chapter 17

55 1 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 17

"Wala ka ba work ngayon?" tanong ni Allie kay Bill habang naglalakad sila sa gilid ng beach. Parang dejavu lang. Ganito din sila noon sa Bohol. Halos walang tao sa paligid. Parang pag-aari nila ang beach. Makes sense kasi private resort na naman ang pinuntahan nila.

"Rest day ko hanggang bukas..." sagot ni Bill sabay kindat pa sa kanya, halatang good mood ito.

"Paano ako? May pasok ako bukas..." sabi ni Allie. Ayaw sana nyang i-brought up ang topic kasi pagabi na din naman. Medyo malayo ang byahe pabalik sa bahay nila. Kung hindi pa sila aalis, baka hindi na sya makapasok kinabukasan dahil sa sobrang pagod na din.

"I know... Pwede bang wag ka muna pumasok bukas?" pakiusap ni Bill.

Sobrang nate-tempt si Allie na sumagot ng "oo". Sa ngayon naman ang gusto nya lang talaga ay ang makasama pa ng mas matagal si Bill.

"Nakakahiya kasi kela Tita Eva. Pinag-aaral nila ako pagkatapos ay kung ano-ano ang inaatupag ko," sagot ni Allie. At least hindi sya sumagot ng definite no.

"I'll talk to her..." Bill offered.

Napangiti naman si Allie. Alam nya na kapag si Bill na ang tumawag sa tita nya, wala nang problema. Kulang na nga lang eh ibugaw na sya ng tuluyan ng tita nya kay Bill. In a way, ok na din. Kesa naman ang story nila kagaya sa mga telenovela sa tv na against ang buong mundo sa pagsasama nila. Ayaw naman ni Allie ng ganoon ka-OA ang buhay nya. Sapat na yung drama na naulila sya agad sa mga magulang at wala syang kapatid.

"Abusado ka na..." biro ni Allie.

Napailing si Bill habang nangingiti. "Yes... I think so... I'm so selfish when it comes to you..." pag-amin ni Bill na medyo na-guilty na din kasi hinihingi nya kay Allie na isantabi muna ang pag-aaral nito.

Kunwari hindi affected si Allie sa sinabi ni Bill. Yumuko na lang sya at namula lang lalo dahil magkahawak kamay na naman silang dalawa.

"I think it was a wrong move... Me going on the shooting location, bantayan ka at si Christian. And I think I've been a little territorial then..." sabi ni Bill remembering ang mga ginawa nyang "pambabakod" kay Allie na alam nya hindi nakaligtas sa observation ni Christian. At marahil hindi lang si Christian ang nakapansin.

Hindi muna nagsalita si Allie. Ayaw nyang pagsisihan man ni Bill kung ano man ang mga nagawa nito. Kasi nakatulong si Bill ng malaki sa kanya during the shoot. Kung wala si Bill doon, baka na-pack up na lang ang shooting at dissapointed na hahanap na lang si Ms. Di nang ibang talent, at yung ibinayad sa kanya ay kukunin ulit.

"Wag ka ngang ganyan... Ok nga na nandoon ka. Moral support," sabi na lang ni Allie. She's really bad at expressing her feelings. Feeling nya hindi nya na-convince si Bill sa sobrang igsi at wala namang laman na statement na sinabi nya. Kaya nayayamot sa sarili na napasimangot na lang sya.

Ngumiti lang si Bill sa kanya and gently squeezed her hand.

"Nagkausap na kayo ni Roger?" pag-iiba ni Bill ng topic.

"Sila ni Ellen ang madalas magkausap... Nasalinan na daw ng dugo si Rica. Base sa huling kwento ni Ellen sa akin, mga ilang araw na lang sa ospital si Rica at makakalabas na. Isinasauli ngang pilit ni Roger yung sobra sa pera. Nagpadala din kasi sila Tita Eva saka si Caloy. Sabi ko wag na kanya na yun..." mahabang saad ni Allie. Kahit na sabihing sila Allie at Roger ang malapit na magkaibigan, hindi naman dinamdam ni Allie kung si Ellen na ang madalas na tinatawagan nito. Natutuwa pa nga sya kasi alam nya na nakaka-move on na ang kababata sa pagkasawi nito sa kanya. At sa tingin nya, masaya si Ellen sa kung ano man ang merong special sa kanila ni Roger.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon