chapter 8

52 1 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 8

"Ang daya mo kuya Bill, sinamantala mo na tulog kaming lahat para mabitbit mo si ate Allie!" naiinis na sabi ni Bessie. Ang totoo ang ikinakasama ng loob nya, nagpunta kasi sila Allie at Bill sa souvenir shops kaya pagbalik ng mga ito ang daming dalang mga pinamili. Malapit na kasi magpasukan, and nakapangako sya sa mga friends nya na bibili sya ng madaming pasalubong.

Tumawa lang naman si Bill sa sinabi ng kapatid, sabay balewalang abot sa platong may laman na ulam at nilagyan ang plato ni Allie.

"Bessie, hayaan mo na. Kaya naman tayo nagpunta ngayon dito para ma-relax si Bill. At syempre para magkasama sila ni Allie. Sabit lang tayo," sabi ni Betty sa anak na sinagot naman ni Bessie ng kibit balikat.

Namula naman si Allie sa sinabi ng mommy ni Bill.

Napansin ni Betty ang naging reaction ni Allie sa sinabi nya kaya hinawakan nito ang kamay ni Allie. "Sinama kami ni Bill kasi alam nya na hindi ka papayag na kayong dalawa lang ang aalis... Isa pa, gusto din namin makaalis ng bahay. Sabi ko nga sayo, never pa kami nakapasyal na buong pamilya. Dati walang budget, nung nagkaron naman ng budget, hindi naman mahagilap si Bill. Hehehe..." paliwanag ni Betty kay Allie na may kasamang tawa pa.

Nilibot ni Allie ang paningin sa mga taong kaharap nya sa table. Nakangiti lang sa kanya ang daddy ni Bill, walang comment ibig sabihin totoo ang sinabi ng asawa. Si Bessie naman, sinusubuan si Bong na noon ay tumatawa pa kasi nakikipagharutan din si Bessie.

"Ay naku ate Allie, deadma ka na lang... Kain ka muna," singit ni Bessie.

Todo asikaso naman si Bill sa kanya. Pero hindi naman matingnan ni Allie sa mukha si Bill. Nahihiya sya sa idea na alam ng pamilya nito kung ano ba ang meron sila ni Bill at mukhang sa tingin ni Allie eh botong-boto ang mga ito sa kanya.

Sobrang thankful at grateful sya sa pag-welcome sa kanya ng family ni Bill. Sa isang taong kagaya nya na nag-iisa na lang, sobrang laking bagay sa kanya ang mga pamilyang nago-open up sa presence nya. Kagaya na lang ng mga tita Eva nya.

"You want more rice?" tanong ni Bill kay Allie.

"Ah hindi na... Ok na, ang dami na ng nilagay mo," sagot ni Allie. Sa sobrang dami ng iniisip nya, hindi na nya napansin na parang tatlong tao ang kakain sa plato nya sa dami ng nilagay ni Bill.

"Ate Allie, here's your juice..." sabi naman ni Bernard hindi magpapatalo sa kuya Bill niya.

"Wow... Thank you Bernard!" natutuwang sabi ni Allie sabay halik sa pisngi ng bata.

"Hahaha..." napatingin bigla si Allie sa father ni Bill ng madinig nya itong tumawa. Ilang segundo lang ang nakalipas, buong pamilya na ni Bill ang tumatawa except sila Bill at Bong.

Si Bill naman nakatitig lang kay Allie. "Bakit? May dumi ba ang mukha ko?" bulong ni Allie kay Bill.

Umiling-iling si Bill na para namang nagsisi ito kung bakit naging ganoon ang reaction nya. "Im sorry Allie... You have nothing to worry. Natawa lang talaga ako kasi Bill is jealous..." sabi ng father ni Bill at talagang effort ito para pigilan ang sarili na matawa ulit.

"Nagseselos?" takang-takang tanong ni Allie. Sino naman ang pagseselosan ni Bill? Si Roger na naman ba ulit? Simula naman nung kumain sila kahit nga noong magkasama sila sa tabing dagat hindi naman nabanggit ang pangalan ng kababata sa usapan nila. Bill implied about something pero hindi naman ito naging topic.

"Nothing... Ignore them," sabi ni Bill at nagsimula na itong kumain.

Hindi na lang kumibo si Allie. Alangan naman na ipilit pa nya ang bagay na iyon eh halata naman ayaw na lang pag-usapan ni Bill.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon