chapter 4

78 3 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 4

"Bakit sobrang down ka?" tanong ni Ms Di kay Bill. Kapuna-puna kasi na parang malamya ang alaga nya. Dati-rati naman sobrang excited ito every out of town trip nila. Pero ngayon? Parang wala lang kay Bill.

"Puyat lang ng kaunti..." Bill lied.

"Puyat? Dati nga full of energy ka pa din kahit 2 days straight ka ng walang tulog ah?!" sabi ni Ms. Di habang inaaayos ang mga damit na nakakalat sa sahig.

"Ayusin mo sarili mo. May pupuntahan pa tayo na radio guesting. Malapit lang naman yun," bilin ni Ms Di.

Napabuntong-hininga si Bill. Pagod na din naman kasi sya. Hindi naman biro ang kumanta habang sumasayaw. Ang ngumiti nga isa hanggang dalawang oras. Masakit sa bagang.

Isa pa radio guesting naman iyon, hindi naman sya makikita ng mga fans (except ang mga DJ's na makakausap nya), bakit kailangan pa nya mag-ayos?!

"Ayaw mo?" pagalit na sabi ni Ms. Di.

"Does it matter?" sarcastic na sabi ni Bill sabay tayo sa kinauupuan. Tumulong na din sa pag-aayos ng mga damit nya.

"You have no choice..." mahinahon nang sabi ni Ms Di sa alaga. "Konting tiis na lang, uuwi na tayo sa Manila," pakunswelo na lang ni Ms Di.

"Okay..." sagot na lang ni Bill.

Kahit anong pilit nila Carlo at Ellen na isama si Allie sa lakad ng mga ito, hindi talaga nagpatinag si Allie. Maagang na-lift ang pagka-grounded ni Ellen dahil naging good girl naman ito during the time na grounded ito.

Sinarado na ni Allie ang pinto ng nakalayo na ang kotse ni Caloy. Napatingin si Allie sa television pagsara nya ng pinto. Simula nang napunta sya ng Manila, hindi pa sya nakapanood ng tv. Gusto sana nya i-try kaya lang hindi nya alam buksan. Wala naman syang kasama that time sa bahay kaya umakyat na lang sya sa kwarto nya. Gagawa na lang sya ng mga Math problems para sa tutorial lessons nila ni Bessie.

Nakadapa na si Allie sa kama hawak ang math book na ginagawa nilang reference ni Bessie ng tumunog ang cellphone nya. Halos magkandarapa sya sa pag-abot sa cp nya sa may side table para masagot agad ito.

Napangiti sya nang makita ang name na naka-flash sa screen. My rider ang naka-save sa phonebook nya. Buti na lang hindi pakialamera ng cp ang pinsan nya. Dahil kung nagkataon hindi sya nito tatantanan sa pag-uurirat kung sino ang "my rider" nya at mysterious effect pa ang dating.

"Hello..." sagot ni Allie, hindi mapigil ang excitement na lumabas sa boses nya.

"Hi..." Bill breathed. Lahat ng pagod ni Bill biglang nawala. Nasa sasakyan na sila noon pabalik sa hotel kung saan sila naka-stay pansamantala. Tapos na ang radio guesting nya, ang last commitment nya sa lugar na iyon. Then madaling araw ulit ang flight nila pabalik ng Manila.

"Kamusta naman?" nahihiyang tanong ni Allie.

"Sobrang hectic... Pagod na pagod pero nadinig ko lang boses mo, ok na ulit ako..." pahaging na sabi ni Bill.

"Puro ka kalokohan. San ka na ngayon?" kaswal na tanong ni Allie pero pulang-pula naman ang pisngi nya.

"Pabalik na ng hotel room... Nga pala, may gagawin ka ba bukas?" tanong ni Bill.

Nakakunot ang noo na sumagot si Allie. "Oo... Pupunta ako sa bahay nyo para kay Bessie diba? Bakit?" tanong ni Allie.

"Gusto kasi sana kita makita bago ulit ako mag-work. Hindi na kasi ako makakadaan pa sa bahay. But I really really wanna see you first... Matatagalan na kasi ulit bago kita makita..." sabi ni Bill. Pinakita na kasi sa kanya ni Ms. Di ang magiging schedule nya. When Ms. Di asked him kung may questions ba sya, ang naitanong na nya na lang, Kailan ako pwede kumain, matulog at mag-cr? na tinawanan lang ni Ms. Di pero nahalata naman nya na parang napahiya ito at muling chineck ang sched nya para maisingit nga naman ang pagtulog nya.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon