chapter 15

57 1 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 15

Pasimpleng tumagilid ng upo si Bill patalikod sa lalaking palihim na kumukuha ng pictures sa kanila habang kumakain sila nila Ms. Di, Ms. Kathy at Mel. Hindi naman nakaligtas ang kinilos nya sa mapanuring mga mata ni Mel.

"What are you doing?" nagtatakang tanong nito.

"Tumatalikod sa paparazzi. Ayokong puro mukha ko ang makita ko sa tabloids," walang alinlangan na sagot ni Bill.

"Masanay ka na dapat..." payo ni Mel sa kanya smiling patronizingly. Yung ngiting ibinibigay sa kanya ni Ms. Di kapag nag-misbehave sya.

"So let's get back to business..." untag ni Ms. Kathy kina Bill at Mel, at bumaling na din ito kay Ms. Di para ayusin ang magiging schedule nila.

Bored na hindi nakinig si Bill sa usapan nila. Nagpalinga-linga sya sa paligid. He's dreading the night actually. Excited sya sa muling pagkikita nila Allie, at the same time kinakabahan. This is the night that Ms Di will actually offer Allie the music video thing with Christian. He already texted Allie that he and Ms Di will come over to their house, and of course and initial reaction nito ay ang mag-panic. He just assured her that they will not bring bad news.

"So, okay na sa iyo yun Bill?" nagulat si Bill ng direkta syang tanungin ni Ms. Kathy.

Pasimpleng tumingin si Bill kay Ms. Di, kasi wala naman sya inintindi sa lahat ng mga pinag-usapan nila ng oras na iyon. Tumango ng isang beses si Ms Di.

"Okay..." maigsing sagot ni Bill.

Ngumiti naman si Mel ng bonggang-bongga. "We will have a great time together!!" masayang-masaya na sabi nito.

You wish! ismid ni Bill.

Nahuli din ni Bill na parang nahihirapan si Ms. Di na pigilin ang pagtawa nya. She tried to cover it by faking a cough. Natawa na lang din si Bill sa ginawa ni Ms. Di. Kahit naman bulgar na tumawa sya, sa tipo ng personality ni Mel, hindi nito mapapansin na may hidden message na namagitan sa kanilang dalawa ng manager nya.

"Uy, excited..." buska ni Ellen kay Allie habang nasa garden sila.

Pabirong inirapan lang ni Allie ang pinsan. Kinakabahan kasi sya na excited. Sobrang daming naiisip nya sa mga possible na itatanong sa kanya ni Ms. Di. Ang ipinagtataka nya, pwede naman na si Bill na lang ang magtanong kung ano man yun. Pero importante daw. At si Ms. Di talaga ang may kailangan sa kanya.

"Malapit na daw sila kaya inaantay ko na sila..." sabi ni Allie sabay tingin sa suot na relo.

"Eh bakit parang worried ang expression mo?" tanong ni Ellen.

"Wala naman..." pagsisinungaling ni Allie.

Kahit obvious na nagsinungaling, hindi na lang kinulit pa ni Ellen ang pinsan. Malalaman din naman nya kung ano man ang bumabagabag sa pinsan kapag handa na itong magkwento sa kanya.

"Padating na din daw si Caloy," pag-iiba ni Ellen ng topic, sakto naman kasi na nagtext din ang kaibigan.

"Ano naman gagawin nya dito?" nagtatakang tanong ni Allie.

"Hahaha... Magtutulo ng laway sa harap ni Bill," tumatawang sabi ni Ellen.

"Adik!" natatawang sabi na lang ni Allie.

Wala naman problema sa kanya kung sinabi man ni Ellen kay Caloy na parating si Bill. Hindi na naman sikreto dito ang kung ano man ang meron sila ni Bill. Saka nilinaw nya ang lahat ng mga iyon kay Bill. Wala naman reklamo si Bill, naiintindihan naman nya.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon