Chapter 1

6.9K 152 1
                                    

Disclaimer: this is a work of fiction. Names, characters, businesses, place, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Sorry for the letter errors, spacing errors and grammatical errors. I will edit this if I have time. Thank you!

~~~


Jaxcel Ly Del Falco Shin

Jax's POV

Nandito ako ngayon sa South Korea para tingnan ang negosyong pinagkaloob ng aking tita Jenny, siya nalang kasi ang natitirang kakampi ko sa buong buhay ko.

Babalik rin ako sa America kasi nandoon ang tita ko at dun din ako nag aaral, pero magta-transfer na ako sa Pilipinas para hindi sabihin sakin ni tita Jenny na nag tatago ako sa pamiya ko.

Kaya lang naman ako umalis kasi itinakwil na nila ako simula nung nalaman nila na miyembro ako ng isang Fraternity group.

Pamilya ko na rin ang nag sabi na hindi na ako kanilang sa pamilyang Del Falco Shin.

"Oh, mag empake ka na." Sabi ni Auntie Jenny pag kabalik ko ng America.

Kaya nag empake na ako agad. Pumunta ako sa kwarto para mag bihis narin.

"Auntie, sumama ka nalang kaya." Please, pumayag ka!

"Hindi na, susunduin ka daw ni Danaiah kaya text mo nalang siya pag naka rating kana."

"Tsk!"  Umirap ako sa kawalan.

"Pwede ba, Jaxcel, baguhin mona kasi yang ugali mo! Baka sa hindi mo inaasahan makaharap mo ulit ang pamilya mo!" Galit na sigaw ni Auntie.

Hindi nalang ako sumagot at lumabas na kami at sumakay na taxi patungo sa airport.

Nakarating na kami sa airport.

"Oh, paka bait ka ah. Bibisita ako sayo kung kinakailangan." Sabi ni Auntie.

"Eh, paano pag hindi na kailangan, hindi kana bibisita?" Pabirong sabi ko sa kanya.

Nag-iba agad ang itsura niya. "Bata ka talaga kahit kailan napaka pilosopo mo! Umuwi kana!"

"Ganyan ba ang pag goodbye ng isang auntie?" Kunwaring nalulungkot na tanong ko.

She took a deep breath. "O, sige na mag iingat ka ah, wag ka ng makikipag basag ulo ulit." Malambing niyang sabi.

Hmmm.. susubukan ko.

"Sige, auntie, bye." Halik ko sa pisngi niya.

Nang nakasakay na ako ng eroplano natulog na agad ako.

"Ma'am, we're here in the Philippines." Gising ng flight attendant sa 'kin.

"Oh, thank you."

Pag ka baba ko ng eroplano tinext kona agad si Aiah. Kaibigan ko.

To:Aiah
Hey, Sunduin Mona ako.

At nag hintay ako ng ilang minuto at dumating na siya. Ito din ang nagustuhan ko kay Aiah, mabilis siyang kumilos. Isang sabi, agad na gagalaw.

Bumaba siya ng motor at malawak ang ngiti niya ang nakita ko nang tanggalin niya ang helmet niya. Tumakbo siya palapit sa 'kin. "OMG!!!! Ang ganda Ganda monaaaaa!! Pero malaki ka parin!" May kasama pa talagang insulto ah.

Hindi kona lang siya pinansin at dumiretso na ako sa motor niya.

Humabol siya sa 'kin. "Hoy! Thank you ha, ang ganda ng salubong mo sa 'kin! Parang hindi mo ako kaibigan!"

"Tsk, sige, i miss you." Sabay yakap sa kanya. Para wala na akong marinig na reklamo.

"Ganyan! Okay, tara na." Hinalikan niya ako sa pisngi at hinayaan ko na lang.

Sumakay na kami sa motor nya. Siya ang magda-drive, pagod ang katawan ko sa totoo lang.

Nakarating na kami sa bahay ko. May sarili akong bahay dito pero hindi alam ng magaling kong pamilya.

Pumasok na kami at dumiretso na ako sa sofa at humiga.

"Pagod ang astig ngayon ah!" Pang-aasar sa 'kin ni Aiah saka siya tumabi sa 'kin.

"Tsk. Just shut up, Aiah."

"Okay, ano gusto mo? Sandwich, juice or what?" She offered.

"Nothing."

Tumayo na siya at ramdam kong palabas na siya ng bahay. "Okay, sige uwi na ako, text me or call me nalang kung may kailangan ka, bye."

Hindi kona siya pinansin at umalis na.

I opened my eyes. Nilibot libot ko ng tingin ang kabuuan ng bahay ko.

Dalawang taon  na ang nakalipas simula nung pinaalis niyo ako. Kung sakaling magkikita tayo hinding-hindi kona kayo kikilalanin. Pamilyang Shin.

Hindi madali sa 'king tanggapin ko na lang ang mga pinaranas niyo. Hindi ko hahayaang maapi na lang ako ng sino-sino. Hindi na ako magiging mahina sa harap ng kahit sino. Ultimo pamilya ko.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now