chapter 2

83 2 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 2

"Congrats Bill... Another succesful concert," sabi ni Ms. Di habang nasa dressing room sila. "Kapag ganyan ka lagi ka-ganado, magkakasundo tayo..." dugtong pa ni Ms. Di bago nagpaalam na lalabas na muna para makapagpahinga saglit si Bill, makapagbihis at makauwi na.

Tumango-tango naman si Bill. Kung puro ganito ang performance ko? Sa pakiramdam ni Bill, mangyayari lang ulit yun kapag nakita nya ulit si Allie. Knowing na nanonood ito, gave him the push to perform better. To be his best actually.

Then kinuha nya ang cp sa bulsa at pinagmasdan ang number na nakuha nya mula sa babae. Then he slowly smiled. I'd definitely call her...

"Sobrang malas mo naman Allie!!! First time mo na sana makakapanood ng concert naaksidente ka pa!!!" sigaw ni Ellen sa pinsan.

Hindi na lang kumibo si Allie. As if naman kasalanan nya ang "aksidente" na iyon. Sa sobrang pagmamadali ni Ellen kagabi, nakalakadkad na nya ng bonggang-bongga si Allie kaya naman bukod sa may pilay na, puro gasgas pa ang braso nya. Ang ending tuloy, sinamahan ni Caloy si Allie sa hospital, dahil si Ellen, walang makakapigil para manood ng concert ng Bill na yun.

Hindi tuloy maiwasan ni Allie ang mainis sa pinsan pati na din sa Bill na yun. Ano ba naman kasi meron ang lalaki na yun kung bakit pinagkakaguluhan sya ng mga kababaihan? Baka mas gwapo pa ang rider nya dun.

Lihim na kinilig si Allie. After ng mga confusion, at syempre sakit ng katawan, saka naman nya na-realize na ang cute pala ng moment na nangyari sa kanila ng lalaki. "Rider" na tuloy ang tawag nya sa lalaki dahil naka-motor ito. Sa probinsya nila, si Roger lang ang medyo maputi ang kutis. Pero si rider nya? Ay panis ang kaputian ng kababata nya.

"Uy, natulala ka na!" sigaw ni Ellen kay Allie kaya nabalik tuloy sa realidad ang utak ng dalaga.

"Kasi naman sweet, kaladkarin mo ba naman ang pinsan mo. Sa tingin mo ba hindi sya magkakagalos sa ginawa mo? Lagot ka talaga kay Tita pag nakita nya yan..." sabi ni Caloy sa kaibigan.

Kinakabahan naman na napaupo sa tabi ni Allie si Ellen. "Sorry talaga pinsan... Na-excite lang talaga ako..." hingi naman nito ng paumanhin.

Napabuntong hininga si Allie. Sige na nga. Alam naman nya na hindi naman sadya ng pinsan nya, nadala lang ng emosyon.

"Ok lang naman... Hindi naman seryoso lahat ng sugat ko..." sabi na lang ni Allie.

"What's with you son? You're smiling on your own?!" sabi ng daddy ni Bill. Naabutan kasi nito ang anak na nasa terrace and napapangiti pa.

"Nothing dad... I just met someone, and she's quite interesting..." sagot naman ni Bill sa ama.

Umupo sa tabi ni Bill ang ama at todo ang ngiti. "Well well well... Is she anyone we know?" tanong ng daddy nya.

Umayos naman ng upo si Bill at itinabi ang cellphone. "No dad..." sagot ni Bill sa ama.

Nagkibit naman ng balikat ang ama. "It doesn't matter if she isn't a celebrity. The question is, is she okay being you a celebrity?" tanong nito.

Natawa naman si Bill. "Believe it or not, I don't think she even know me..." sabi ni Bill.

Napakunot ang noo ng daddy ni Bill. "That's weird. Maybe she came from a place without televisions..." sabi ng daddy nya.

Napaisip si Bill. Saang planeta nanggaling si Allie at walang tv sa lugar nila?!

"What?! Paano kayo nabubuhay doon ng walang libangan?!" gulat na gulat na sabi ni Caloy habang nagkwekwentuhan sila ni Allie.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon