Chapter 43

1K 61 0
                                    

Jax's POV



Dumiretso na ako dito sa room, naubos na ang time ni Sir Elisher dahil sa pag tatalo namin. Kaya second subject na kami ngayon.



CLASS

CLASS

DISMISS

CLASS

CLASS


"Hey Jax, tara lunch," anang Danielle



"Sige---"


"Jax, lunch tayo!" Boses ni payatot



"Kaming dalawa na--"



"What?! Hindi!"


"Huwag ka ngang sigaw ng sigaw!" Inis na sabi ko kay payatot "may practice pa kami,"



"Sige sabay nalang ako sainyo" nanlulumong tugon niya


Kaming tatlo ang kumakain ngayon at hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon. Sina Aiah at mga kaibigan namin ay pumunta na sa kani kanilang practice. Diko alam kung bakit nandito pa tong payatot na ito eh, wala ba itong practice sa basketball?


"Jax, tikman mo to" abot sakin ni Danielle ng carrots ba to?!



"No Weirdo, ito" abot naman sakin ni payatot ng patatas?!


Ginagago ba ako ng mga to?! Ni isa walang bumigay sa paborito kong kamatis tsk!


"I'm done," tumayo na ako "hintayin na kita sa gym" baling ko kay Dan


"Sige" pangiti ngiti pang gunggong.



Nag lakad na ako papuntang dance gym namin. Pag karating ko doon inayos ko na ang gamit ko at nag simulang bumuo ng steps. Nakalimutan ko na yung mga steps na ginawa ko kahapon.



"Jaxxxx!!" Napa lingon ako sa kadadating na Dan. "Start na ba?"



"Sige, diba ngayon pa natin kukunin yung uniforms natin?" Tanong ko


"Ahh oo nga pala, sabay ulit tayo ah?"


"Sige, mag ayos kana"


Nag ayos na siya ng mga gamit niya at puwesto na sa tabi ko. Nag simula kaming mag memorize ng mga steps at hindi naman siya mahirap turuan halos ako lang naman ang bumubuo ng steps eh.


"1 2 3 4 5 6 7 8, and 8 7 6 5 4 3 2 and 1" bilang namin. Pagod na kami at puno na ng pawis ang mga damit namin nasa kalahati na kami ng kanta kaya siguro next week perfect na namin ito.


Naupo muna kami at uminom ng tubig. "Anong oras na?" Tanong ko kay Dan.



Tinignan niya ang relos niya "4 na bakit?"



"Kunin na natin yung uniform?"


"Sige tara na"


Nag lakad na kami ni Dan hanggang sa office dahil dun namin kukunin yung uniforms namin. At sa hindi inaasahan nandun si payatot kasama si Aiah.


"Kala ko di na kayo pupunta eh" nag salita nanaman si Aiah


"Syempre pupunta kami, diba Jax?" Umakbay sakin si Dan nginitian ko nalang siya.


"Nandito na uniforms niyo" Sabi nung babae. Kaya kinuha kona ang akin dahil may pangalan naman yun at umalis na ako.


Nag lalakad ako at napansin kong sumunod sila. "Bakit ba umaalis ka nalang bigla?!" Hingal na hingal na sabi ni Aiah


"Malamang aalis ako, ano pa bang gagawin ko dun?" Tanga lang?


"Una na kami Jax, bibisitahin pa namin sila mom and dad." Sabi ni Dan and I nodded plus smile.


Umalis na sila at kaming dalawa nalang ni payatot. Nag lakad na ako at sumunod naman siya sakin pero hindi ko na pinansin hanggang sa parking lot.


"Ano bang meron sainyo ni Danielle?" Tanong niya bigla kaya napalingon ako sakanya.


"What do you mean?"


"Super close niyo, at ang sweet n-niyo"


I smirk "bakit? Nag seselos ka?" Napansin kong nanlaki ang mga mata niya.

"N-No! H-Hindi ah!"

"Eh ba't na uutal ka?" Naka ngisi parin ako

"W-Wala!"


"Umamin ka nga!" Kunwaring sigaw ko sakanya at mas nanlaki pa ang mga mata niya "akala mo hindi ko napapansin? Halata ka Harrison!" Kunwaring naiinis ako "kailan pa?"


"T-These past few days, n-na realized kong..." Tila nahihirapan siyang mag sabi.


"Ano?!"


"N-Na realized kong... G-Gusto kita" napa tungo na siya.


"H-Huh?"


"G-Gusto kita! Huwag mo ng ipa ulit, p-please"



"Okay." Tipid na sagot ko at sumakay na ako sa motor ko.


Wala naman akong nararamdaman, kundi normal lang. Alam ko na yan, halata naman eh, ayaw ko lang mag salita.

Ken's POV



"N-Na realized kong... G-Gusto kita" grabe nahihiya na ako! Nasabi ko na sakanya! Halata naman daw ako eh, napa tungo nalang ako.

"H-Huh?"

"G-Gusto kita! Huwag mo ng ipa ulit, p-please" huwag mo ng ipaulit dahil baka hindi ko na kayang sabihin pa sayo ulit. Doble na ang hiya ko ngayon. Kinakabahan na rin ako.

"Okay."

0_0


Yun lang?


Umalis na siya at sumakay na sa motor niya, pero bago pa yun ay nilingon niya ako. "Matagal ko ng alam,"


0_0

"Halata sa mga kilos mo" at pinatakbo na niya ang motor niya.

Ako? Nandito natulala. Matagal na niyang alam, ahhhhhhh nakaka hiya. Naka confess na ako sakanya pero ang sagot lang niya okay?! Badtrip naman oh!

Halos sumabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba tapos siya okay lang?!


Weirdo naman eh....

Pero okay dahil meron na sakin ang number niya. Hehehe, thanks to Aiah. Hehehe.








To Love The EnemyWhere stories live. Discover now