Chapter 21

826 61 4
                                    

CHAPTER 21

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 21

Confrontation

* * * * *

Nur Ali Ibrahim

Tatlong araw na ang lumipas nang maganap ang gift giving sa Palayan. Hindi ko nga lang iyon masyadong na-enjoy dahil tila lumayo sa akin si Care noong mga panahong iyon. Sinsipat-sipat ko pa si Care pero hindi man lang nagtatagpo ang aming paningin. Nagkunwaring nakangiti na lamang ako no'n pero lungkot ang nangibabaw sa akin dahil hindi kami nagkaroon ng isang matagal na pag-uusap na kaming dalawa lang. At alam ko na rin siguro ang dahilan nang malamig niyang pakikitungo niya. May kinalaman siguro ang pag-anunsyo ko kay Omerah bilang babaeng mapapangasawa ko.

Masakit para sa akin na sabihin 'yon dahil alam ko sa sarili kong may special bond akong nadadama para kay Care na wala kay Omerah. Parang niloloko ko lamang ang aking sarili kung ipipilit ko pang pakasalanan ang babaeng ipinagkasundo sa akin. Ngunit, iyon ang gusto ng aking mga magulang at ayaw ko silang mabigo. Ang kaso, bawat araw ay mas lalo akong nahuhulog kay Care kahit hindi ko man lang siya nakikita.

Umalis na rin dito sa amin ang magulang ni Omerah at nagpaiwan naman siya. Kasama naman niya 'yong babaeng nadatnan ko rin dito sa sala noon na pinsan pala niya, si Jane. Pumayag naman ang magulang ni Omerah na dito muna siya maglalagi para daw makilala niya pa ako ng lubos. Sina Abi at Umi rin ang magbabantay at magsisilbing magulang ni Omerah habang nandirito muna siya.

Hindi na lang ako umimik habang pinag-uusapan nila ang bagay na iyon. Hindi ko rin kasi kayang ipaglaban ang aking sarili sa harap ng aking mga magulang kaya hinayaan ko na lang. Pero kahit na nagpaiwan pa si Omerah dito sa amin, wala pa ring umusbong na kiliti sa aking katawan. Wala akong nararamdaman para sa kaniya. Wala kahit katiting, kapiranggot, wala.

Marami akong niloloko: sarili ko, si Omerah, pamilya naming, at si Care.

Napabuntonghininga na lang ako habang iniisip iyon.

Para na rin may gawin si Omerah dito sa Maculay, sumama siya sa amin para magbantay ng aming tindahan, ang Ibrahim's Malong and Clothes.

Nang makarating kami rito sa bayan, tila nanumbalik ako sa La Cota dahil sa rami ng mga tao. Hindi nga lang nagsisitaasan ang mga gusali rito hindi tulad sa La Cota city.

"Malapit na tayo," sabi ko habang nauuna sa aming apat. Kasama ko ang aking kapatid na si Aliya, si Omerah, at ang pinsan ni Omerah na si Jane.

Pumasok na kami sa Maculay Mall, ang pinakamalaking mall dito. Maraming mga tao at tila naaalala ko ang aking pagbisita noon sa Divisoria sa Maynila.

Nang makarating na kami sa tindahan ng mga damit at malong, agad na kaming nag-ayos para makahanap ng mga kustomer. Pumunta agad ako sa dulo ng tindahan para tingnan ang supply ng mga malong.

"Kuya, ano'ng gagawin nila Omerah?" tanong sa akin ni Aliya habang tinatanggalan ko ng mga plastic ang ilang malong para i-display sa harapan ng tindahan.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon