Chapter 58

1.2K 73 0
                                    

KEN'S POV

Bago mabaril si Jax, kita ko sa mga mata ni Mac ang gulat. Wala akong maramdam kundi galit, sakit, lungkot. Kinuha na si Jax ng ambulansiya. Wala akong pake alam kung may pulis ngayon. Dali dali akong lumapit sa kanila lalong lalo na kay Mac. Sinapak ko siya at tinadyakan sa simura.

"Sir, Tama na po!" Awat sa'kin ng mga pulis.

"Gago ka! Alam mo bang babae yun?! Ba't di na lang ako?! Ako! Kaya ko naman ah! Ba't pa yung babaeng mahal ko?! Gago ka!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"H-Hindi ko alam na s-susulpot siya. S-Si Mark ang nag utos samin!"

0_0

"Si Mark Ferrer?! Mga kago kayo! Pag babayaran niyo ito!" Sigaw ko sa kanya at tumakbo na ako papuntang kotse ko. Sinundan ko ang ambulansiya kung nasaan si Jax.

Sinabi ko nalang kila Mom, Dad at ate na umuwi na sila at babalitahan ko nalang sila.

Walang tigil ang pag bagsak ng mga luha ko. Nag aalala na ako kay Jax. Lumaban ka Jax! Huwag mo akong iwan please.

HOSPITAL

"Sorry po. Bawal po kayo pumusok." Anang nurse ng nasa ER na kami. Kasama ko ang family ni Jax at mga kaibigan namin.

Ilang oras na kaming umiiyak habang nag hihintay na lumabas ang doctor. Wala na akong ibang magawa kundi ang ipag dasal ang kaligtasan ng babaeng mahal ko. Sa saglit na kasiyahan ito ang mangyayari?! Hindi ko kaya.

Ilang sandali pa lumabas na ang doctor. Lahat kami lumapit sa kanya. "D-Doc.. kamusta ang anak ko?" Tanong ni Sir Jayson na nanginginig ang mga kamay.

"Natanggal na ang mga bala sa likod niya Mr. Shin" naka hinga kami ng maluwang sa sinabi ng doctor. "Stable na ang patient."

0_0

Naka ramdam na ako ng kaba. At saya. Stable na siya? Yes! Yes! Yes! Yes!

"T-Totoo b-ba doc?" Tanong ni Paul na umiiyak din.

"N-Noona....." Sigaw ng mag kapatid na si Neil at Yel.

"Hinang hina ang katawan ng pasyente at hindi niya naka yanan ang mga nangyari. Pero possible pa siyang maka recover.. matatagalan lang siya sa pag gising.."

"D-Doc.. makaka recover ba po ba siya?" Humahagulgol na ani Aiah.

"As I said, makaka recover siya.. pag nagising siya ay makaka ramdam siya ng sakit sa sikmura dahil sa lakas ng impact ng natamo. We do our best.. Mr. Shin."

"Thank you doc.."

Thank God. Makaka recover din siya. Nag yakapan kaming lahat at dinala na si Jax sa kanyang private room. Nag siuwi na ang lahat at kami nalang ng pamilya ni Jax ang nandito.

"Jax.." ani ko nang lumabas saglit ang pamilyang Shin. "Ba't mo yun ginawa? Kaya ko naman yun eh. Pinag mumukha mo akong bakla niyan eh." Natatawang sabi ko habang naka hawak sa kamay niya at hinalikan iyon. Marami siyang pasa sa mukha pero mas lumalamang parin ang ganda niya. "Pero.. salamat ha. Pero naiinis ako sa'yo. Masyado kang bayani. Kun sabagay.. bagay naman sa'yo. Haha.." naka tulog ako sa tabi niya habang hawak ang kamay niya.

Panatag ako ngayon dahil alam kong ligtas na siya.

1 week later..

Nagising si Jax at medyo hinang hina parin siya. Bumabalik na sa dati ang itsura niya. Wala na masyadong pasa. Lagi namin siyang binibisita at may bago kaming na papansin ngayon.. sina Danielle at Ate palaging inaasar ang isa't. Tinatawanan na lang namin.

JAX'S POV

Masakit parin ang katawan ko pero nangingibabaw ang saya. Ligtas ang lahat. Masaya ang lahat. Tapos na ang lahat. Sinabi sa'kin ni Ken na si Mark ang Mastermind. Wala na silang ibang magawa kundi ang pag bayaran ang mga ginawa nila.

Makalipas ang dalawang buwan bumalik na sa dati ang lahat. Alam na ng pamilya ko tungkol aa buhay ko noon at ngayon. Alam na rin nilang may bahay at negosyo ako. Naka uwi na rin si Auntie Jenny. Si Ken naman todo ang alaga sa'kin. Natutulog na nga siya madalas sa bahay o di kaya pag pumapasyal ako sa Mansion dun na din siya tumutuloy.

Tanggap siya ng pamilya ko at tanggap din ako ng pamilya niya. Sina Steve at Zenny naman ayun.. strong. Sina Aiah at Melvin naman ayun.. palaging nag a-i love you'han. Mga timang. Haha.

Sinabi naman sa'kin ni Danielle na mukhang nahanap na niya ang sagot sa katanungan na nasa isip niya. Si Kena.. ang ate ni Payatot. Masaya ako para sa kanya at nag pasalamat siya sa'kin dahil daw sa akin ay nahanap na niya ang totoo. Binabalak na din niyang ligawan kaya support ako sa kanya.

Naka usap ko na sila Mac, Van at Mark. Lubos ang pag hingi nila ng tawad sa'kin. Tao lang ako kaya pinatawad ko na sila pero kailangan parin nilang sumuko sa batas. Naiintindihan naman nila kay nag yakapan kami sa isa't isa ganun nadin sa mga kaibigan ko at pamilya ko pati na rin si Ken.

Naisipan naming mag bakasyon dito sa Boracay ng 2 weeks. Masaya, walang problema, malaya, totoo ang sabi ko. 'Tapos na' ang gulong matagal ko ng nakasama.

"Hoy! Jax! Tara swimming!" Sigaw ni Aiah na nandun na sa dagat kasama si Melvin, Steve, Zenny, Johnny at Rodell.

"Sunod ako!" Natatawang sabi ko.

"Yuhoooo!!"

"Wow!"

"Yoh! Naka limutan kong mag sunblock!"

"Hahahahahahaha!"

Naka swimsuit sila at naka Short lang ang mga lalaki. Ako nandito naka upo sa white sand na naka jeans ng black at naka t-shirt ng gray. As usual naman e.

"Oh Love, hindi ka ba nag eenjoy?" Tanong ni Ken at umupo sa tabi ko. Naka sando lang siya ng white at naka short siya ng bulaklak ang ang design. Bakla. Haha.

"Nag eenjoy ako.."

"Ba't di ka maki sabay sa kanila?"

"Ayaw kong umitim eh." Sabi ko sabay ngisi.

"Yabang mo talaga.. porque napaka puti mo!" Natatawang aniya.

"Panong puti? Parang.. bond paper ganun?" Nag tawanan kami.

"Hayyyyyy...." Singhal niya at pinulupot ang mga braso niya sa beywang ko. Ito ang habit niya. Pag yakap sa'kin.

"Huy! Bitiwan mo nga ako!"

"Bakit?!" Bumitaw siya sa pag yakap sa'kin. "Boyfriend mo naman ako ha!"

"Ito naman! Biro lang!" Ngumiti siya at parang batang yumakap ulit sa'kin. "Tsk, bading."

"Tomboy."

"Hahahahahahaha!"

"I love you."

"I love you too, Payatot."

"Weirdo!"

"Hahahaha!"

Hinalikan niya ako sa labi pero smack lang.

Tinawag na kami nila Mommy kaya lahat kami ay nag sikain na. Talagang mag kasundong mag kasundo ang pamilya namin ni Ken. And we're happy about that.

Siya ang bumago sa'kin. Siya ang bagong inspirasyon ko at sa tingin wala ng ipapalit pa.

Si Kendric Luke Harrison lang.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now