Chapter 29

1.2K 70 0
                                    

Jax's POV

Lunes nanaman. Ngayon na ang practice namin sa Dance 5. Pati narin sa basketball. Isama mona rin yung instrumental contest. Tsk! Paano na yung schedule ko? Badtrip na payatot nayun! Nakakainis.

Pero ngayon araw na ito, naisip kong ipasok si tatay sa resto ko. Para hindi na siya magutom sa gilid ng kalsada. Kawawa naman. Ang sarap lang sa paki ramdam na may natutulungan ka at kitang kita sa mukha nila ang saya. Nakaka gaan ng loob.

Nandito na ako sa School at mag papalit pa ako ng damit pang basketball kase maaga daw ang practice naming mga girls keysa sa boys. Kaya pumunta na ako sa girls restroom at ang damit ko ngayon ay isang malaking t-shirt na red at pants na kulay black. Ayaw kong mag short. Wala lang, trip kolang. Tinali ko muna ang buhok ko at lumabas na. Dumiretso ako sa locker ko para kunin yung towel ko. Nang isinara ko ang locker ko, tumambad sa harapan ko ang isang peste sa buhay ko. Si payatot! Naka sandal siya sa tabi ng locker ko at naka ngising tinitigan ako.

"Ang aga mo a." Naka ngising sabi niya saakin.

"Ang aga mo a." Pag uulit ko sa sinabi niya.

"Ginagaya mo ba ako?!" Sumalubong na ang kilay niya.

"Hmm.. pareho tayong nandito. Ibig sabihin pareho tayong maaga!" Inis na sabi ko sakanya. Aalis na sana ako sa harap niya nang bigla niyang higpitin ang braso ko. Kaya taka akong tumingin sakanya.

Ang tagal niya akong tinitigan bago mag salita. "Sino ka ba talaga?" Nag tatakang tanong niya sakin at nabigla naman ako. Anong ibig niyang sabihin?

Bakit gusto niyang malaman?

"Bitiwan mo ako."

"Sagutin mo muna ang tanong ko!"

"Bakit gusto mong malaman?!" Sigaw kona sakanya.

"Ang daming tanong sa isip ko na hindi masagot! Kaya please lang sagutin mo ang mga tanong ko!" Sigaw niya narin sakin.

"Tumahimik ka. Dahil hindi mo ako kilala!" Madiin ang pag kakasabi ko sakanya kaya nanlaki ang mga mata niya at binitawan na niya ang braso ko.

Umalis na ako sa lugar na yon at iniwan siya na mag isa. Parang tanga. Pero bakit gusto niya akong makilala? Bakit siya nag tatanong tungkol sakin? Bakit gusto niyang malaman ang pagkatao ko? Tsk! Sira talaga.

Dumiretso na ako sa gym at nandun na ang mga kasamahan ko pero ni isa wala akong kilala. Umupo muna ako sa bleachers at pinanuod ang mga nag lalarong mga babae. Bwisit talagang payatot nayun. Isinali pa talaga ako sa ganito. Ayaw kona siyang patulan dahil baka kung ano lang ang mangyari sakanya.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip nang may babaeng lumapit sakin. "Hi Jax. I'm Enna." Pag papakilala niya sakin sabay abot ng kamay niya. Inabot ko naman yon at ngumiti nang konti. "Third year din ako pero iba lang ang section ko."

"Ahh. Ganon ba?" Wala akong alam na isasagot e.

"I saw your game last week. Your so good. You know humanga ako sayo. At tsaka teammates mo rin ako." Nakangiting sabi niya.

Well, matangkad siya. Maikli ang buhok. Medyo payat. At morena.

"Ahh.. well thank you. And nice to meet you." Wala na akong ibang masabi e. Tsk!

"Uhmm.. you know. Your so beautiful. Uhmm.. can I get your number?" Nahihiyang tanong niya.

"Umm.. hindi ko memorize yung number ko e. Naiwan ko sa bahay yung phone ko." Pag sisinungaling ko. Ang totoo niyan nasa locker ko lang yung cellphone ko.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now