Chapter 34

2.2K 70 59
                                    

CHAPTER 34

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 34

Last Chapter

Bomb

* * * * *

Care Billones

Nang magtanghali, dumating na ang mga tauhan ni Papa at ang ilang mga sundalo rito sa covered court ng eskwelahang pinagtataguan namin. Maraming maiitim na kotse at mga military jeeps. Magigiting ang tindig ng mga sundalo at mga tauhan ni Papa habang tangan-tangan ang mga kani-kanilang armas. Kaba ang umapaw na emosyon sa aking dibdib.

Agad naman akong humarap sa kanila na huwag parusahan ang mga nagpaiwang miyembro ng LACOFRA rito.

Nagpakilala ako bilang anak ni Mayor Billones at agad naman silang naniwala dahil namumukhaan ako ng ilang sa mga tauhan ni Papa.

Nagulat na lang kaming lahat ng isa sa mga sundalo ang nagsabing hindi raw sila paparusahan-ang mga kasama ko. Mayroong ibinigay na last minute order si Papa. Binago niya ang kaniyang utos na 'wag patawan ng parusa ang aking mga kasama kung susunod lang sila sa mga sundalo.

Walang gumalaw sa aming lahat at nagpalipat-lipat lamang ang aming tingin sa isa't isa. Lumalim ang aking paghinga at ilang beses akong napapalunok ng laway. Nakakuyom na narin ang aking palad dahil nanginginig sa nerbyos ang aking daliri.

Bigla namang may dumapong mainit na palad sa aking braso. Bahagya akong napitlag at nanlaki ang mga mata. Isa raw siya sa mga tauhan ni Papa at pinapasakay niya ako sa kotseng itim na nakaparada sa aking harapan-mga sampung metro ang layo mula sa aking puwesto.

Lumapit na rin ang ilang mga sundalo sa mga kasama ko at mahinahong pinakiusapang sumakay sa mga military jeeps na nakaparada. Mabilis din silang sumunod.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Tim at Minda. Nakangisi silang lahat pero lumbay at kalungkutan ang mababakas sa kanilang mga balintataw. Tila may humaplos sa aking puso kaya nanunibig ang mata kong ito.

Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi dahil hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo ang mga sundalong ito. At, ang utos pa na iyon ay galing kay Papa na alam kong may galit sa mga kasamahan ko.

Marahan naman akong dinala ng sundalong may hawak sa aking braso at sa tapat kami ng kotseng itim huminto. Sa huling pagkakataon, sinulyapan ko sina Tim na nakangisi pa rin habang isa-isa nang pinapasakay sa mga military jeeps.

Sana . . . sana maging okay lang kayo.

Pinagbuksan na ako ng pinto ng kotse at tuluyan nang sumakay rito. Laking gulat ko na lang nang makita ko kung sino ang magiging katabi ko rito.

"Aleks?" dilat-mata kong tawag.

* * * * *

"You'll stay here in our mansion until the problem in La Cota get solved," paliwanag ni Aleks na nakaupo sa harap ko ngayon dito sa kanilang napakalaking sala.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon