Chapter 32

780 43 3
                                    


CHAPTER 32

Truth

* * * * *

Care Billones

Nagising ang buong grupo namin ni Tim na may ngiti sa aming labi. Kagabi, nagkita-kita na ang buong miyembro ng organization. Noong umamin akong may gusto ako kay Nur, saktong nagsiakyatan sila at nakita kaming dalawa sa rooftop.

Napuno ng tawanan, iyakan, at pag-iibigan ang naganap kagabi. Nakatitig lamang ako sa maamo't morenong mukha ni Nur habang masayang nakikipagkumustahan sa mga kamiyembro niya sa organization.

Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin kagabi sa rooftop dahil isa pang miyembro ng LACOFRA ang pumanhik at tinawag si Nur. Kailangan na raw nilang umalis at maglakbay papuntang La Cota City. Dinalaw ako ng nininerbyos na hangin kaya ang aking katawan ay kinabahan.

Lahat ay naging tahimik pero may iniwang ngiti sa amin si Nur at sinabing, "Babalik ako. Babalikan ko kayong lahat." Tumitig pa sa akin si Nur no'n, malalim na titig. "Lalo ka na Care."

Kaya ngayong umaga, kahit na nakangiti kami rito sa classroom na tinutulugan namin, alam naming may pangambang nakakubli sa bawat ngiti ng isa't isa. A

Kaming grupo nina Tim at may mangilan-ngilan pa ang nagpaiwan dito sa kuta. Handa naman kami sa kung anuman ang mangyari dahil anumang oras ay darating na rito ang mga tauhan ni Papa para kunin ako o kunin kami o patayin kami. Hindi ko alam.

Kagabi rin, pinayagan na kaming gamitin ang aming mga phones. Naka-off lang iyon buong magdamag dahil iniiwasan namin ang pag-trace sa amin ng mga tao mula sa siyudad. Pero dahil na-trace na nga ang lokasyon namin, ano pa ang saysay para itago ito?

"Kumain na tayo sa court ng almusal," aya sa akin ni Minda habang iniipit ang kaniyang buhok. Lumabas na sina Tim at iba pa rito sa classroom kaya kami na lang ni Minda ang naiwan dito.

"Mauna ka na. May tatawagan lang ako rito sa phone ko." Inangat ko ang cellphone kong nagsunud-sunod ang bawat tunog ng notifications.

"Basta, hindi lang someone na papatay sa atin ha," dilat-mata niyang banta sa akin.

"Hindi. Hindi-" I waved my hands "-mga friends ko lang."

"All right, sabi mo e. Iwanan na kita rito ha."

Nagpaalam na si Minda at lumabas na sa classroom na ito.

Nakaupo ako sa sahig ng classroom na walang ka-floor wax floor wax at sumandal ako sa namamalat na pintura ng pader. Agad kong ch-in-eck ang aking cellphone. Puno ng messages mula kay Yaya Buning, Kuya Ben, Yarsi, at Jen. Walang message mula kay Papa. Wala niisa. Napabuntonghininga na lamang ako habang dinidiinan ang pagsandal dito sa pader.

Isa-isa kong binasa ang mga text nila at puro iyon pag-aalala.

Hindi ko muna ni-reply-an sina Yaya Buning at Kuya Ben dahil alam kong makakarating iyon kay Papa at ayaw ko pang makita siya sa ngayon. Sa halip, mas pinili kong makipag-video call kina Yarsi at Jen para kumustahin sila.

I entered to our chat room hoping that the two ladies will answer their phones.

Hindi na ako nag-atubili pang pindutin ang video call button sa loob ng chat room. Nang napindot ko iyon, naghintay ako ng ilang segundo nang biglang may sumagot. Si Jen.

"Hoy Care! Tangina mo! Buti buhay ka pa!" lisik-mata niyang hiyaw sa video call. Magulo ang kaniyang buhok habang nakahiga siya sa kaniyang puting unan. Namilog sa saya ang aking mata at bahagyang umangat ang dulo ng aking labi.

La Cota [WATTYS 2021 WINNER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon