Chapter 36

1.1K 67 0
                                    

Jax's POV

Masakit ang katawan ko at talagang ramdam kong pagod na talaga ako pero binabalewala ko nalang. Lalo na ngayong sunod sunod ang practice namin talagang nakakapagod. Kanina palang sa basketball practice napagod na ako. Ang sakit ng katawan ko at pati tong mga sugat ko. Nilalagnat na din ako. Siguro dahil lang ito sa pagod.

Nag pa-practice na kami ngayon nila Annie at mukhang hindi ko na kaya. Parang bibigay na ang katawan ko pero kakayanin ko parin. Ayaw kong ipakita sakanila na ganito ako. Siguro konting pahinga lang ito. Nanonood sila Johnny, Rodell, Steve, Melvin, Aiah, Zenny at Ken sa practice namin. Mabuti nalang at tahimik silang nanonood kaya okay din.

Natapos ang practice namin na pagod kaming lahat pati ang mga boys. Ako naman nanghihina pero binabalewala ko lang. "Jax, okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Aiah, kanina pa siya tanong ng tanong kaya sinasagot ko nalang.

"Okay lang ako." Sabi ko sabay inom ng tubig. Umuwi na ang mga kasamahan namin kaya kaming dalawa nalang kami ni Danielle ang nandito na dancers.

"Mukhang pagod ka Jax ah?" Tanong ni Danielle.

"Mukha lang." Biro ko.

"Okay lang ba yang mga sugat mo?" May bahid na pag aalala sa boses niya.

"Okay na'to."

"Kahit hindi okay, sinasabi niya paring okay." Sabat ni Aiah.

"Tsk! Tumahimik ka nga!" Inis na sagot ko sakanya. "Okay lang ako," tumingin ako isa isa sa kanila "pagod lang."

Mabuti nalang at hindi na sila nag tanong pa. Naiirita na ako sa mga sunod sunod na tanong nila. Gusto kong mahiga muna pero baka mas lalong sasama ang pakiramdam ko pag humiga ako. Baka pag bangon ko nahilo na ako. Naisipan kong lumabas muna ng gym para mag pahangin.

"Oh, saan ka pupunta, Jax?" Tanong ni Zenny.

"Mag papahangin lang." Sagot ko at lumabas na ng gym. Pumunta ako sa tambayan ko at umupo ako sa ilalim ng puno at sumandal.

Matutulog muna ako para mabawasan ang pagod ko.

Aiah's POV

Sa mga kilos palang ni Jax talagang nakikita kong may sakit siya. Pero dahil sinabi niyang okay lang siya, hahayaan ko nalang. Si Jax kasi pag may sakit yan, kung alam niyang kaya niya, kaya niya. Hindi siya hihingi ng tulong. Kagaya nung nangyari kagabi, ang dami na niyang sugat pero umupo lang siya saglit sa sahig tas umalis na. Diba? Weird talaga? Hahaha.

Malaki ang pasasalamat namin ni kuya kay Jax mabuti nalang at walang nangyaring masama saamin pero si Jax naman ang napuruhan. Nag aalala talaga ako kay Jax kagabi kaya nakalimutan ko na bawal palang mag dala ng ibang tao sa bahay niya. Pero mabuti nalang at naintindihan niya ako. Mabuti narin na okay na sila ni Ken, pero ang nakikita ko kay Jax, balewala lang sakanya si Ken, si Ken naman isama mo na yung si Melvin at Steve na panay lapit kay Jax. Hmmm... Hindi ako nag seselos ah! Hindi na nga sila masyadong pinapansin ni Jax panay parin ang lapit nila.

"Ba't ang bilis ng mga practice natin ngayon?" Nag tatakang tanong ni Kuya. Oo nga ano?

"Hindi niyo pa alam?" Tanong ni Melvin saamin and we nodded. "May program ngayon."

"Huh? Program?" Sabay kami ni Kuya.

"May program ngayon at may special guest tayo." Sabat ni Ken. Sina Steve at Zenny naman busy sa tawanan. Hmm... Bagay sila.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now