Chapter 31

1.2K 74 1
                                    

Jax's POV

Tama ang hinala ko. Si payatot nanaman ang napalista sakin sa contest! At sa singing contest pa! Nakaka init ng ulo! Alam kong sinusundan niya ako papunta dito sa music hall pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Huwag mo namang pag initan ng ulo si Ken, Jax!" Biglang pasigaw na sabi ni Aiah sakin.

"Bakit hindi, Aiah!? Huh?! Aiah, dimo alam ang nararamdaman ko! Tumahimik ka nalang!" Sigaw ko sakanya at bigla siyang natahimik. Nabigla din ako sa sarili ko.

"Is there's something wrong?" Nag aalalang tanong niya.

Tumingin ako ng diretso sakanya at seryosong tinitigan siya. "Nothing. I'm sorry I have to go. May practice pa ako sa basketball. Mag papalit pa ako."

Lumakad na ako at nilampasan siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya napahinto ako. "I'm here, Jax. If you have a problem, I'm just here to listen." Malumanay na sabi ni Aiah at dahan dahan akong lumingon sakanya. Kitang kita ko sa mga mata niya na nag aalala talaga siya kaya nginitian ko nalang siya at niyakap. Ayaw ko nang mag salita baka kung ano pang masabi ko at mag sigawan nanaman kami. Masarap sa pakiramdam na may nag aalala sayo at pinaparamdam niyang importante at ispesyal ka.

Humiwalay na ako sa yakap naming dalawa at nginitian ko siyang iniwan sa music hall. Mag isa nalang siyang mag pa-practice dun dahil yun lang naman ang sinalihan niya eh ako andami. Hirap pa ako sa oras kase halos mag kakasabay lang ang schedule ko.

Nandito na ko locker ko at nag bihis na ako ng damit. White T-shirt at black jeans ang suot ko ngayon. Ako lang ang hindi nag so-short sa team dahil wala lang trip ko lang. Pumunta ako sa Canteen para bumili ng dalawang bottled water dahil malamang pagod na ako mamaya.

Papunta na ako sa gym at nadatnan kong nag pa-practice palang ang mga boys. "Hi Jax!" Biglang sigaw nina Rodell at Johnny habang nag pa-practice sila sa gitna. Napansin ko ring lumingon sila payatot at mga kaibigan niya pero hindi ko na sila pinansin. Kinawayan ko nalang sila Rodell at Johnny. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sila Enna na nasa tabi lang ni coach at pinapanood ang mga boys. Umupo nalang ako mag isa sa bleachers at walang ganang pinanood ang mga nag pa-practice. Tsk! Mukhang pagod na sila. Takbo doon takbo dito.

"Time! Girls get ready! Boys break time!" Sigaw ni coach at nag re-ready na sila Enna pero nandito parin ako at naka upo. Napansin kong papalapit sila Rodell at Johnny sa pwesto ko kaya hinintay ko nalang sila.

"Hi Jax. Hintayin ka nalang namin matapos kung okay lang para sabay sabay na tayo." Sabat ni Rodell.

"Okay lang." Tipid na sagot ko. Nilingon ko sila at napansin kong pawis na pawis na sila at pinupunasan nila ang mga pawis nila gamit ang towel nila napansin kong wala silang tubig kaya ibinigay ko nalang ang dalawang binili kong bottled water na para sakin dapat. "Oh." Sabay abot sakanila ng tubig. Nagtinginan silang dalawa at kinuha ang tubig.

"Nag abala kapa ah." Sabat ni Johnny na may pangiti ngiti pa.

"Sakin dapat yan. Kaso mukhang mas kailangan niyo kaya sainyo na." Sabi ko at umupo na sila sa mag kabilang side ko.

"Thanks Jax." Sabi nilang pareho kaya bahagya naman akong ngumiti.

"Ba't hindi ka pa nag aayos?" Takang tanong ni Rodell.

"Ayos na ako. Practice lang naman ito hindi pageant."

"Girls practice na!" Sigaw nanaman ni coach.

To Love The EnemyWhere stories live. Discover now