chapter 16

79 1 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 16

Wow... I can see her from here. Simple lang lumakad, hindi pang-model. Hindi din pang-FHM body. Pero bakit ba ganun? Talagang iba ang dating sa akin? parang sira na nagmo-monologue si Mark habang nasa second floor ng building at nakikita sila Allie, Ellen at Caloy na sabay-sabay na naglalakad.

Kumilos si Mark nang makita nyang umupo sa isa sa mga benches ang tatlo. Lalapit na sya. Tutal naman vacant period na nya. Parang may pakpak ang mga paa nya na excited na makarating kina Allie. Alam nya na baka hindi na naman sya pagtuunan man lang ng pansin ni Allie, pero sa ngayon hindi na muna mahalaga iyon. Mapalapit lang sya sa babae, kahit maging kaibigan na lang muna. Naniniwala naman sya na nagsisimula ang lahat sa pagkakaibigan.

Allie's writing something nang lumapit si Mark sa bench. Si Caloy ang unang nakapansin sa kanya.

"Hi sweet!" magiliw na bati ni Caloy.

"Hey!" sagot ni Mark. Nang mapaangat ang tingin ni Ellen, kumaway sya dito. Tinugunan naman ni Ellen ng ngiti ang kaway ni Mark.

"Kamusta na? Ngayon ka lang ulit namin nakita?" tanong ni Ellen.

Inaantay ni Mark na mag-angat man lang ng tingin si Allie, pero hindi talaga. Hindi naman bago iyon sa kanya. Kailangang manatili muna sya ng mga ilang minuto, magtanong ng direkta kay Allie bago ito magsalita at kausapin sya.

"Mark?" untag ni Ellen.

Saka lang napansin ni Mark na may tinatanong pala sa kanya si Ellen. "Ha? Ano nga iyon?" nahihiyang tanong ni Mark. Masyado syang absorb sa pagtitig kay Allie na hindi na nya napuna na nakatitig na pala sa kanya sina Ellen at Caloy.

Nagtawanan muna sina Ellen at Caloy. "Sabi ko ngayon ka lang ulit lumitaw. San ka nagsuot?" ulit ni Ellen sa tanong nya kanina. Napansin na nya kanina pa habang nagsasalita sya na wala sa kanya ang attention ni Mark. Torpe din kasi itong isang ito. Obvious naman na type na type ang pinsan nya. Pero kung sya si Mark, wag na lang nya ituloy. Hindi nagsasabi si Allie sa kanya kung gaano nito kamahal si Bill. Pero action speaks louder than words. Alam nya kung gaano kamahal ni Allie si Bill. Saka hello? Bill na yun eh! Hehehe... Although hindi naman papahuli sa charm itong si Mark. May charisma naman.

"Ah... Oo kasi nag-out of town kami ng family ko..." sagot ni Mark. Saka naman nya naalala na may dala nga pala syang pasalubong. "Ah inuwian ko kayo," sabi ni Mark sabay halungkat sa bag.

Todo ngiti sila Ellen at Caloy excited sa kung ano ang pasalubong ni Mark sa kanila.

"Here..." sabi ni Mark sabay abot kina Ellen at Caloy ng ballpen at keychain.

Medyo nawala ang ngiti ni Caloy ng makita ang pasalubong ni Mark. Pero nagpasalamat pa din sya. At least nakaalala si Mark na uwian sya.

"Thanks!" sabi naman ni Ellen. May collection sya ng ballpens kaya naman super appreciated nya ang bigay ni Mark.

Itinaas ni Mark ang dalang paper bag. "Allie, para sayo..." sabi ni Mark.

And for the first time, nagtaas ng tingin si Allie mula sa sinusulat nito. Parang naguluhan pa si Allie dahil may inaabot na paper bag sa kanya si Mark.

"Ano yan?" parang engot lang na tanong ni Allie.

"Crocodile sweet," pilosopong singit ni Caloy sabay tawa.

Namumula naman na inabot na lang ni Allie ang bigay ni Mark. "Salamat... Para saan ito?" tanong ni Allie.

"Ah... Nag-out of town kasi kami. Mga delicacies yan saka ibang souvenirs," sabi ni Mark na natutuwa kahit paano kasi tinanggap naman ni Allie ang bigay nya. On the other hand, nalulungkot kasi kahit katabi lang nila, mukhang ni hindi nito narinig na sinabi na nya kanina na umalis sila ng pamilya nya.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon