chapter 5

59 2 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 5

"Hindi mo pa ba gigisingin si kuya?" tanong ni Bessie kay Allie ng nasa condo na sila.

Noong dumating sila, naglakad naman si Bill paakyat sa condo nito, pero pabagsak na humiga sa sofa. Pagkatapos tulog ulit. Halatang pagod na pagod.

"Mamaya na lang. Kawawa naman si Bill pagod na pagod eh..." sagot ni Allie sabay upo sa lapag malapit sa kinahihigaan ni Bill.

"Ay naku ate Allie, believe me, mas sasama ang loob ni kuya pag nagising sya mamaya na kailangan na natin umuwi..." sabi ni Bessie sabay pwesto sa ulunan ng kuya nya at gigisingin na talaga.

"Sure ka?" alanganin na tanong ni Allie.

Tumango lang si Bessie sabay mahinang tapik nito sa balikat ng kapatid. "Kuya Bill... Maya-maya lang aalis na kami ni ate Allie..." sabi nito.

Naka-ilang yugyog at tapik din si Bessie bago ito dumilat. At nang ma-realize na nakatulog pala sya, bigla itong napaupo.

"Oh my God... Sorry. Nakatulog pala ako. I'm such an idiot. Nag-aaksaya ako ng oras!" sabi ni Bill sabay tingin na parang humihingi ng sorry kay Allie.

"Hindi naman ok lang... Ayoko nga sana ipagising kita kasi mukhang pagod na pagod ka..." sabi ni Allie.

"Ano ka ba? Mas importante ka pa kesa sa tulog ko," sabi naman ni Bill sabay ayos ng upo.

"Ayyyiii... Kaloka, sya dun muna ako sa kwarto mo kuya. Ako na lang ang matutulog at mukhang mahaba-habang usapan ang magaganap," sabi ni Bessie at tumatawa pang iniwan sila Allie at Bill.

Namumula naman na napayuko si Allie. Sobrang supportive ni Bessie sa kapatid. Kahit mapuyat, tumulong pa din sya para magkita lang sila ni Bill.

"Tabi tayo?" tanong ni Bill sabay turo sa space sa tabi nito.

Tumayo naman si Allie mula sa pagkakasalampak sa sahig at tumabi naman kay Bill. Pero hindi yung OA na dikit na dikit.

Pero nawala ang space sa pagitan nila ng si Bill mismo ang lumapit at umakbay kay Allie.

"Ah Bill, nawiwili ka na ah..." kunwaring banta nya sa lalaki pero kinikilig naman sya deep inside.

"Ganun ba? Sabihin mo pag sumosobra na ako ha?" seryoso naman na sabi ni Bill at inalis ang pagkakaakbay sa kanya.

Hindi naman kumibo si Allie. Joke lang naman eh inalis na agad yung akbay. Nakakainis... Hahaha...

"Kwentuhan mo naman ako..." sabi ni Bill.

"Ano naman ang ikwekwento ko sayo?" nagulat na sabi ni Allie. Alam na nito halos ang lahat tungkol sa kanya.

"About dun sa pagiging siga mo... Hahaha... Totoo ba yun? Wala talaga nakakalapit sayo?" tanong nito.

Natawa naman si Allie. "Hahaha... Oo, masungit daw kasi ako. Pero meron naman akong bestfriend na lalaki. Sya lang yung lagi kong kasama. So technically, hindi naman lahat ng lalaki hindi nakakalapit sa akin, dahil meron namang isa," kwento ni Allie.

Natigilan naman si Bill. "You know what, I hate it when a girl mention about their guy bestfriend. Kasi madalas ang ending, yung bestfriend ang nakakatuluyan nung girl," sabi ni Bill.

Natawa naman ng malakas si Allie. Sobrang typical na nga ng story na yun. Mapa-tv, pelikula or kahit novels sa friendship lahat nagi-start.

"Nangyayari lang yun kung may gusto sila sa isa't isa," sagot na lang ni Allie.

"Nade-develop naman yun in time eh. Hindi naman lahat love at first sight," kontra ni Bill na nakakunot pa ang noo.

Hindi maintindihan ni Allie kung bakit sobrang kinikilig sya. Kasi pakiramdam nya, hindi pa man sila ni Bill, nagseselos na agad ito sa taong hindi pa naman nito nakikilala.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon