Chapter 29

697 45 6
                                    

CHAPTER 29

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 29

Melody

* * * * *

Nur Ali Ibrahim

Kanina ay dumating na sina Tim at Care pero hindi muna ako nagpakita sa kanila dahil baka mag-iyakan lang ang buong grupo. Pero natanaw ko naman sila kanina dahil sumabay ako kay Kelsey na biglang nagpaputok ng baril. Nagulat kaming lahat at napatili si Omerah sa aking tabi kaya minabuti ko na lang na bumalik kami sa classroom. Tiyak akong nawala saglit ang kaluluwa ni Omerah kaya mas mainam kung magpahinga muna siya.

Hatinggabi na at napabangon na lang ako sa matigas at malamig na banig dahil naiihi na ako. Wala pa namang tubig sa bawat CR rito sa eskwelahan tuwing gabi kaya pahirapan ang pagbuhos at paglinis. Sinipat ko muna ang mahimbing na natutulog na si Omerah. Ang kaniyang mukha ay sinisinagan ng ilaw mula sa buwan na tumatagos sa bintana ng classroom na ito. Kinuha ko na ang flashlight sa tabi ko saka tuluyang tumayo.

Nagpalipat-lipat ako ng building para lang bisitahin ang bawat CR kung may nakaimbak bang tubig sa mga drum. Mamaya pa kasing umaga dadaloy ang tubig sa mga gripo at ayaw ko namang iwang mapanghi ang banyo.

Narating ko ang fourth floor ng isang gusali rito. Pasipat-sipat rin ako sa bawat classroom at mahimbing na natutulog ang mga tao roon. Itinama ko na lang sa pasilyo ang flashlight at nang marating ko ang dulong parte nito, isang banyo ang bumati sa akin.

Agad kong ch-in-eck ang mga drum at nakahinga ako nang maluwag nang may nakitang tubig doon.

Nang matapos ako, dinalaw muli ako ng antok at pinulot na ang flashlight para pailawin ang daan. Pero habang palabas na ako rito sa loob ng banyo, isang himig ang aking nadinig. Isang tono na nakahahalina at masarap pakinggan. Kung may lasa lang ang himig na iyon, para itong isang tsokolateng gusto kong tikman ulit dahil sa tamis.

Hindi mapakali ang ugat sa aking paa kaya nagtulungan sila ng aking tainga upang hanapin ang himig na iyon. Malapit lang talaga iyon sa aking puwsto.

Mas lalong lumakas ang tunog nang lumapit ako sa hagdan paakyat sa isa pang palapag. Pumapasok mula roon ang liwanag mula sa buwan kaya ang hinala ko ay rooftop na iyon ng building na ito.

Ipinatong ko ang palad ng aking tsinelas sa hagdan at pumanhik. Ang simoy ng hatinggabi ang sumalubong sa akin kaya nayakap ko ang aking sarili. May kalamigan dito sa itaas.

Pinailawan ko ang buong paligid dahil huminto ang himig na kanina ko pa nadidinig.

Nagpaikot-ikot ako rito sa rooftop kasama ang flashlight nang biglang tumigil ito sa isang babaeng gúlat ang nakapinta sa kaniyang mukha.

Natigilan din ako at ang aking puso ko ay tumibok nang mabilis. Napalunok na lang ako ng laway habang nakatitig sa kaniyang mala-anghel na mukha.

"N-Nur?" pagtawag niya sabay hakbang ng kaniyang paa.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon