chapter 7

60 2 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 7

"Infairness Allie, bongga talaga yang family na napasukan mo ha?" sabi ni Ellen.

Muntik nang mabilaukan si Allie sa kinakain nya. Magkakaharap sila ngayon sa hapag-kainan. Dinner na noon at maaga aalis si Allie kinabukasan. Susunduin sya ng family ni Bill dahil may out of town trip sila.

"Oo nga eh... Ang bait nila," comment ni Allie.

"Ano nga ulit pangalan nung tinuturuan mo?" tanong ni Ellen.

"Bessie," sagot ni Allie silently praying na sana hindi ito kilala ni Ellen.

"Bessie? Parang nabasa ko na yun somewhere..." sabat naman ni Caloy na noon ay doon din nakikikain ng dinner.

"Alam mo sweet, ako din. Familiar sa akin yung name... Hindi ko maintindihan pero parang si Bill ang nagpa-pop sa isip ko," sabi naman ni Ellen.

Pinagpawisan ng malapot si Allie. Patay na talaga... Hindi pa naman sya nagbabasa ng mga magazines na binibili ng pinsan. Malay ba nya kung isa sa mga yun binanggit pala ni Bill ang pangalan ng mga kapatid nya?

Pero madami naman sigurong Bessie sa buong mundo diba? Kung sya nga hindi nya nalaman na yung Bill na sikat, yung Bill na rider, at yung Bill na kapatid ni Bessie ay iisa diba?

"Paano namang hindi si Bill ang maiisip mo, eh sya lang naman ang laman ng utak mo!" sabi ni tita Eva.

Natawa naman si Caloy. Nakitawa na din si Allie kahit medyo off yung pagtawa nya.

"Hay naku mamsie, may chance!!!" maarteng sabi ni Caloy.

Natawa na din si Ellen pero hinampas muna ang kaibigan. "Kung makapagsalita ka, parang hindi ka member ng fans club ni Bill," sumbat ni Ellen sa kaibigan.

"Oo member ako. Pero sweet hindi ako gumagastos ng bonggang-bongga sa lahat ng mga nakikita kong bagay na may mukha ni Bill ano?!" sabi nito sabay irap pa sa kaibigan.

Genuine na natawa na talaga si Allie sa harutan ng dalawa. Pati ang tita Eva nya tumawa na lang din.

"Basta Allie pasalubong ha?" pagche-change topic na sabi ni Ellen.

Tumango naman si Allie. Since hindi naman sya papayagan ng family ni Bill na maglabas ng pera, gagastos na lang sya para sa mga pasalubong sa pamilya ni Ellen at kay Caloy. Kung nandito lang din sana si Roger, ibibili nya din ito ng pasalubong.

"Bibigyan na lang kita ng pocket money mo. Three days din kayo doon, mas maganda na yung may madudukot kang pera," sabat naman ng tita Eva nya.

Todo naman ang pag-iling ni Allie ng madinig ang sinabi ng tiyahin. "Naku huwag na po tita. May pera pa naman po ako, yung allowance po na binibigay nyo sa akin weekly di ko naman po nagagastos lahat yun. Itinatabi at iniipon ko po iyon. Ok na po iyon, saka may kita din naman po ako sa pagtuturo ko kay Bessie," sabi ni Allie.

Wala naman sya pinagkakagastusan sa ngayon. Load lang naman ang madalas nya bilhin saka yung mga simpleng chichirya sa sari-sari store. Kaunti lang talaga ang nababawas nya sa pera na binibigay ng tiyahin. Iniipon nya iyon para kapag nag-aaral na sya, bukod sa baon na ibibigay nito, may extra money pa sya para sa mga pagpapa-photocopy or work books kung sakaling kailanganin nya para hindi na sya hihingi pa ng pera sa tita nya sa mga bagay na ganoon.

"Ano ka ba Allie... Ok na din iyong may pera ka. Baka mamaya maiwan ka nila Betty doon ay naku paano ka makakabalik kung sakto lang ang pera mo?" sabi nito. Alam din kasi ng mommy ni Ellen na all expenses paid trip ang lakad ni Allie. Kasi kagaya noong sumundo si Allie sa airport, mommy ulit ni Bill ang nakipag-usap sa tita nya. Mas okay na din yun kasi parang guardian to guardian na ang naging usapan. May assurance din siya mula kay Betty na aalagaan nito ang pamangkin at wala sya dapat ipag-alala.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon