Chapter 20

830 55 2
                                    

CHAPTER 20

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 20

Trip To Palayan

* * * * *

Care Billones

Dumating na ang araw ng Sabado at ngayong araw na rin ang gift giving ng LCU Youth Volunteers Org. Kahapon, nang makipagkita kami ni Tim kay Nur sa bahay nila ay agad din niya kaming pinaalis dahil may importanteng bisita ang kaniyang pamilya. Hindi na niya naipaliwanag pa kung sino ang mga iyon. Matulin na tila may hinahabol ang kaniyang pananalita kahapon. Dagli niya rin kaming pinalakad papalayo sa aming puwesto at inihatid sa kotse ni Tim. Para bang may itinatago siya o baka may sikreto siyang ayaw niyang ipaalam sa amin. Palingon-lingon din siya kahapon habang ipinagtutulakan kaming umalis na sa kanilang lugar.

Wala naman kaming nagawa ni Tim kundi ang sumunod. Naguluhan kaming dalawa ni Tim at hindi na rin ako nakapag-isip pa n'on. Pero, nakaramdam ako ng bigat sa aking kalooban at matamlay na pangagatawan. Ipinaalala na lang ni Tim ang gagawing gift giving ngayong araw sa munisipalidad ng Palayan. At walang anu-ano'y, sinagot iyon ni Nur ng, "Pupunta ako. Magkita-kita na lang tayo sa Palayan."

Tila may sumanib sa aking espiritu ng kasabikan at ang dugong dumadaloy sa aking ugat ay nagkasiyahan.

Kaya... ito ang aking pinanghahawakan ngayong araw-ang kaniyang pangako kahapon.

Kanina pa kami naghahanda para sa pagpunta namin sa Palayan-isa itong maliit na munisipalidad sa may kanlurang bahagi ng isla ng La Cota.

"Pakitulungan naman ako rito, oh!" namimilipit na sigaw ni Cris. Palabas na siya sa pinto ng club room na ito. Nakangiwi na ang kaniyang mukha habang buhat-buhat ang tatlong karton na may lamang laruan at mga stuff toys.

"Sabi ngang huwag mong kunin lahat," nakapamaywang na saad ni Minda. May lollipop sa kaniyang bibig at pulang-pula naman ang kulay ng kaniyang labi dahil na rin siguro sa sinisipsip niyang pagkain. "Ibaba mo 'yang iba. Ako na magbubuhat," yamot niyang dagdag.

May nag-aabang naman na van sa labas ng building na ito para ihatid kami sa Palayan. Habang nandito kami sa loob ng club room, pinag-uusapan namin ang magiging final na agenda roon. Nakasuot din kami ng isang kulay pulang polo shirt na may tatak na LCU Volunteer sa may itaas at kanan na parte ng damit. Kinapa-kapa ko pa ito at dama ko ang paglapat ng tatak sa bawat linya ng balat ko sa aking daliri.

"Habang dinadala ni Cris at ni Minda 'yong last boxes papunta sa van, I just want to announce something," panimula ni Tim na nakapamulsa sa kaniyang maong na pants. May sumilay ring tipid na ngiti sa kaniyang labi. Lahat ng mata at tainga ay nakatutok sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa gitnang bahagi ng club room. "Nur will be joining us later. He will meet us at the orphanage in Palayan."

Ang target beneficiary ng aming gift giving ay isang private orphanage doon sa Palayan. Ang sabi ni Tim sa akin, simula pagkabata niya, lagi na siyang tumutulong sa bahay-ampunan na iyon at doon din niya nakilala ang ilan sa mga kaibigan niya na ngayo'y nasa Maynila at ibang bansa dahil inampon na. Mababait din daw ang mga namamahala sa orphanage na iyon.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon