chapter 12

57 1 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 12

"Eh bakit ka ba kasi depressed sweet?" tanong ni Caloy kay Allie habang nasa garden sila at nagme-meryenda.

Once in a lifetime lang na manlibre si Caloy ng pizza. Sabi nito celebration nila ng end of summer. Dahil kinabukasan, first day na ng school.

Sa iba siguro, nakakalungkot ang page-end ng summer. Pero para kina Allie, Ellen at Caloy, excited sila na pumasok sa college life. Another milestone for them.

As for Bill? Hindi pa din ulit sila nagkikita ni Allie. But that doesn't mean hindi na napapakilig ni Bill si Allie. Thru his simple texts, late night calls, hindi naman nagkukulang si Bill.

Allie just wish na sana... Magkaroon na ulit ng time si Bill para magkasama sila. Kahit nga minsan nate-tempt si Allie na pumunta na lang sa condo ng binata. Yun nga lang, kahit yata sa condo nito hindi naman ito madalas magawi roon. Laging on the go.

"Iniisip ko lang kasi si Roger. Kung kamusta na ba sya... Hindi na kasi sya sumagot sa mga emails ko," sabi ni Allie, piniling ikwento ang pag-aalala kay Roger kaysa ang mas malalim at mas laman ng puso at isip nya na si Bill. Madalas na din naman kasi sya mag-online ngayon, bumili kasi si Ellen ng bagong laptop. Yung pinagpalitan ni Ellen, ibinigay nito kay Allie, na syempre pa ilang ulit ding tinanggihan ni Allie. Pero Ellen insists... Aanhin nga naman ang lumang laptop na yun wala na din namang ibang pwedeng gumamit noon bukod sa kanya.

"Ay sweet, hayaan mo muna yun. Nagmo-move on yung tao..." sabi ni Ellen sa pinsan.

"Oo nga naman sweet. Ako na lang muna ang bahala mag-isip kay papa Roger," dagdag ni Caloy sa seryosong tono.

Natawa na lang si Allie ng biglang hinampas ni Ellen si Caloy. "Puro ka kalokohan! Humanap ka na lang ng iba wag lang si Roger," saad ni Ellen sa seryosong tono.

Nagkatinginan sila Caloy at Allie. "What do you mean? Na sa iyo na si Roger ganun?!" nanunuksong sabi ni Caloy.

Natawa naman si Allie kasi iba ang naging reaction ng pinsan. Nag-blush talaga ito. Sobrang obvious pa kasi maputi ang kutis nito.

"Oh-em-gee Ellen!!! Si Roger na ba ang bago sa puso mo?!" nanlolokong sabi pa ni Caloy.

Umirap si Ellen kay Caloy. "OA naman ng utak mo..." sabi nito kapagkuwan ay dumampot ng tissue para linisin ang gilid ng mga labi. "Remember nung nagpunta sya dito medyo nagka-chikahan kami? So yun lang naman..." dugtong ni Ellen na may kasama pang irap.

"And after nyang umalis?" nanghuhuli na sabi ni Caloy.

"Wala naman... Nagkakausap lang minsan thru emails..." sinubukan ni Ellen na palabasin na parang patay malisya lang ang pagkakasabi nya, pero nahalata pa din nila Caloy at Allie ang embarassment sa tono nito.

Lumapad tuloy ang pagkakangiti nila Allie at Caloy. "Buti pa pala sayo nage-email si Roger. Sa akin kahit isa wala simula nung pumunta sya dito!" nanunuksong sabi ni Allie.

So yun naman pala. Ang oras pala ni Roger ay natuon na sa iba.

"Uy, Allie wag kang mag-isip ng kung ano-ano. He's talking to me kasi sobrang nasaktan sya sa mga nangyari. Not that he blames you, hindi mo naman fault kung hanggang friend lang ang tingin mo sa kanya... Pero yun nga, syempre minahal ka nung tao..." pagpapaliwanag ni Ellen.

Nabago tuloy ang expression ni Allie. Mula sa panunukso, napalitan ng kalungkutan ang mukha nya. "Kaya nga ako nage-email sa kanya para mag-sorry..." pagpapaliwanag ni Allie.

"Ano ka ba sweet, kaya lang hindi sumasagot si Roger sayo, hindi lang nya alam pa ang mga sasabihin nya. Hindi naman nya pwedeng sabihin sayo na ok lang sya, eh hindi naman talaga... Pero wag ka ngang mag-alala, hindi sya galit sayo or hindi naman sya nagalit sayo ever... He just wants a friend right now para may makausap," Ellen console her cousin.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon