Chapter 9

1.4K 71 0
                                    

Ken's POV


Maaga akong nagising dahil mag rereview ako para sa Quiz at Recitation mamaya!

Nakakainis!


Kinuha ko muna Yung notebook ko sa biology para mag review..

Paulit ulit Kong nilalagay sa isip ko Yung mga nababasa ko, pero Wala talaga!

Tch! Kila Melvin nalang ako umaasa.

Naligo na ako at saka bumaba.. si manang Lang Yung nadatnan ko sa kusina..

"Manang nasaan si ate?"takang tanong ko

"Ahh maagang pumasok may gagawin pa daw silang project, halika na kumain kana!"

Umupo na ako at kumain... Pero syempre habang kumakain nag rereview din ako para sa English!

"Manang pasok na ako bye!" Sigaw ko at tumakbo papuntang kotse.

Nag drive na ako papuntang school,pag karating ko sa parking lot may nakita akong babae na nag sisigarilyo, pero Hindi Kona Lang pinansin at dumiretso na ako papuntang gate Ng school..


Pagpasok ko Ganon parin Ang mga reaksyon Ng mga babae.. pero lutang talaga Ang isip ko... Hindi ko sila pinansin at dumiretso sa room...

Nadatnan ako nila Steve at Melvin na nag babasa Ng notes.



"Mukhang seryoso ang kaibigan natin Melvin a HAHAHA" tawa ni Steve!


"Tsk! Wala ngang pumapasok sa utak ko eh!"


"Meron Naman si Melvin e HAHAHA"


"Wala kayong maaasahan saken!" Sabi ni Melvin.

"Alam Kong Hindi mo kami matitiis e."lambing ko sakanya.

"Oo na!" Bumigay den!HAHAHA


Ilang sandali pa kaming nag hintay Kay Ms. Dallia at nag pa recitation na siya...

Hindi man Lang kami tinawag dito sa likod ... Siguro Hindi niya kami napansin hehehe... It's my lucky day.

Next subject!!! Biology! Eto na! Wala na akong takas dito..

Pag pasok ni Ms. Charry.."Get one whole sheet of paper!" Bungad niya samin.


Kumuha narin ako at sinulat Ang pangalan ko...

Habang nag binabasa ni Ms. Charry ang mga questions, ni Isa Wala akong maintindihan!


"Psst! Anong answer sa 32?" Bulong ko Kay Melvin!

Hindi siya sumagot at ipinakita niya nalang Ang buong papel niya!

Natapos Ang Quiz Kaya gumaan narin Ang pakiramdam ko...

"Recitation tomorrow! Be ready!" Anunsyo ni Ms. Charry.

"Yes ma'am"

Kinuha Kona Ang bag ko at lumabas na kami.

"Oh, mga pre sunduin ko muna si Miah Kita kits nalang"

At umalis na ako papuntang room ni Miah.. Habang nag lalakad ako napansin ko Yung babaeng kasama ni Weirdo na lumabas sa isang room papunta sa Ladies Restroom....


Umakyat na ako ng hagdan at Pumunta sa Room nila Miah... Tinignan ko Ang kabuuan ng Room nila pero Wala siya.. Kaya nag tanong ako sa mga kasama niya...

"Excuse me, nasaan si Miah?"tanong ko Kay Elly na best friend ni Miah

"Sinundo ng ate niya, may pupuntahan daw sila"sagot niya.

"Sige thanks."

Pag lingon ko sa lalakaran ko nakita ko Yung madaldal na kasama ni Weirdo! Pumasok sa isang room at... Dalawang room Lang Ang pagitan sa room nila Miah!... Third year din siya?!!!

Nag lakad na ako at pagkarating ko sa tapat Ng room nila bahagya akong sumilip....

Nakita ko si Weirdo nasa pinaka likod at tahimik na pinapanood Ang kaibigan niyang salita ng salita! Wala paring kaemo emosyon Ang mukha niya!



Tinignan ko muna Yung kaibigan niyang salita ng salita.. at muli ko siyang nilingon..

O_O

Nagtama Ang paningin namin! Pero Wala parin siyang emosyon sa mukha!

Sinamaan ko siya ng tingin at saka umalis na! Napaka Weirdo talaga!

Nasa canteen nako.

"Oh? Nasaan si Miah?"tanong ni Steve.

"May pinuntahan daw sila nung kapatid niya!" Badtrip na sagot ko.

"Hayaan Mona! May next time pa!" Tapik ni Melvin sa balikat ko.

Hindi Kona sila kinibo Ang kumain nalang Ng Burger... Hindi ko Alam Kung bakit ako nakatingin sa Entrance ng canteen pero nahagip Ng paningin ko si Weirdo papasok sila dito sa canteen! Kasama niya Sina Johnny, Rodell,at Zenny, isama ko na Yung bungarera nyang kaibigan..

"Hi Zen!" Malakas na sigaw ni Steve Kay Zenny... Napatingin si Zenny samin at kinawayan si Steve..

0_0

Biglang tumayo si Melvin at Pumunta sa table nila Weirdo! Wala Kang ka tetaste Melvin! Tch!



MELVIN'S POV

Lumapit ako kila Weirdo para mag pakilala pero biglang dumating Yung mga kasama nilang mga lalake at umupo na agad Kaya paglikod ko sakanila..

0_0

May humawak sa braso ko.. pag lingon ko.. si Weirdo!

May inabot siya saken, Yung panyo ko! Kinuha ko agad Yun at nag salita siya!


"Nilabahan Kona yan, salamat!" Sincere nyang Sabi..

Pag kakataon kona to para mag pakilala..

"Ako nga pala si-"naputol Ang sasabihin ko nang tawagin siya ni Rodell!


"Jax! Kain na!" Sigaw niya

Nilingon niya ulit ako at "sige."maikling Sabi niya pero Walang ka emosyon Ang makikita mo sa mukha niya!



Kaya bumalik nalang ako sa table namin.....

"Wooo! Nangangamoy inlove a!" Biro ni Steve.

"Huh?"tanong ko habang nakatitig sa panyo..

"Tch! Wala Kang taste!" Inis na Sabi ni Ken.

Hindi ko sya pinasin  at nag salita ulit ako...

"Jax ata Ang pangalan niya!" Nakangiting Sabi ko.

"Tch! Ang pangit Ng pangalan! Panlalaki! Bagay sakanya!"

"Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko.


"Wala galit ako sakanya!"stupid!

Hindi ko sya pinasin at umalis na kami papunta sa room!

Gusto kitang makilala Weirdo Jax!
Jax ba talaga pangalan mo? Tsk! Hindi ka Naman kagandahan at kaseksihan pero bakit gustong gusto Kita makilala?

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now