chapter 6

59 2 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 6

"Five minutes break..." sigaw ng director sa buong cast.

Walang inaksayang oras si Bill, punta agad sya sa gamit nya para kuhanin ang cellphone nya. Baka sakaling abutan pa nya na gising pa si Allie. Sayang din ang five minutes na madidinig nito ang boses ng babae.

Napakunot ang noo nya ng makita ang tatlong text sa kanya ni Allie. Nang binasa nya ito, kinabahan talaga sya. Somehow nagkatotoo ang sinabi ni Bessie sa kanya na mga possible na mangyari at mga risks nung sinundo sya nina Allie at Bessie sa airport. Buti na lang talagang fully covered ng bodyguard nya si Allie.

Nag-send din si Bessie ng picture sa kanya from the news, and from that angle hindi nga talaga makikilala si Allie. Mysterious ang effect talaga. Pero enough para mag-suspetsa ang mga press people sa identity ni Allie.

At some point nagtataka naman si Bill dahil wala pang binabanggit sa kanya ang manager nya. Nilibot nya ang paningin nya at nakitang may kausap pala ito sa phone. Mamaya na lang nya ito tatanungin.

Nalungkot naman si Bill ng mabasa nya ang message ni Allie na matutulog na daw ito. Pero okay lang naiintindihan naman nya.

Instead he dialled his sister's number just to check na lang din.

"Hello kuya? What's up?" sagot ni Bessie on just the second ring.

"Hey... Nag-text sa akin si Allie about sa nakita nyang news kanina... I wonder kung..." simula ni Bill pero naputol na lahat ng sasabihin nya ng biglang sumabat si Bessie.

"No worries... I saw the news and kahit naman ang media puzzled sa mystery girl mo... Hahaha... Then si ate Allie naman, ok lang naman daw sa kanya. Na-receive mo ba yung picture?" tanong ni Bessie.

"Yes... And tingin ko naman impossible na makilala si Allie sa picture na yun. Allie texted me nga na ok lang naman daw sya and I have nothing to worry..." sabi ni Bill.

"Ang isipin mo na lang, kung ano ba ang magiging reaction ni Ms. Di sa news na yan. Baka mag-panic yun..." sabi ni Bessie.

When Bessie pointed that out, medyo kinabahan din si Bill. Mabait si Ms. Di pero sobrang strict din talaga nito pagdating sa kanya.

"Ok lang yun... A little publicity is all I need. Di na ako masyado napapag-usapan," sarcastic na sabi ni Bill.

At that tumawa na ng tumawa ng malakas si Bessie. "Yah right kuya... Hindi ka laman ng entertainment news every night sa tv. At never kong nabasa ang name mo sa newspapers," sarcastic din na sabi ni Bessie.

"Thank you sis... For doing all of this," sabi ni Bill.

Medyo sumeryoso naman si Bessie. "As I've told you kuya gusto ko lang maging masaya ka. And if si ate Allie ang magpapasaya sayo, wala naman ako comment dun... Pero please lang, kapag time naman ng lessons namin bawasan mo naman pagte-text mo sa kanya! Nakakaistorbo ka kaya sa amin!!" pagrereklamo ni Bessie sa kapatid.

Bill chuckled. "Humiling ka na lang ng iba wag lang yun... Alam mo naman na madalang naman kami magkikita ni Allie eh..." sabi ni Bill.

Sumeryoso naman si Bessie. "If there's a will, there's a way... I do believe in that saying kuya... Hindi naman ganoon kalayo ang bahay natin, you can check in every now and then. Tapos maybe it's time na kausapin mo si Ms. Di na wag naman masyado gawing hectic ang sched mo. Ok lang yung once in a while busy ka. Pero yung pati na lang pagtulog mo eh nababawasan na, wag naman ganun... It's time for you to speak up..." pagpapayo ni Bessie.

"I know sis... I already talk to her about that... Follow up ko na lang ulit... Sige na, I gotta go... Ikaw na bahala kay Allie. Try ko umuwi this weekend," sabi ni Bill.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon