Chapter 22

1.3K 72 0
                                    

Aiah's POV





Masaya akong nakasama ko si Jax ngayon sa apartment ko. Nakakamiss kasi yung mga panahon na magkasama kami sa iisang bahay. Ngayon hindi na, may bahay na kasi siya. At hindi parin nawawala sa isip ko yung mga nalaman ko kahapon. Totoo ba yung mga narinig ko?


Muntik nang mahalikan ni Ken si Jax! Tsk! Bakit niya kaya yun ginawa, eh halos isuka nani Ken si Jax pag nakikita niya Ito.. hmmm... May something ata si Ken kay Jax ahh... Pero imposible yun.. diba?

Napapansin korin si Melvin na palaging nakakatitig kay Jax.. hayyy nako Jax, sa totoo naman maganda si Jax noong panahong okay palang ang lahat.. Nag bago nalang lahat sakanya noong itinakwil na siya ng pamilya niya.. Buti nalang mukhang okay na sila ni Paul. Pero ang mga tsismosa sa school hindi talaga maiiwasan.


Akala nila totoo na mag syota sila. HAHAHAHA nakakatawa.. hindi nila kase alam kung ano talaga si Jax. At kung ano talaga sila ni Paul.

Bumangon na ako sa Kama ko at nag simulang mag bihis dahil maaga kami sa school ngayon.. matapos akong magbihis lumabas na ako ng kwarto. Walang second floor itong apartment ko. Nakita ko si Jax na mahimbing na natutulog sa sofa.. Hmm... Kahit kailan hindi ka maarte..




Flashback....

Noong mga bata pa kami ni Jax binilhan ako ni mama ng make ups. Syempre tuwang tuwa ako at niyaya ko si Jax na mag make up kame, kaso ayaw niya.. Hindi naman daw mag babago ang mukha niya nilagyan ng make up! At may isa pa dalawang taon na ang nakakaraan. Habang papunta kami ng mall, tumigil siya sa isang batang lalake na pulubi, madumi na ang itsura niya at mukhang hinang hina na. Tumigil narin ako at pinarada ko ang motor ko sa isang gilid sa tabi ng motor ni Jax.

"May masakit ba sayo?" Malumanay na tanong ni Jax sa bata.

"Nagugutom na po ako.. ilang araw na po akong hindi kumakain." Hinang hina na talaga yung Bata.

"Hintayin mo ako dito a." Ngiti ni Jax sa bata nag simulang nag lakad papunta sa isang resto. Ako naman naka upo lang sa motor ko habang pinag mamasdan ko ang bata. Gwapo siya kung hindi lang gusgusin yung itsura niya.

Ilang minuto lang kami nag hintay at dumating na si Jax na may dalang limang Plastic na may laman na pagkain.

"O, kumain kana." Ngiti ni Jax sa bata.

"Wala po akong pambayad sainyo."

"Hindi ko to pinapabayad, sige na kumain kana para lumakas ka." Ngiti ulit ni Jax sa bata.

"Saakin po lahat to?"

"Hmm.. sayo yan kaya kumain ka ng madami para hindi ka mang hina. Ayos ba?"

"Opo. Salamat po."

"Anong pangalan mo?" Tanong ni Jax sa bata habang katabi niya Ito sa gilid ng kalsada na naka upo sa karton na inuupuan nung bata. Actually hindi naman siya masyadong bata. Medyo matangkad din tong bata na to.

"Mike po. Ikaw po anong pangalan mo?" Tanong nung bata.

"Ako si Jaxcel. Tawagin mo nalang akong Jax." Ngiti ni Jax. " Ilang taon kana?"

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now