chapter 18

53 2 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 18

"I don't know if Im just being paranoid, but do we have problem? You're unusually quiet..." puna ni Bill kay Allie habang nasa salas sila. Kanina pa kasi nya napapansin na parang lumulutang ang utak ni Allie habang kausap nya.

"Wala po..." pagsisinungaling ni Allie. Kanina pa dumudugo ang utak nya para bigyan ng justice ang mga sinabi ni Mark na mahal sya nito. Kanina pa nya iniisip ang mga naging encounters nila ni Mark. At sa totoo lang, wala syang makitang instance na possible na maging dahilan para magkagusto sa kanya si Mark.

"Tell me please..." pakiusap ni Bill. Halata nyang hindi nagsasabi ng totoo si Allie sa kanya.

"Paano naman si Mark, yung Second year na Education ang course, nag-propose sa kanya," singit ni Ellen habang papunta ito sa kusina. Kinindatan pa ni Ellen si Allie bago ito mag-dissapear sa kusina.

Tumirik ang mga mata ni Allie. Eh konting bwelo lang naman sasabihin na nya eh. Baka mamaya ma-misinterpret ni Bill kapag sa ibang tao pa nito nalaman.

"So you like the guy?" malungkot na tanong ni Bill.

"Ano daw?" naiinis na sabi ni Allie. "Wala akong gusto dun..." tahasang sabi ni Allie.

Napangiti na si Bill. Para syang uto-uto na ang bilis maniwala sa mga lahat ng sinasabi ni Allie. Pero hindi ba dapat ganun naman talaga? Kung mahal mo ang isang tao, buong puso mong ipagkakaloob ang tiwala mo? "So what's the problem now?" tanong na lang ni Bill.

"Hindi ko lang maintindihan kung paano nya nasabing mahal nya ako..." sabi ni Allie.

Nasigurado ni Allie na hindi sya naiintindihan ni Bill ng todo kunot ang noo nito.

"Kasi naman, wala naman ako matandaan na naging close kami. Na nagkausap kami ng kaming dalawa lang. Na sa tingin ko eh magiging posibleng dahilan para magkagusto sya sa akin..." mahabang paliwanag ni Allie. Mahirap kasi i-explain eh!

Natawa naman si Bill sa naivity ng pag-iisip ni Allie. "You don't have to be close to the person para masabi mong mahal mo..." sagot ni Bill. "Attraction at first sight is the main thing... Getting to know the person is next..." dagdag pa ni Bill.

Si Allie naman ang medyo naguluhan.

"Ganito na lang... Isipin mo na lang yung nangyari sa ating dalawa. Hindi naman kita ipu-pursue kung hindi ako attracted sayo eh..." pagpo-point out ni Bill kay Allie.

Natameme naman si Allie. Parang sobrang ganda naman nya kung magsalita si Bill. Samantalang nung nasa probinsya sya, hindi naman pumipila ang mga manliligaw nya. Well, si Roger siguro ang dahilan. Pero kahit na! Pag mahal mo, harangan man ng sibat lalaban pa din!

"See? I know you already get it... Maybe this guy likes you at first. And when he gets to know you, he realized he's more than attracted to you... He's in love with you..." pagpapaliwanag ni Bill. Kahit na masama ang loob nya at parang gusto nyang durugin sa suntok ang pagmumukha ng kung sino mang lalaking iyon na nagtatangka na makuha ang puso ni Allie.

"Yun na nga eh. Pano naman nya ako makikilala ng husto eh ni hindi ko nga sya kinakausap," sabi ni Allie.

Napangiti naman si Bill. At least, walang interest si Allie sa lalaki. "Does it really matter?" tanong ni Bill. Kung talagang wala naman kay Allie ang nararamdaman ng lalaki, hindi na mahalaga kung paano nito nasabi na may pagmamahal ito sa kanya.

"Hindi..." sagot naman agad ni Allie. Bakit nga ba pinapahirapan nya ang sarili nya na mag-isip ng kung ano-ano?! Sinasayang nya ang oras na makakasama nya si Bill. Mamaya pag-alis nito sa tinutuluyan nya, matatagalan na ulit bago nya makita ulit ito. Puro tawagan at text na lang ulit.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon