chapter 13

55 2 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 13

Baka naiinip na si Allie... Na-late na ako ng 20 minutes... bulong ni Bill sa sarili habang nagmamadaling bumaba ng kotse nya at tinakbo na ang entrance ng condominium kung saan sya pansamantalang tumitira. Panay ang sulyap sa suot na relo, na akala mo kada lakad nya ay 5 minuto ang tinatakbo ng oras.

"Bill!!" napatigil at nagulat si Bill ng may boses babae na tumawag sa kanya. Familiar kasi ang boses. Nilibot nya ang tingin sa lobby at nakita nya si Mel na nakangiting palapit sa kanya. Loyal na nakasunod naman dito ang PA nito na pilit inaalala ni Bill kung ano ang pangalan.

Automatic na ngumiti sya, pero ayaw na sana nyang makipagkwentuhan pa dahil nag-aantay sa kanya si Allie.

"Hi..." sabi ni Bill ng makalapit na sa kanya si Mel. "Hmmm... What brought youhere?" tanong ni Bill hoping na hindi naman sana nag-decide ang babae na dito na din tumira sa condominium na ito. Dahil pag nagkataon, he will definitely move out. Because if Bill values his privacy so much, kay Mel naman mukhang nage-enjoy ito kapag may mga paparazzi na nakapaligid sa kanya.

"Well, I have a meeting sana sa isang agent. I am looking for a condo for myself..." sabi nito.

Itinago ni Bill ang pagkagulat at pagkadismaya sa nadinig.

"The problem is, walang kwenta kausap yung agent na yun. Telling me to be here pero sya naman ang wala pa..." sabi nito na halatang naiirita.

"You should look for other agent na lang. Yung maasikaso ka," suggestion ni Bill. And please wag ka dito tumira... dugtong niBill sa isip nya.

"Yah right... Bakit nga ba ako naghihintay dito sa kanya? I should left half an hour ago..." sabi ni Mel. Pero sa totoo lang, she's waiting for Bill to show up. She have this intuition na kaya nandoon ang babae na yun kanina ay dahil parating si Bill.

"Right... I'm sorry Mel, but I really have to go..." pagpapaalam ni Bill. Naghihintay pa sa kanya si Allie.

"Ah okay... Sure..." sabi ni Mel letting him go. Since na-confirm na naman ang hinala nya.

"See you around..." sabi na lang ni Bill to be polite at tumalikod na ito.

Pinigil ni Bill ang sarili na takbuhin ang elevator. Nakakahiya kay Mel na mukhang pinagmamasdan pa din pati ang pagkilos nya.

When the door of the elevator closes, he dialled up Allie's number.

"Hello?" sagot ni Allie on the second ring.

"Naiinip ka na ba?" tanong ni Bill.

"Ahmmm... Hindi naman... Matagal ka pa ba?" tanong ni Allie.

"Nope... Konti na lang..." sabi ni Bill and sprinted full run when the elevator opens.

Malapit lang ang unit nya sa elevator kaya napangiti na sya ng makita na nya ang pintuan ng unit nya.

"Open the door please..." sabi ni Bill sa phone.

"Huh? Andyan ka na sa labas?" tanong ni Allie.

"Yes..." sagot ni Bill.

Halos magkandarapa si Allie sa pagbukas nya ng pinto.

When finally nabuksan na nya ang pinto, there he is... Bill standing outside wearing a huge smile.

"Hi..." sabi ni Bill still holding the phone to his ear.

Natawa si Allie na in-end na ang call at binaba na din nya ang kamay sa tagiliran nya. Bill copied her.

"Wala man lang hug?!" tanong ni Bill sabay lahad ng mga kamay kay Allie na parang iniimbita siya.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon