chapter 21

58 1 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 21 (EPILOGUE)

"Bakit of all places dito ka nag-aya?" tanong ni Allie habang nakalublob ang mga paa nila ni Bill sa ilog. Since hindi natuloy ang tour nila Bill, nag-aya si Bill na mamasyal sila. Nagulat pa si Allie nang sa probinsya nila ito nag-aya.

"Gusto kong makita yung lugar kung saan ka lumaki..." sagot ni Bill.

Napangiti naman si Allie.

Wala na ang bahay na tinirahan nila Allie noon. Matagal nang nabenta. Kaya naman sa isang hotel sa kabayanan sila tumuloy nina Bill, Ellen at Caloy. Medyo malayo sa kinalakihan nya, pero desidido talaga si Bill na i-explore ang lugar nila.

"Sige ipapakilala kita sa mga tao dito... Yung mga nakasama ko..." sabi ni Allie.

Kinuha naman ni Bill ang isang kamay ni Allie. "Promise yan?" sabi nito.

Tumango si Allie. Hindi nya alam kung bakit importante kay Bill na makita nito ang lugar na kinalakhan nya. Pero masaya sya kasi handa si Bill na alamin ang lahat ng tungkol sa kanya. Mga maliliit na bagay na pinagdaanan nya.

Nasira ang pagmo-moment nila ng basain sila nina Ellen, Caloy at Roger na noon ay naliligo sa ilog. Wala pang confirmation, pero parang sina Ellen at Roger na. Genuine na ang mga ngiting binibigay kay Allie ng kababata. Kaya alam nya totally move on na ito.

"Ligo na!!! Sarap ng tubig!!!" sigaw ni Caloy.

Natatawa naman na tumayo na si Allie, kasunod naman si Bill.

"Eto na kami!!!" sigaw ni Allie.

Natatawang sumabay na lang din si Bill sa pagtalon ni Allie sa ilog.

"Nanay, Tatay... Kamusta po?" sabi ni Allie habang binababa ang isang bungkos na bulaklak sa puntod ng mga magulang. Hindi muna agad dumiretso si Allie sa sementeryo pagdating nila ng probinsya, kasi hinanda pa muna nya ang sarili. Pag-apak pa lang ng mga paa nya, parang naging fresh na naman ang sugat sa puso nya dahil sa pagkawala ng mga magulang nya. Umalis sya noon ng probinsya na iniisip nya na baka matagalan bago sya ulit makadalaw sa mga magulang. Kaya naman laking pasasalamat na din nya kay Bill na binigyan sya nito ng pagkakataon na makita muli ang puntod ng mga ito.

"May kasama nga ho pala ako..." sabi pa ni Allie sabay hawak sa braso ni Bill.

Lumapit naman si Bill sa tabi ni Allie. "Magandang umaga po..." magalang na sabi ni Bill na parang kaharap talaga ang mga magulang ni Allie.

Napangiti naman si Allie. "Nay, Tay, nobyo ko ho... Si Bill..." pagpapakilala ni Allie.

"Kamusta po?" sabi naman ni Bill.

Natawa na si Allie. Parang kinakabahan pa talaga si Bill sa pangangamusta nito.

Halos sabay na sumalampak sa damuhan sina Bill at Allie. Ilang minuto din ang lumipas na walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Sinamantala naman iyon ni Allie para mag-alay ng maikling prayer para sa mga magulang.

"Do you still miss them?" tanong ni Bill maya-maya.

Ngumiti si Allie. "Lagi silang nasa puso ko... Kapag nami-miss ko sila, inaalala ko lahat ng mga pinagsamahan namin. Yung mga tawa ni nanay. Yung mga paalala ni tatay. Eto yata yung pagka-broken hearted na hinding-hindi ka makaka-move on," sabi ni Allie.

"Yah... I think so too..." maigsing sagot ni Bill.

"Alam mo ba na pinangarap din noon ni nanay na mag-artista ako?" nakangiting kwento ni Allie.

"Really?" curious na tanong ni Bill. "So ano nangyari?" dugtong ni Bill.

Nagkibit balikat si Allie. "Wala akong talent sa pagkanta. May konting alam sa pagsayaw, pero hindi enough. Mahiyain ako, kaya hindi din pwedeng actress... Kaya ayun... Hanggang pangarap na lang si nanay... Hahaha..." sabi ni Allie.

Ngumiti naman si Bill. "For sure masaya na si nanay mo ngayon kasi mukhang doon din naman ang punta mo..." sabi ni Bill. May mga tinanggap na din kasi si Allie na mga commercials na ishu-shoot nya pagbalik nila ng Manila. May isa pa ulit syang music video, but this time, si Bill naman ang makakasama nya.

"Kung nandito pa sila nanay, malamang umiiyak na yun ngayon..." nakangiting sabi ni Allie pero nagsisimula nang tumulo ang luha. Kahit pala may tao nang nagpapasaya sa kanya ngayon, kahit pa may pangalawang pamilya na sya, hindi pa din talaga mawawala ang sakit na pagkawala ng mga magulang nya. Sabi nga you can only have one set of parents, so you should treasure them, kasi hindi habang panahon nandyan sila para sayo.

Bill never said a word. He wrapped his arm around Allie's shoulder to comfort her. He just stay there while Allie poured out all her sadness.

"Since nandito na din tayo, I'd like to make a promise to your parents..." simula ni Bill. Allie wiped away her tears to listen. "I know you would be busy this coming days. Bukod sa commercials, you are also studying. But I promised that we will visit your parents grave at least once a month." sabi ni Bill.

Ngumiti naman si Allie. "Salamat..." sabi ni Allie kay Bill.

"And I promise to take care of you... I may be idiot sometimes, and possibly baka masaktan kita in the future because of my stupidity, but I swear that I will love you endlessly. Babalik at babalik ako sayo. Pipiliin ko ang mahalin ka amongst other things..." solemn na sabi ni Bill.

Di napigil ni Allie ang mapaiyak na naman. "Whatever storm we may encounter, ipangako natin sa isa't isa na hindi tayo susuko. The road ahead is full of difficulties. Specially sa mundo na meron tayo ngayon. But we if we just believe in our love, in our heart, kakayanin natin. Magiging magulo na ang buhay mo once you started being visible in national tv. Lalo na ngayong alam na ng karamihan na girlfriend kita... But every night before you sleep, think about us. Believe in us..." mahabang sabi ni Bill.

Allie grabbed Bill's face and kiss him on the lips.

"Basta kasama kita, alam ko kakayanin natin. Salamat sa pagmamahal... Salamat sa pagtanggap sa akin. Salamat sa pagdating mo sa buhay ko," bulong ni Allie.

0]-s

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon