chapter 20

45 1 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 20

Nagmamadali sa paglalakad si Ms Di. Kailangan maiparating agad nya kay Bill ang good news nya. Well, sort of good news... Nasa office na nya si Bill kanina pa, she just instructed her secretary na sabihin kay Bill na kapag dumating na ito, antayin lang sya saglit. Galing pa kasi sya sa isang meeting.

Pagpasok nya ng opisina nya, nakaupo si Bill sa sulok at pinapaikot-ikot sa kamay ang hawak na cellphone. Malamang kanina pa nito sinusubukan na makausap si Allie, of course to no avail. Kahit kasi sya sinubukan nyang tawagan si Allie, after magwala ni Bill sa office nya, pero hindi nya din ma-contact.

"What's up?" walang gana na sabi ni Bill.

"Ayusin mo nga sarili mo..." sabi ni Ms Di bago sya tuluyang pumasok sa office nya. Para kasing lantang gulay na hindi mawari ang itsura ni Bill eh.

"I've still got an hour to my next commitment don't worry much about my looks. I will fix myself in just a few minutes with a beautiful smile plastered on my lips," sarcastic na sabi ni Bill at tumayo na ito sa kinauupuan at lumapit na sa table ni Ms. Di. "Why do you summon me at this hour? It's my precious rest time... Alam mo naman how slim the chances na makapagpahinga ako diba?" parang masama ang loob na sabi ni Bill.

Pinalagpas ni Ms. Di ang mga patutsada ni Bill. Naiintindihan nya kung bakit parang hindi matino kausap si Bill. Bukod sa tama naman ito at some point like yung "precious rest time", naiintindihan naman nya ang pinagdadaanan nito. Sya nga lang yata ang manager na approved na lang ng approved sa lovelife ng alaga nya. Yung iba kasi humahadlang pa. Hindi naman nya gusto pa yung ganun, bukod sa pagsisimulan lang ng gulo, ayaw nyang maging kontrabida. Basta ang usapan, hangga't nakakapag-deliver si Bill sa mga duties nito hindi magiging problema sa kanya kung magka-love life man ito. Infairness naman sa alaga nya, kapag kaharap naman ang maraming tao, marunong naman ito umarte. Ngumingiti pa din kahit alam na alam naman nyang pilit lang. Kahit hindi madaldal sa mga interviews, at least sumasagot naman kapag tinanong, direct to the point nga lang.

"Na-cancel ang tour nyo ni Mel sa Davao," walang paligoy-ligoy na balita ni Ms. Di.

Noong una hindi muna nag-register sa mukha ni Bill ang sinabi ni Ms Di. Pero once na pumasok na sa magulong pag-iisip ni Bill ang sinabi ng manager, hindi napigilan ni Bill ang mapangiti ng malawak.

"I hope you're not kidding..." sabi ni Bill surging his hopes up.

Napangiti na din si Ms. Di. "I'm not kidding... I know this must be good news for you. But kaya na-cancel ang tour nyo kasi Mel was down with the flu. She lost her voice temporarily and she badly needed to rest. Of course, you can still continue to go to Davao if you want, but I beg off na din sa organizers sa Davao... Sabi ko just let the people know to keep their tickets and you will go there again once magaling na si Mel..." nakangiting sabi ni Ms. Di. Proud sa sarili nya dahil kahit ang gusto ng organizers na tumuloy pa din si Bill kahit sya lang mag-isa. Pero ipinaglaban nya talaga na wag na lang. After all, that concert is a promotion sa album nilang dalawa. Hindi naman tama na isa lang ang sisipot. Nagbayad ang mga manonood para makita silang dalawa. Well, syempre she insisted that para maayos muna ni Bill ang gusot nya.

"Hahaha... I think I owe Mel flowers..." natatawang sabi ni Bill na parang tinanaw pa na utang na loob na dahil sa pagkakasakit nito magkakaroon sya ng chance para makapunta kay Allie.

"Just please get your act straight... Nami-miss ko din kasi yung Bill na malambing. Naging bugnutin ka kasi these past few days..." sabi na din ni Ms. Di.

Lumapit si Bill sa manager at niyakap ito. "I'm sorry... Kung nadamay ka sa init ng ulo ko. Wala ka naman kasalanan... It's my own stupidity kaya umabot sa ganito..." sabi ni Bill thinking na bakit nga ba he's lashing out sa mga tao sa paligid nya? Hindi naman magagalit si Allie sa kanya kung hindi dahil sa stupid ambush interview nya?!

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon