chapter 11

49 2 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 11

"Upo ka muna," aya ni Ellen kay Roger.

"Salamat," magalang naman na sabi ni Roger. Sabay linga ng pasimple sa paligid.

"Kailan ka pa dumating dito sa Manila?" curious na tanong ni Ellen.

"Kahapon kami umalis ng probinsya. Nagtanong-tanong muna ako bago ako lumakad ngayong umaga," sabi ni Roger.

Lihim na na-amaze naman si Ellen. Kasi sa laki ng Manila, natunton ni Roger ang lugar nila sa pagtatanong-tanong lang.

"Bakit napadpad ka dito?" tanong pa ni Ellen.

"Ah... Nagtrabaho kasi ako ng part time sa isang flower shop sa kabayanan. Nalaman ko na may delivery sila dito sa Manila, eh kamukha nung address na iniwan ni Allie sa akin bago sya umalis. Kaya nakiusap ako na sasama ako," pagkwekwento ni Roger.

"Wow..." nasabi na lang ni Ellen. Obvious naman na deads na deads ang lalaki na ito sa pinsan nya.

"Saan nagpunta si Allie?" tanong ni Roger.

"Ah sa Bohol. Pero pabalik na din yun. Ang alam ko kaninang madaling araw ang flight nila pabalik. So antay-antay ka lang... Kumain ka na ba ng breakfast?" tanong ni Ellen.

"Ay naku oo... Salamat," sagot naman ni Roger kahit na ang totoo hindi pa sya kumakain ng almusal.

"Ganun ba? Well, nagpahanda na lang din ako ng merienda," sabi naman ni Ellen.

Lihim na natuwa naman si Roger. At least hindi na nakakahiya na kumain, masasayang ang hinanda ng pinsan ni Allie.

"Hanggang kailan ka dito sa Manila?" urirat pa ni Ellen.

"Ah mamayang gabi, uuwi na din kami... Kaya nga sana makausap ko at makita ko man lang si Allie," saad ni Roger. Kailangan na din naman nya umuwi. Alam kasi nya na mahihirapan ang nanay nya pag wala sya sa bahay. Walang mag-aalaga sa maliliit nyang kapatid.

"Don't worry as I've said pabalik na yun," sabi ni Ellen at napatingin sa may pintuan ng may kumatok.

Napalunok naman si Roger ng madinig ang katok. Sabay pasimpleng sinuklay ng kamay ang buhok nya.

Kunwari hindi na lang napansin ni Ellen ang pagpa-panic ni Roger. Pero nasisiguro naman nya na hindi si Allie ang dumating. Hindi na naman kasi kailangan ng pinsan nya na kumatok pa bago pumasok. Isang tao lang naman ang kilala nya na kumakatok muna bago pumasok.

"Sweeeeeettttttt!!!" tili ni Caloy pagkabukas ng pinto. Tama ang hinala ni Ellen. Si Caloy kasi, kakatok muna pagkatapos ay bubuksan na ang pintuan nila.

Nakita ni Ellen ang parang dissapointment sa mga mata ni Roger. And she noticed na iba pala ang kulay ng mga mata nito. Parang brownish.

"Hey!" simpleng bati Ellen sa kaibigan.

Napahinto naman si Caloy sa paglapit kay Ellen ng mapansin si Roger. "OH-EM-GEE, may suitor ka na Ellen?!" sigaw nito.

Naiinis na inirapan ni Ellen ang kaibigan. "Adik ka lang? Kay Allie ito," sagot ni Ellen.

Namula naman si Roger nang madinig ang sagot ni Ellen. Alam pala nito na panliligaw ang pakay nya kay Allie sa mga oras na iyon.

"Ow... Bongga si Allie ha?" sabi ni Caloy while eyeing Roger rather naughtily.

"Tigilan mo sweet..." mahinang saway ni Ellen. Nararamdaman na kasi nya ang discomfort ni Roger sa mga titig na may malisya ni Caloy.

"Saan si Allie?" tanong ni Caloy at tumabi kay Roger.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon