chapter 1

187 3 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 1

Kanina pa nag-aantay si Allie sa kababata nya na si Roger. Eto na ang huling pagkikita nila bago sya lumuwas papunta ng Manila. Mamayang hapon, dadating na ang pinsan nya na si Ellen at ang pamilya nito para kuhanin sya.

Sobrang dami ng mga naglalaro sa isip nya ngayon. Totoo, naging malupit ang tadhana para sa kanya. Naka-graduate nga sya ng high school kahit sa public school lang, ngunit kapalit ng saya na ito, namatay naman ang kanyang mga magulang ilang linggo lang pagkatapos ng graduation nila.

Napaangat ang mukha ni Allie ng maramdaman na mukhang tutulo na naman ang mga luha nya. Hindi sya ang tipong sobrang emotional. Matatag ang loob nya, takot ang mga kalalakihan sa kanya, sabi nga nila siga sya. Pero noong araw na nabalitaan nyang sinawing namatay sa landslide ang kanyang mga magulang habang nagsasaka sa bundok, pakiramdam nya gumuho na din pati ang mundo nya.

Maraming nakiramay, maraming tumulong, at sobrang laki ng pasasalamat nya sa mga taong iyon. Pero pagkatapos ng lahat, paano na? Kaya naman laking pasasalamat ni Allie ng may mag-alok sa kanya ng tulong mula sa isang malayong kamag-anak na sa Maynila naninirahan. Nakakasama nya tuwing summer break ang pinsan nya na si Ellen na syang anak ng mga tiyo at tiya nya na handang kupkupin sya at pag-aralin pa.

"Sorry... Kanina ka pa?" nagulat pa si Allie ng mula sa kung saan ay may magsalita sa likod nya. Muntik pa tuloy syang malaglag sa ilog na nasa harap nya.

"Nagulat naman ako!" sagot ni Allie na hawak pa din ang dibdib.

"Pasensya na... Natagalan ako, inasikaso ko pa kasi ang mga kapatid ko na maliliit..." sabi ni Roger sabay kamot pa ng batok.

Ngumiti na lang si Allie. Naiintindihan naman nya. Kung si Allie ay walang kapatid, si Roger naman ay sagana sa mga kapatid. Walo silang magkakapatid, at si Roger ang panganay.

"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" tanong ni Roger sabay upo sa tabi ni Allie.

"Magpapaalam na kasi ako sayo. Mamaya dadating na ang sundo ko. Sa Maynila na ako titira..." sabi ni Allie.

Mabait nga ang mga kamag-anak na tutuluyan nya, kaya lang iba pa din ang probinsya para sa kanya. Unang-una, gustong gusto ng dalagita ang mga puno, ang ilog at tahimik na paligid. Base sa mga nababasa nya sa mga magazines, magulo at masyadong mabilis ang buhay sa Maynila.

"Nabalitaan ko nga din... Sigurado ka na ba? Pwede ka naman sa bahay na lang tumira. Sang-ayon naman sila nanay at tatay, parang anak na din naman ang turing nila sayo," hindi lang ito ang unang beses na nag-alok si Roger na sa kanila na lang muna siya tumira. Kung hindi nga lang sya nadadapuan ng hiya, malamang matagal na syang um-oo. Kaya lang alam nya ang estado ng pamumuhay nila Roger at ayaw nyang makabigat pa.

"Ano ka ba? Ok lang ako sa Maynila... Matuto ka na kasing mag-computer para magkausap tayo..." sabi ni Allie sabay pabirong hampas sa kababata.

Sa kanilang lugar, si Allie lang ang may alam sa mga computers. Hindi dahil mayaman sila, pero dahil nga may pinsan sya sa Maynila, kapag nagi-stay ito sa bahay nila, tinuturuan sya nito ng mga modern technology.

"Saan naman ako hahanap ng computer dito sa lugar natin? Ibigay mo na lang sa akin ang address mo at susulatan kita..." sabi ni Roger.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi naman lahat ng lugar ay may access sa computer. Kagaya ng lugar na ito, sa school nila, iisang computer lang ang mayroon. Kaya parang ginto na kapag computer ang subject, nagkakagulo ang mga estudyante para makapwesto sa lugar kung saan makikita nila ng maayos ang tinuturo ng teacher.

"Sige... Mamaya iaabot ko sayo pagdating nila Ellen," sagot na lang ni Allie.

Matagal bago dumating ang sulat pero iyon lang naman ang option nila para hindi maputol ang communication nila.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon