chapter 9

84 1 0
                                    

STAR STRUCKED

CHAPTER 9

After dinner, nag-set up si Bessie ng bonfire malapit sa beach. Excited naman na nanguna sa preparations si Bessie at ang mommy nito. Sila Bill at Allie tuloy ang in charge kay Bong.

"Mahilig ka ba sa mga bata?" tanong ni Bill kay Allie habang nasa hotel lobby sila. Inaantay nila ang tawag ni Bessie na pwede na sila pumunta sa tabing dagat kapag okay na ang bonfire nila.

"Hahaha... Medyo sabik lang. Wala naman kasi ako kapatid. Nakiki-alaga na lang ako sa mga kapatid ni Roger," kwento ni Allie.

"Roger?"tanong ni Bill.

Medyo napahinto si Allie. First time nyang na-mention ang pangalan ng kababata kay Bill.

"Si Roger yung bestfriend ko," sabi ni Allie.

Recognition dawned on Bill's face. Hindi na nya kailangan pang itanong at ipa-elaborate kay Allie kung sino si Roger sa buhay nito. Pinili na lang nyang hindi kumibo.Pinanood na lang nya si Allie na nakikipaglaro at nagme-make face kay Bong.

Bentang-benta naman si Allie kay Bong. Every now and then napapahagikgik si Bong.

"Kung magkaka-baby ka ilan ang gusto mo?" tanong ni Bill.

Dahil busy sa pakikipaglaro kay Bong, sumagot si Allie ng wala sa loob. "Ay naku kahit ilan, basta ba kasing gwapo at kasing cute ni Bong!!!" masayang sagot ni Allie. "Diba baby?!!!" sabi pa ni Allie na umani na naman ng hagikgik mula kay Bong.

Natawa naman si Bill sa sagot ni Allie. "So, kung ako pala ang husband mo kahit ilan pala pwede ko hingin," sabi nya.

Saka lang naagaw ni Bill ang attention ni Allie. "Ha?" tanong ni Allie.Parang nadinig nya na si Bill yata ang magiging asawa nya sa future?

"I'm confident that I can give you a son or a daughter as cute as Bong," sabi ni Bill sabay ngiti.

Namula si Allie sa sinabi ni Bill. Asawa at anak agad? Hindi pa nga nagiging sila eh.

"Adik ka... Paano kung maging kamukha at kakulay ko?" sabi na lang ni Allie trying to hide her embarassment. Masarap din kaya sa pakiramdam na pag-usapan ang future kasama si Bill. Kahit na masyado pa silang bata para pag-usapan angmga bagay na kagaya nito.

"So? They are still cute... I love your skin color," sabi naman ni Bill na parang balewala lang dito kung ano pa man ang maging itsura ng magiging anak nila in the future. Medyo kinilig na naman si Allie thinking na they had a future together.

"Ate Allie, kuya Bill, ready na!!!" excited na tili ni Bessie malapit sa entrance ng hotel kaya napatingin sa kanya halos lahat ng mga tao sa lobby.

Nang tumayo sila Bill at Allie, kinuha ni Bill mula sa bisig ni Allie si Bong. May mga ilang tao na tinuro si Bill, yung iba naman sinundan lang sila ng tingin. Luckily, wala naman lumapit sa kanila. Na-observe ni Allie na parang balewala na lang kay Bill kung parang isa itong "freak" na pinagtitinginan kung saan man ito mapunta. Marahil years of practice na lang din na"deadma" effect na lang.

Paglapit nila kay Bessie, excited na hinatak ni Bessie ang braso ni Allie dahilan para matawa na lang si Allie.

"Hey! Wait for us!" sigaw ni Bill.

Pero si Allie lang ang lumingon kay Bill. At gustong-gusto nya ang view na nakita nya.

Bill walking while holding a toddler on his arms. Sarap magpantasya!


"Okay, first crush..." time na ni Bessie ang magtanong. Nagtatanungan kasi sila habang nasa harap sila ng bonfire.

STAR STRUCKED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon