chapter 14

61 1 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 14

"Saan ka galing?" tanong ni Mel kay Rosie, kanina pa kasi nya ito hinahanap.

"Ay dyan lang ma'am sa tabi-tabi, nakitsismis," sabi ni Rosie sabay bungisingis. Natawa na lang din si Mel, wala talagang kupas ang alalay nya. "May kailangan po ba kayo?" dugtong na tanong ni Rosie sa amo.

"Saan mo nilagay yung hand sanitizer ko?" tanong ni Mel.

"Ay teka lang ma'am ginamit ko ho kanina. Dito ko lang nilagay yun eh," sabi ni Rosie sabay halungkat sa mga gamit ni Mel.

Buti na lang hindi masungit sa gamit si Mel, kung sa iba yun malamang nasinghalan na si Rosie. Okay lang na may humiram ng mga gamit nya, wag lang yung mga toothbrush or hair comb or brush. Masyado nang personal iyon para pati iyon ay hiramin pa sa kanya.

Habang naghahalungkat sa gamit si Rosie. Pumasok naman sa dressing room nya si Ms. Di ang manager ni Bill, at ang manager nya na si Ms. Kathy.

"Hi Mel..." masiglang bati ni Ms. Di.

Lumapit naman agad si Mel at nakipagbeso-beso sa babae. "Hello po. Kamusta po?" tanong ni Mel.

"Good... Fine... Ikaw naman kamusta ka na?" tanong ni Ms. Di.

"Okay naman ho..." sagot ni Mel at sinabayan nya iyon ng ngiti nya.

Halos sabay na bumaling sila Mel at Ms. Di kay Ms. Kathy nang magsalita ito. "Mel, nagkasundo na kami ni Ms. Di at ng recording studio about sa album nyong dalawa ni Bill at syempre ang patikim na concert para maging promotion nyo na din sa upcoming album nyo," sabi ni Ms. Kathy na halatang excited. Medyo malaking deal din kasi ito. Pairing up with Bill is really huge.

"Talaga po? Wow..." excited na din na sabi ni Mel. First time silang pagsasamahin, after ng kung ilang years nila sa business. Medyo na-link sila before, and possible na maging bentahe nila ang issue na yun.

"Yes Mel. I will talk to Bill later para ipaalam sa kanya na closed deal na sya. Na-mention ko na yun sa kanya dati, I will brought it up na lang ulit sa kanya. Then tawagan na lang tayo nila Ms. Kathy para sa mga contract signing and other preparations..." sabi ni Ms. Di kay Mel. Hindi na lang sinabi ni Ms. Di na hindi magkaparehas ng reaction sila Bill at Mel ng malaman nito na magsasama sila. Simpleng kibit balikat lang at parang hindi interesado ang alaga nya. Samantalang dati, makita lang nito si Mel nagba-blush na agad. Sabagay... Things do change and so are people's feelings. Sa ngayon may ibang tao ng naka-occupy sa puso ni Bill.

Tumango-tango naman si Mel. Mahirap talaga mag-prepare para sa concerts. Mag-uumpisa sa pagpili sa mga supporting cast (dancers, live band, back-up singers, in-charge sa costumes, stage director etc.), next ang mga rehearsals at syempre promotions.

Then the album itself. Bago maganap ang actual recording ng songs, nandyan ang madugong pagpili ng mga songs na mai-include sa album. Maghahanap sila ng magagaling na composers at syempre pati musical arrangers. Kalakip ng pagre-release ng album, kailangan din nilang mag-tape ng isang music video na magiging single nila para sa album.

Nang ma-realize ni Mel kung gaano ka-hectic ang magiging sched niya sa mga darating na araw, medyo napangiwi din sya.


"Parang hindi ka nakatulog..." puna ni Allie kay Bill while they are on their way pauwi.

Umiling-iling si Bill. "Don't worry about me... Ganito lang talaga ako kapag madaling araw bumangon," paggawa ni Bill ng dahilan.

Sino ba naman kasi ang makakatulog sa mga nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Hindi makaget-over si Bill kung gaano ka-sexy si Allie wearing his shirt. Ang masama pa nito, katabi nya ito matutulog. Pagkatapos mahilig palang mangyakap si Allie kapag nahimbing na ito ng tulog. Paano naman nya ire-relax ang sarili nya? Naamoy nga lang nya si Allie, parang masisiraan na sya ng bait, lalo na noong nakapulupot na ito sa kanya!

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon