi na lang ako bigla.

"Maligo ka na rin para mapalitan natin 'yang bandage mo," sabi pa niya. "And, Aleks will not bother us again, 'di ba? Ikaw na nga nagsabi sa kaniya kagabi."

Kagabi, nang matapos naming harapin si Aleks, pinagbantaan ko siya na isusumbong kay Papa kung may gagawin pa siya kay Nur o sa amin. Hayun, he left. Wala rin akong natanggap na text mula sa kaniya pagkatapos niyon.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon