chapter 10

60 1 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 10

Kinakabahan si Allie habang nasa elevator sya. Baka kasi naiinip na si Bill. Buti na lang saglit lang sya maligo, mga 10 minutes lang. Kaya lang yung pag-aayos sa kanya ni Bessie umabot din ng mga halos 20 minutes.

Pero rewarding naman. Hindi mahilig si Allie mag-ayos pero nagustuhan nya ang itsura nya after sya ayusan ni Bessie. Simpleng face powder, blush on at lip gloss lang naman ang nilagay ni Bessie sa mukha nya. Pagkatapos ay pinatuyo nito ang buhok nya using blow drier, tapos may inilagay si Bessie na parang headband na hindi naman kasi manipis lang na parang design, then loose ponytail lang.

Kayang-kayang ulitin ni Allie ang ayos na yun kung gugustuhin nya. Maybe kapag aalis sya ng bahay ganito na lagi ang ayos nya.

Swerte naman na perfect fit sa kanya ang dress na pinahiram ni Bessie. And bumagay talaga ang flats na bigay naman ni Ellen.

She looks different from the Allie na galing ng probinsya. She looks pretty. Masayang naisip ni Allie. Minsan lang naman nya purihin ang sarili nya kaya lubusin na nya ng bongga.

Pagbukas ng elevator nakita na agad ni Allie si Bill. May bata na nagpapa-autograph dito mga nasa age 7 siguro ang bata, kasama ang mga magulang nito. Nakayuko si Bill at nakikipag-usap sa bata. Dahan-dahang lumakad palapit si Allie. Ayaw nyang maistorbo sa ginagawa si Bill.

Kaya naman ng yumukod ang mga parents ng bata na parang nagpapasalamat at nagpapaalam na kay Bill, medyo nilakihan na ni Allie ang mga hakbang nya.

Nakangiti pa din si Bill sa papalayong pamilya ng magtama ang mga mata nila ni Allie.

Mukhang na-surprise at na-shock si Bill ng makita si Allie. Nahihiyang napayuko na lang si Allie at pasimpleng pinasadahan ulit ng tingin ang suot. Baka kasi may mali sa suot nya. Or may nakalimutan syang isuot?

"Sorry... Nainip ka ba?" sabi agad ni Allie ng magkaharap na sila ni Bill. She's out of breath, hindi dahil napagod sya sa paglalakad, kundi dahil sa sobrang kinakabahan talaga sya kung approve ba kay Bill ang itsura nya.

Tameme pa din si Bill. Hindi sya makaget-over sa full impact ng simpleng ganda ni Allie. I swear wala pa akong nakitang babae na ganito kaganda... sabi ni Bill sa sarili. Kakaiba talaga ang mga ganda ng Filipina.

"Bill?" untag ni Allie sa lalaki, may kalakip na pag-aalala sa boses nya, possible ba na mag-undergone into shock si Bill?

"Wow... Sorry... I'm speechless..." bulalas ni Bill after mag-register sa kanya ang tanong at pag-aalala ni Allie. Ayaw nyang ma-misinterpret ni Allie ang pagiging speechless nya. Hindi lang talaga nya alam kung paano ba nya maide-describe ang ganda ni Allie ngayon.

"Si Bessie may gawa nito..." sagot ni Allie na sobrang natuwa dahil nagustuhan ni Bill ang ayos nya.

"I like it... I really really like it... I mean, I love it..." sabi ni Bill. Nadagdagan na naman ang utang nya sa kapatid na si Bessie. Sobrang laki ng tulong nito sa kanya these past few weeks.

"Salamat..." masayang sagot ni Allie at ngumiti sya kay Bill.

Natameme na naman si Bill ng makita ang simpleng ngiti na yun ni Allie. Sana... Sana sa kanya lang ibinibigay ni Allie ang ganoong klase ng ngiti.

"Let's go?" aya ni Bill bago pa may bigla na lang humaltak kay Allie at agawin sa kanya.

"Tara!" sabi ni Allie na nahaluan na ng excitement ang boses nya.

Hinawakan ni Bill ang isang kamay ni Allie, mahinang pinisil at sumenyas ito using his head na parang nagsasabi na "this way".

Sinabayan na lang ni Allie ang mga lakad ni Bill.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon