chapter 19

48 1 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 19

Hindi maintindihan ni Allie kung bakit todo-todo ang kaba nya habang papalapit ang lunch break. Dahil ba kakausapin nya na si Mark at kung sino man ang John na yun? Hindi lang nya talaga mapin-point kung ano ba ang rason kung bakit sya kinakabahan ng husto.

"Let's go na sweet?" aya ni Ellen habang isinusukbit ang bag.

Inayos naman ni Allie ang mga gamit nya. Gutom na din naman sya, kaya isinantabi muna nya ang pag-iisip ng kung ano pa man.

"Bilisan nyo naman! Nag-aantay si Papa John!" maingay na sabi ni Caloy.

Inirapan lang ni Allie ang kaibigan. As if naman excited syang makilala kung sino man ang John na tinutukoy nito.

"At si Papa Mark!!!" segunda ni Ellen.

Kunwaring hindi kakilala na nilagpasan lang ni Allie sila Caloy at Ellen. Nagtinginan naman sila Ellen at Caloy sabay tawanan na lang. Pagkatapos ay nagmamadali na din silang sumunod kay Allie.

"Sweet, ayan na si Mark..." mahinang bulong ni Ellen sa pinsan.

Nagtaas naman ng tingin si Allie. Nakita nga nyang papasok na sa canteen si Mark. Yumuko ulit sya sa pagkain nya ng magsimula nang ilinga ni Mark ang mga mata sa paligid nya.

"Palapit na..." bulong ulit ni Ellen.

"Excited ka lang?" kunwaring naiinis na sabi ni Allie na tinawanan lang nito.

Hindi nag-angat ng paningin si Allie kahit na from her peripheral vision may umupo sa tapat nya. Kailangan pa bang i-memorize yan? For sure si Mark na nga iyan.

"Hello..." mahinang bati nito. Hindi sure si Allie kung sya lang ba ang binati nito ng "hello" or silang tatlo mismo kaya hindi sya sumagot.

"Hi papa!" masiglang sagot naman ni Caloy so hindi naman na-deadma ang presence ni Mark.

Wala na namang kumibo after noon. At least kapag kaharap nila si Mark, hindi naman sya tinutukso ng harapan.

"Eeeehhhhhhhhhhhhhh!!!" tili ni Caloy na halos magpahulog kay Allie sa kinauupuan nya. Naramdaman ni Allie na parang nag-panic din si Ellen dahil napakislot din ito.

"Uy ano problema mo? Kung makasigaw ka naman!" saway ni Ellen sa katabi.

Nag-angat ng tingin si Allie. Tutok na tutok ang mga mata ni Caloy sa television screen sa may harapan ng canteen.

Kahit alam ni Allie na sikat na tao si Bill, nagulat pa din sya nang mukha ni Bill ang nasa screen. Automatic naman na natahimik ang mga katabi ni Allie. Curious din sila marahil sa interview na ginagawa kay Bill na mukhang "ambush" interview.

"Bill, totoo ba ang kumakalat na tsismis na finally may girlfriend ka na daw?" sabi ng babaeng interviewer habang hinahabol ang mabilis na paglakad ni Bill. Mukhang taped interview na din dahil gabi na yung paligid.

Pasimple akong siniko ni Ellen.

Pero hindi sumagot si Bill. Dire-diretso lang ito sa paglalakad. Somehow parang na-dissapoint si Allie. Pwede naman nyang sabihing meron na syang girlfriend. Kahit hindi na banggitin ang pangalan nya.

"Bill, totoo bang ang girlfriend mo ay ang leading lady ni Christian sa bagong music video nito?" tanong pa ng babae.

Hindi lang si Allie ang napahigit ng hininga ng madinig ang tanong na iyon. Parang may anghel na dumaan sa buong canteen. Natahimik silang lahat, dahil alam ng mga ito kung sino ang tinutukoy na babae.

Kinakabahan na napahawak sya sa kamay ni Ellen. Ano ang isasagot ni Bill?

"I am not in a relationship right now. If I am, you'll be the first one to know. Thank you..." pasupladong sagot ni Bill at nagmamadali nang lumakad. Umaksyon naman ang mga bodyguards ni Bill at hindi na talaga nakalapit ang nagi-interview dito.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon