chapter 3

64 3 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 3

"Wala ka ba pasok ngayon?" tanong ni Allie kay Bill habang magkausap sila sa phone.

"Rest day ko sa wakas... Akala ko nga hindi na ako mabibigyan ng day-off... Saka isa pa, I will still try to take the day off para ma-meet ko yung bagong hire nila mommy na tutor..." sabi ni Bill.

Hindi maintindihan ni Allie pero parang kinabahan talaga sya sa sinabi na iyon ni Bill. Kasi nagkataon naman na maya-maya lang paalis na sya para sa first day of work nya bilang tutor din.

Sasagot sana si Allie ng may kumatok sa pintuan nya. "Pasok..." sabi ni Allie habang mahinang nagpapaalam kay Bill na may dumating lang na tao.

"Ei Allie... Sabi ni mommy nakahanap ka na daw ng part time job..." sabi ni Ellen.

"Oo... Papunta na nga ako dun..." sabi naman ni Allie. Habang nadidinig pa nya na parang kumikilos si Bill sa kabilang linya.

"Sino kausap mo?" curious na tanong ni Ellen.

Namutla naman si Allie. Wala pa kasi syang nakwekwento kay Ellen na meron syang katext mate at katawagan sa phone.

"Friend ko..." simpleng sagot na lang ni Allie sa pinsan.

Kahit hindi mukhang convince hindi na lang din nagtanong si Ellen.

"Sige na bihis ka na. Baka ma-late ka pa," sabi ni Ellen sa pinsan.

Tumango si Allie. Pagkasarado ng pinto, nagsalita agad si Bill. "You have to go na ba?" tanong nito.

Kahit si Allie nakaramdam ng lungkot na kailangan na nyang putulin ang pag-uusap nila. Gumagaan kasi ang pakiramdam nya kapag kausap nya ang lalaki. Kapag nami-miss nya ang kanyang mga magulang, sakto naman na biglang magte-text si Bill sa kanya na parang alam na alam nito kung kailan sya sobrang down.

"Yes... Later na lang..." sabi ni Allie.

Nahihiya syang sabihin na, please call me again later. Pero based naman sa mga nakaraang araw, kahit alanganing oras nagte-text naman sa kanya si Bill para mangamusta. Hindi nga lang yung maya't maya magkausap sila. Syempre naiintindihan naman nya na busy din sa trabaho ang lalaki.

"Ingat ka... Tawag ulit ako mamaya," sabi ni Bill and they said their goodbyes na.

Ten minutes before 2pm, nakaupo na sa salas si Bill. Desidido talaga syang antayin ang bagong tutor ni Bessie para makilatis nya ng husto. What is it about her na nakuha nya agad ang loob ng mga kapatid nya pati na din ang mommy nya. Si Bessie pa? Wala naman nakapasa sa test na binibigay nun sa mga applicants, although kahit anong pilit nya sa kapatid ayaw naman nito sabihin kung anong klase ba yung test na yun at mukhang sobrang hirap. And this one... Na hindi man lang nya naitanong ang name sa kapatid, nakapasa and based sa mga kwento at papuri nila, with flying colors pa.

"Bill, can you help me for a second?" tawag ng mommy ni Bill mula sa kusina.

Dali-dali namang tumayo si Bill para pumasok ng kusina. Iniwan muna nya ang remote ng tv sa sala set.

Habang may inaabot si Bill sa kusina, nadinig na nya na may nag-door bell. Sure sya na yun na nga ang inaantay nila. At least on time naman ito dumating. Maybe she lives nearby. Hindi naman nya maiwan ang mommy nya dito sa kusina kaya wala syang nagawa ng utusan ng mommy nya ang katulong nila na buksan ang pinto.

Lumabas naman agad sina Bessie at Bernard. Hawak-hawak pa ni Bessie ang bunsong kapatid nila. Aba at balak pa talagang ipakilala si Bong.

Naghugas muna sya ng kamay bago lumabas. Hawak pa nya ang basahan ng sumilip sya sa lanai.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon